Chapter 6 - Hard to Please

743 21 0
                                    


Elix's POV:

Nakauwi kami sa unit ng walang imikan. Sobrang tahimik lang sa buong biyahe.

"We have our meeting with the board of directors, kasama ang mga executives and senior managers tomorrow afternoon. Are you ready?" tanong ko dito nang makapasok na sa unit.

Tumango lang ito na parang walang interes sa sinabi ko.

"We will announce our identity as CEO and you being the president. Also.." hindi ko alam kung kailangan ko bang banggitin ito sa kanya pero tumitig ito sa akin wari mo'y naghihintay ng sagot. "We will also announce our m-marriage to the public."

"How long do you want to pretend?" naupo ito sa sofa at isinandal niya ang ulo niya sa sandalan paharap sa kisame.

Hindi ako naka sagot. Hanggang kailan nga ba? Hindi ko rin masagot ang tanong niya. Ni hindi ko rin alam kung nagpapanggap nga lang ba ko o totoo ang mga pinapakita ko.

Instead of answering her, naglakad ako patungo sa bathroom pero pinigilan niya ako nang hawakan niya ako sa kamay ko. I felt the current na parang sa kasuluk sulukan ng katawan ko ay nanatili ang kuryenteng iyon.

"Do you want this setup, Elix?" tanong nitong muli. Wala parin akong makitang emosyon sa mga mata niya.

Gusto kong umiwas sa mga tanong niya. Hindi ko kasi alam ang isasagot ko sa mga ito. Sumasakit ang ulo ko sa mga tanong niya. Ano nga ba kasi ang gusto ko? Bakit hindi ko nalang siya diretchuhin at sabihing ayoko din sa ideya ng pagpapanggap na ito.

"I like you Rielle!" bulalas ko sa kanya. Pero pagkatapos non ay narealize ko na mali ang sinabi ko. 'Hindi iyon ang sabi ng utak ko. Damn!' Hindi ko na mababawi yon dahil magmumuka lang akong katawa tawa sa harapan niya.

Nakatulala lang siya sa sinabi ko. Nang bigla niya kong siilin ng halik. Banayad lang ito sa una pero lumalim sa katagalan. Napayakap ako sa batok nito at tinugon ko ang bawat halik niya. Hinapit niya ako sa bewang at tsaka binuhat at inilapag ako sa mesa.

Naramdaman ko ang kamay nito na humawak sa leeg hanggang sa batok ko para lalong dumiin ang mga halik niya. Sa gitna ng bawat halik ay bumulong ito. "Please... stop pretending, Elix." tsaka niya hinagod ang labi niya sa leeg ko.

Marahan akong napapikit nang maramdaman ko yung init ng labi niya sa balat ko. Hinahayaan ko ang mga galaw niya sa pag-angkin sa akin. "No, Rielle. I'm not pretending..." pagka sabi ko non ay tumigil siya sa ginagawa niyang paghalik at tsaka ako tinitigan.

"You're lying.." I can sense her eyes full of sadness and doubt. Idinikit nito ang noo niya sa noo ko and we are just inches apart.

"I don't know what else you want from me, Rielle." hinawakan ko yung pisngi niya habang ganun pa din ang posisyon naming dalawa. I kissed her. Gusto kong pawiin ang anumang bumabagabag sa kanya. It's real, I want to protect her from pain. I don't want her to be hurt anymore.

"I don't need your pity Elix." kumalas ito sa mga halik ko at tumalikod ito sa akin.

"Who says I do?" bumaba rin ako sa mesa kung saan niya ko iniupo.

Hindi ako nito sinagot bagkus ay lumabas ito patungo sa balcony. Pero sinundan ko siya. Ayoko nang ganitong setup na parang uuwian lang niya just because she doesn't have any choice. Tatabihan lang niya ko just for the sake of her late wife who gave me permission just to be her wife.

"Rielle, please.." pakiusap ko sa kanya habang nakahawak siya sa railings at ako naman ay nasa likod niya.

"J-just get some rest, Elix. I can't deal with this right now." nakita ko yung panginginig ng mga kamay niya habang nakahawak pa rin sa railings. Mahigpit ito at tila wala siya balak bumitaw doon.

I dunno but my feet just walked towards her na parang akala mo ay may sariling buhay. I hugged her from behind. Di ko rin namalayan na pumapatak na pala ang mga luha ko sa mga mata ko. I hate to see her like this. I hate to see her hurting again. I can sense her sadness and it seems that the memories of her past are coming back at this very moment.

"I'm here Rielle. You can count on me. You can talk to me. You can always lean your head to my shoulders. If you're still not healed, who cares? I'm here. Try me. I will give my best. Just please don't push me away." hinigpitan ko pa ang pagkakayakap sa bewang niya habang nakasandal ang ulo ko sa likod niya dahil matangkad ito sa akin.

Hinawakan niya ang kamay ko na wari mo'y minamasahe yun, nararamdaman ko din na umiiyak na siya dahil pinupunasan niya ang mga luha niya. She holds me, a sign that she's going to face me. Niluwagan ko ang pagka kayakap ko sa kanya para makaharap siya sa akin.

Humarap siya sa akin pero hindi ito makatingin sa mga mata ko. I'm waiting for her to look at me but she didn't bother to do it. "I need space, Elix." pagkasabi nun ay dumiretcho na ito sa kwarto.

Naiwan ako sa balcony at nakatingin lang sa langit. Konti lang ang makikitang bituin. Hinawi ko sa likod ang buhok ko gamit ang isang kamay. I don't really know what to do anymore.She's too difficult, I can't please her. Ano pa nga ba ang magagawa ko, kailangan kong ibigay sa kanya ang hinihingi niyang space. I sighed.

My Twin Sister's WifeWhere stories live. Discover now