Revised.________________________________________________________
Lewis' POV
One year na ang naka lipas mula nang umalis si Bella ng Pilipinas. Hanggang ngayon wala parin akong balita sakaniya maging ang mga magulang niya ay hindi parin alam kung nasan siya. Si Joyce naman kahit anong pilit ko ayaw magsalita magkano na nagastos ko sa private investigator pero wala parin.
"Ano Lewis hindi ka padin ba susuko sa pag hahanap? Alam mo kung gusto talaga mag pahanap ni Bella sana matagal mo ng nahanap kaso wala eh isang taon na ang lumipas. Bakit hindi mo nalang kasi hayaan na muna hintayin mo nalang bumalik" Seryosong sambit sa'kin ni Keith andito kasi ako ngayon sa condo niya. Mula kasi ng umalis si Bella sa bahay parang hindi ko kayang tumira doon ng wala siya kaya dito ako nakikisiksik.
"Paano kung hindi na siya bumalik? Hahayaan ko nalang ba na mawala siya ng ganun ganun nalang? Oo aminado naman ako na wala akong kwentang asawa sakaniya eh tanggap ko na yun pero willing naman ako mag bago para sakaniya eh" Paano kung hindi na talaga siya bumalik at talagang sinukuan na niya ko? Hindi ko kaya.
"Ngayon gaganyan ganyan ka pero nung panahon na andyan siya sige dedma ka sakaniya lahat ng klaseng pag babalewala ginawa mo at ang malala sinaktan mo pa physically men doon palang maling mali na eh hindi tayo dapat nananakit ng babae" Matinding pangaral ang natamo ko mula kay Andrei. Tama naman kasi siya mali talaga manakit ng babae sadyang hindi ko lang talaga agad natanggap na kasal na ko tapos sa hindi ko pa mahal. Pero nung nawala siya doon ko lang narealize na mahal ko pala siya, natakot lang ako umamin.
"Yun na nga eh nagsisisi na nga diba mag babago na nga kaya nga tulungan niyo ko maghanap diba?" Naiinis na sagot ko, hindi naman kasi sila natulong sa pag hahanap eh kesyo kasalanan ko naman daw yon kaya dapat ako lang ang umayos.
"Teka lang di'ba hinabol mo siya sa airport hindi mo manlang nakita don sa flight board kung saang flight siya?" Nagtatakang tanong ni Christian.
"Syempre natataranta na ko na makausap siya nawala na yun sa isip ko malay ko ba na importante pala yun at saka malay ko ba na hindi talaga siya magpapahanap sa'kin" Naiinis na sagot ko bakit ba kasi hindi ko naisip yun eh.
"Bro diba kasama niya yung bestfriend niyang lalaki yung si Lucas ba yon o Matthew?" Biglang tanong ni Keith
"Oo kasama niya gag* nga yun eh pinigilan ako makipag usap kay Bella akala mo siya asawa eh" Naiinis na sambit ko nang maalala ko na mag kasama silang umalis ng bansa.
"Eh balita ko pre matagal ng may gusto yun kay Bella eh. Paano kung ito na pala yung pagkakataon na hinihintay niya para masunggaban yung asawa mo?" Biglang singit ni Christian nag init bilga yung ulo ko dahil sa sinabi niya.
"Mag kamatayan na kami pero hindi ko hahayaan na makuha niya yung asawa ko! Akin lang si Bella AKIN LANG" Nanggigigil na sagot ko bago ko binato ng unan si Christian
"Tanga mo din kasi eh tagal ka na namin sinabihan na mag tino ka na para sa asawa mo pero anong ginawa mo? Wala dun ka kay Christine nag pakatanga kaso ano ginawa sayo niloko ka lang bro karma mo yan mag tiis ka kung bumalik siya sayo edi good for you pero kung hindi face the consequence of your stupid actions." Seryosong sambit sa'kin ni Charles.
Hindi na ko sumagot sa halip ay nanahimik nalang ako dahil alam ko naman na ako talaga yung mali at may kasalanan kung bakit niya kinailangan lumayo. Hindi din nag tagal ay umalis na yung iba at kaming dalawa nalang ni Keith ang natira. Nakailang bote din ako ng beer bago ko pumasok sa kuwarto kung saan ako natutulog. Sa loob ng isang taon naging ganito lang ang takbo ng buhay ko puro inom, pag tapos ng graduation namin imbes na maghanap ako ng trabaho mas pinili kong hanapin si Bella.
BINABASA MO ANG
The Battered Wife (UNDER EDITING)
RomanceIts painful to let go but sometimes its more painful to hold on. Start:January 17, 2017 End:March 6, 2017 Highest Rank Achieve: Rank 1 (May 15,2018)