Revised.
____________________________________________
Bella's POV
Nagising ako nang makarinig ako nang sigawan, napatingin ako sa dalawang taong nag aaway si Lewis at si Matt samantalang si Joyce ay tulog sa sofa. Hindi pa nila napapansin na gising na ko dahil busy sila mag away hindi ko alam kung ano ba pinag aawayan nila kasi wala ako maintindihan sa sinasabi nila. Matutulog na sana ko nang biglang bumukas ang pinto at niluwa nito si Mama Karla at si Mommy.
"Bella bakit hindi mo sinabi sa'min na buntis ka pala sana naalagaan kita ng maayos" Naiiyak na bungad sa'kin ni Mommy na hanggang ngayon ay hindi ko alam na naka uwi na pala sila ni Daddy from a business trip. Lumapit silang dalawa sa'kin to para icheck ako.
"Ysabelle anak kamusta pakiramdam mo may masakit pa ba sayo? Hoy Lewis imbes na nakikipag away ka tumawag ka ng Doctor gising na asawa mo hindi mo pa alam tanga ka talaga" Natatawa naman ako sa inasal ni Mama Karla, Nag aalala talaga siya sa'kin
"O-okay lang po ako Ma ano po pala sabi ng Doctor? Kamusta daw po yung baby ko?" Hindi agad siya nakasagot sa halip ay umiyak siya kasabay naman nito ang pag pasok ni Lewis at ng Doctor. Nagulat ako nang tumabi sa'kin si Lewis samantalang si Matt ay nasa tabi na ni Joyce na kakagising lang.
"I'm glad na gising ka na Mrs. Marquez is it okay ba na pag usapan natin to nang andito sila or you want it private?" Nag aalangan na tanong ni Doc
"Yes it's okay family and friends ko ang nandito so okay lang po. Doc kamusta po yung baby ko? Kahapon ko lang din po kasi nalaman na pregnant pala ko then eto nga ho dinugo po ako kamusta po?" Sunod sunod na tanong ko, sabay sabay naman nag iyakan ang mga tao sa paligid ko including Lewis.
"Mrs. Marquez sorry to tell you but the baby didn't make it masyado pa pong mahina ang kapit ng bata dahil nasa first trimester ka palang" Mas lalong umingay ang iyak nila Mama at Mommy na ngayon ay niyayakap ako hindi ko alam kung ano yung irereact ko.
"NO! HINDI YAN TOTOO BUHAY ANG BABY KO I CAN FEEL IT ANDITO PA SIYA" Umiiyak na sigaw ko sakanila,mabilis naman akong nilapitan ni Lewis at hinawakan ang kamay ko.
"I'm sorry Bella h-hindi ko alam na buntis ka sana mapatawad mo ko please ayusin natin to mag babago na ko aalagaan na kita pangako hinding hindi na kita sasaktan." Umiiyak na pakiusap niya sa'kin, hindi na ko mag papauto sayo.
"IKAW! IKAW ANG MAY KASALANAN KUNG BAKIT NAWALA ANG ANAK KO ANO PA BANG KULANG HA? LAHAT NA BINIGAY KO SAYO MAGING ANG SARILI KO WALA NA KONG TINIRA PARA SA SARILI KO KAHIT ALAM KONG KAHIT KAILAN AY HINDI MO KAYANG SUKLIAN ANG PAG MAMAHAL KO! YUNG ANAK KO NALANG ANG MAYROON AKO NAWALA PA NG DAHIL SAYO UMALIS KA DITO LUMAYAS KA AYOKONG MAKITA ANG PAG MUMUKHA MO! WALA KANG KWENTANG TAO PINATAY MO YUNG SARILI MONG ANAK" Nang gigigil na singhal ko sakanya ni wala ng luha ang pumatak sa'kin dahil natuyo na ito ng galit ko sakaniya. Mabilis naman siyang tumayo at lumabas, sumunod na sakaniya ang doctor matapos mag paalam at mag bilin ng mga kailangang gawin.
Lumapit sa'kin sila Joyce at niyakap ako maging sila Mommy at Mama ay nakiyakap narin. Nag paalam din si Mama Karla na susundan muna niya ang anak niya dahil baka kung ano daw ang gawin. Si Matt naman ay lumabas din muna saglit para tawagan si Tita dahil gusto daw niya na bantayan ako ngayon at hindi daw muna siya uuwi.
BINABASA MO ANG
The Battered Wife (UNDER EDITING)
RomanceIts painful to let go but sometimes its more painful to hold on. Start:January 17, 2017 End:March 6, 2017 Highest Rank Achieve: Rank 1 (May 15,2018)