Revised._________________________________
Bella's POV
It's been 2 weeks since nangyari yung pananakit sa'kin ni Lewis, until now andito pa rin ako kina Joyce at ayaw nila ako pauwiin sa'min dahil delikado pa din daw. Hindi din nila ko pinapapasok kasi baka daw makita ako ni Lewis doon kaya sila nalang kumokopya ng notes para sa'kin.
Halos 2 weeks na rin akong nakakaramdam ng kakaiba sa'king katawan. Lumakas akong kumain at madalas akong nagsusuka natatakot naman akong mag pa-check up kasi baka mamaya may malubhang sakit na pala ko hindi ko kaya pag nangyari yun.
"Ysa uwi muna ako may ipapabili ka ba? Ano gusto mong pagkain?" Tanong sa'kin ni Matt habang nag aayos siya ng gamit niya.Dito kasi siya lagi nadiretso pag tapos ng klase nila.
"Ah Matt pwede mo ko hanapan ng mangga? Yung hindi maasim pero hindi din masyadong matamis?" Nakangiti kong sagot sakanya.
"Hhmm okay hanap ako later bili din ba ko ng bagoong?" inosenteng tanong niya ayoko nun hindi masarap.
"Ayoko ng bagoong gusto ko sawsawan yung toyo na may asukal" Pareho silang napatingin sa'kin ni Joyce, alam kasi nila na hindi naman talaga ko mahilig sa mangga eh bakit ba yun yung gusto ko eh.
"Ysa kailan ka pa nahilig sa mangga? At toyo talaga ang sawsawan mo sigurado ka ba?" Nagtatakang tanong niya sa'kin tila hindi siya naniniwala na iyon nga ang gusto ko.
"Bakit ba? Ano bang masama eh sa yun nga yung gusto ko eh magtatanong ka tapos hindi ka maniniwala. Bibili ka ba o hindi?" Naiirita na ko para saan pa yung pagtatanong niya kung hindi naman siya naniniwala sa sagot ko.
"O-okay bibili na ko chill ka lang hindi mo kailangan magalit sige na alis na ko balik din ako agad." Lumabas na siya ng kuwarto ni Joyce bigla naman akong nakonsensya dahil nasungitan ko pa siya. Dibale mag sosorry nalang ako mamaya hindi naman akk matitiis nun.
Pahiga na ko sa kama nang mapansin kong nakatitig pala sa'kin si Joyce.
"Bes okay ka lang? Natunaw na ko sa titig mo eh kung papagalitan mo ko dahil sa inasal ko kay Matt pwede bang mamaya nalang inaantok ako eh" Tuluyan na kong nahiga pero si Joyce hindi parin inaalis ang titig niya sa'kin.
BINABASA MO ANG
The Battered Wife (UNDER EDITING)
RomanceIts painful to let go but sometimes its more painful to hold on. Start:January 17, 2017 End:March 6, 2017 Highest Rank Achieve: Rank 1 (May 15,2018)