Revised.__________________________________________________
Bella's POV
"Anak po namin ni Lewis" Tinignan ko ang reaction ni Mama Tin, bakas sa mukha niya ang gulat.
"P-paano niyo naging anak ni Lewis yung bata? Andun ako sa ospital nang i-deklara ng doctor mo na hindi na kinaya ng bata kaya ito nalaglag. Saksi ako nang pag hihinagpis mo noon. Kaya paano nangyari to?" Nalilitong sambit ni Mama Tin
"Ma, Bella asked the doctor's permission if she can declare the baby dead" Pag papaliwanag ni Lewis ngunit mas kumunot lang ang noo ni Mama Tin lalo lang siyang nag taka.
"Huh? B-bakit Ysabelle bakit mo nagawa yun? Delikado yung ginawa mo puwedeng mawalan ng lisensya ang doctor na inutusan mong gawin yun." Medyo naiinis na sambit ni Mama Tin
"Ma wag mo sisihin si Bella wala siyang kasalanan dito. Nagawa niya yun dahil sa takot na tuluyang mawala ang anak namin. And I think she just did the right thing dahil noong mga panahon na yun ay wasak na wasak ako at galit ako sa mundo. Kung nagkataon na hindi ginawa ni Bella yun at nanatili siyang nasa puder ko malamang sa malamang ay wala talaga kaming anak ngayon. Kaya sana naman wag mo ng sisihin si Bella dahil mas inisip lang niya ang kaligtasan nilang mag ina" Pag papaliwanag ni Lewis nakita ko naman na tumayo si Mama Tin at nagulat ako nang lumpit siya sa'kin at niyakap ako.
"Ysabella anak patawarin mo si Mama dahil wala ako sa mga panahon na kailangan mo ko. Hindi ko alam na grabe na pala talaga yung mga ginagawa sayo ng anak ko. Hindi kita masisisi sa naging desisyon mong lumayo para buhayin ang apo ko. Mas humanga pa nga ako sayo dahil hindi madali ang mag isang mag palaki ng anak. Sana mapatawad mo ko dahil sa mga pag kukulang ko sayo. Si Lewis bahala ka na kung papatawarin mo pa yan pero salamat dahil hindi mo pinagkait sa amin na makilala ang amin apo" Umiiyak na sambit ni mama, Naiyak nadin ako dahil hindi ko inasahan na ganito yung magiging reaction niya. Ang buong akala ko ay kasusuklaman niya ko dahil sa nagawa kong pag tatago sa apo nila.
"Maraming salamat Ma dahil naintindihan ninyo ko. Hindi po naging madali sa'kin ang naging desisyon ko na iyon. Pero kinailangan ko lang po talaga isipin ang kapakanan ng anak ko. Maayos ko namann po siyang napalaki kasama ko pong nag palaki sakanya si Lucas." Naiiyak na tugon ko.
"Lucas? Yung bestfriend mo?" Nagtatakang tanong ni Mama, nag katinginan naman kami ni Lewis dahil alam naman niya kung ano na talaga si Matt sa buhay ko.
"O-opo si Lucas po pero hindi ko na po siya bestfriend ngayon a-ano po boyfriend ko na po siya and siya po yung kilala ni Quinn na Daddy niya" Napatingin naman si Mama Tin kay Lewis samantalang si Lewis ay yumuko lang.
"Okay lang naman na mag boyfriend ka na after all annulled naman na kayo ni"
"About that Ma may pag ka-abnormal po kasi talaga ata yung anak ninyo dahil hindi niya pinirmahan yung annulment papers namin nung nakaraan ko lang din po nalaman na kasal pa pala kaming dalawa. Buong akala ko malaya na ko hindi pa pala" Naiirita kong tumingin kay Lewis nginisian lamang ako nito.
"Lewis John! Bakit naman ginawa mo iyon? Pag katapos ng sakit at pag hihirap na dulot mo kay Ysabelle pati kalayaan niya ay ipagdadamot mo pa? Nag iisip ka ba ha?" Galit na singhal ni Papa
BINABASA MO ANG
The Battered Wife (UNDER EDITING)
RomanceIts painful to let go but sometimes its more painful to hold on. Start:January 17, 2017 End:March 6, 2017 Highest Rank Achieve: Rank 1 (May 15,2018)