Chapter XXI

14.3K 229 3
                                    

Revised. 

_______________________________________________


Joyce's POV


Mabilis akong nag lakad pa balik ng guest room. Hindi ako makapaniwala sa nakita ko, kailan pa sila nagkaron ng relasyon ni Lucas. Bakit hindi manlang nila sinabi sa'kin, naputol yung pag-iisip ko nang biglang bumukas yung pinto. 


"Bes halika na malapit na daw maluto yung handa ni Quinn." Bungad ni Bella pag bukas niya ng pinto. Parang walang nangyari na halikan kanina maayos na itsura niya and I can say na blooming siya ngayon ko lang napansin mukhang masaya na siya.


"Oh s-sige susunod na ko medyo sumakit kasi yung ulo ko" Pag dadahilan ko mabilis naman siyang lumapit sa'kin 


"Okay ka lang ba?gusto mo mag pabili ako ng gamot kay Matt saglit lang" Aalis na sana siya nang pigilan ko siya.


"Wag na okay lang  ako gutom lang siguro ako halika na baba na tayo baka hinahanap na tayo ni Lucas" Tumango nalang siya kasi wala na siyang nagawa nang hatakin ko na siya palabas ng guest room. 


"Matt may gamot ka ba jan sa sakit ng ulo? Si Joyce kasi masakit daw yung ulo eh" Bungad niya kay Lucas nang makababa na kami. Tinignan ako ni Lucas agad naman akong umiwas ng tingin hindi ko parin kasi makalimutan yung nakita ko kanina. Bukod sa hindi ako makapaniwala nasasaktan ako, alam naman ni Bella na gusto ko si Lucas eh sana umiwas nalang siya. 



"Saglit meron ako sa kusina kunin ko lang, Ysa si Quinn gising na nsa crib sa kwarto natin paki bihisan na mag aayos na ko dito para mapicturan na natin siya at makakain na tayo" Dumiretso na ng kusina si Lucas para kumuha ng gamot. 



"Bes saglit lang ah kunin ko lang si Quinn hintayin mo nalang yung gamot mo." Paalam  ni Bella bago umakyat sa kwarto nila. Kinuha ko naman tong pagkakataon na to para makausap si Lucas. Wala akong balak sabihin ang nakita ko kanina ang gusto ko sila ang magsabi sa'kin kung ano na ba talagang meron sakanila. Pag akyat ni Bella ay sumunod na ko sa kusina nakita kong nag hahanap si Lucas ng gamot.


"Lucs!" Sigaw ko sakaniya na ikinagulat niya.



"Ano ba Cassandra nakakagulat ka naman! Wait lang hinahanap ko pa yung gamot eh hindi ko kasi alam kung saang drawer  ko nalagay eh sobrang sakit na ba ng ulo mo?" Lumapit ako sakanya para mas makausap ko siya ng maayos. 



"Kaya ko pa naman ano ka ba si Bella lang naman yung O.A eh hindi ko na kailangan ng gamot mawawala din to" Sambit ko sakanya tumigil naman na siya sa pag hahanap kaya nag simula na siya mag ayos ng mga pagkain. 


"Kamusta naman kayo dito" Tanong ko sakanya napatingin naman siya sa'kin at kita ko sa mukha niya na nagtataka siya sa biglaang tanong ko.



"Okay naman kami syempre sa una mahirap lalo na nung panahong buntis si Ysa kasi kung ano ano trip niya kainin. Pero nung nanganak siya okay na ang saya lang na makita siyang masaya tapos ang cute pa ni Quinn." Nakangiti niyang kwento sa'kin. 




"Mabuti naman na okay kayo dito. Kelan niyo balak umuwi ng Pinas? May balak pa ba kayo umuwi yung totoo ah?" Seryosong tanong ko sakanya. Tumigil naman siya sa pag aayos ng cake at seryosong tumingin sa'kin.



"Kung papapiliin ako hindi na, hindi na kami uuwi wag na kaming umuwi kaso hindi lang naman ako yung mag dedecide eh. Kung gusto niyang umuwi edi go uuwi kami if not then no" Seryosong sagot niya.



The Battered Wife (UNDER EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon