Chapter 51 - Destiny

1K 24 7
                                    



Rielle's POV:

"Ahhhhh!!!!!!"

"Push baby, you can do it...." sambit ko habang may hangin na lumalabas sa bibig ko na para bang ako ang umiiri. "Yes baby. Push it more babe."

"Ahhhhh! Rielle!!!!!!!!!!" lalo pang humigpit ang hawak niya sa mga kamay ko na nakaalalay sa kanya hanggang sa mailabas niya na ang anak namin.

Yes, she's giving birth sa pangalawa naming anak or I should say pangatlo dahil ang panganay namin ay kambal.

Narinig kong umiyak ang bata na hawak na ng doctor. Napangiti ako nang makita kong nakangiti na rin ang asawa ko dahil nakita niya ang baby namin.

"You made it honey. Our baby boy is so healthy." hinalikan ko siya sa noo at sabay naming pinagmasdan ang sanggol na umiiyak.

Kung magtataka kayo kung nasaan ang kambal namin, sila ay na kay mama. They are now three years old, they are female identical twins at hulaan niyo kung sinong kamukha. Syempre si Elix, kasi siya rin naman ang nagdala ng una naming anak and since may lahi silang kambal, biniyayaan rin kami ng Diyos ng kambal kaya sobrang pasasalamat namin nang maipanganak niya ito ng ligtas. Habang ang pangalawa naming anak ay nanggaling sa akin. Ginawa naming surrogacy dahil gusto niya daw magmana ang isa naming anak sa akin. I just hope may nakuha nga sa akin at hindi sa donor. Cross fingers.

—------------------------------------------------

"Mamita oh, look, Lexirielle chi kent pronawnt may neym kolekly." bulol bulol na sumbong ni Riexelle sa kanyang lola.

Narito kasi kami sa bahay ni mama at nagbabakasyon dahil gusto daw niyang makita ang kanyang mga apo. Kaya naman pinagbigyan naming mag asawa ang hiling nito.

"Bakit naman apo, ano bang sabi ng kapatid mo?" umupo naman si mama para pantayan ang taas ng kanyang apo.

"Wag ka niwala mamita, di man totoo yun." Sambit naman ni Lexirielle na ngayo'y lumapit na din sa lola niya.

"Kait tabi mo iksel iksel mali naman! Dapat Ri-yek-zel!" pagtatama ni Riexelle sa kapatid niya kung paano ang pag pronounce sa pangalan niya.

"Ituwid mo muna salita mo, bulol!" balik asar naman ni Lexi sa kanyang kapatid.

Sadyang iba talaga ang ugali ng dalawa, kung si Riexelle ay masyadong perfectionist eto namang si Lexi ay mapang asar. Bulol pa nga lang si Riexelle at hindi namin alam ni Elix kung bakit samantalang si Lexi naman ay nakaka bigkas na ng maayos na mga salita. Pero kahit na inaasar ni Lexi si Rie ay mahal na mahal naman nila ang isa't isa. Sobrang nakakawala ng pagod ang dalawang ito lalo na pag sila ang aabutan namin ng mommy nila sa bahay pag uwi galing trabaho.

"Hey babies, what did I tell you?" lumabas ako galing sa kwarto dahil rinig ko ang pagtatalo ng dalawa mula sa loob. Kasalukuyan pa namang nagpapatulog ang mommy nila kay baby Erielle.

Sa gulat ng dalawa ay pareho silang naupo sa sofa at tumahimik roon.

"To be quiet po.." sabay nilang tugon. Tahimik lang silan at nakatikom ang kanilang bibig habang nasa sofa.

Di mo maikakaila na takot sa akin ang dalawang ito dahil siguro may aura akong iba na kinakatakutan nila. Di ko rin maintindihan pero pabor yun sa aming mag asawa dahil mabilis silang tumatahimik sa isang sabi ko lang. Pero kahit ganun ay hindi ko sila pinagbubuhatan ng kamay at tinataasan ng boses. Sadyang masunurin lang talaga sila pagdating sa akin.

"You can talk but minimize your voice okay?" mahinahon kong bilin at pareho naman silang tumango.

"Sinong may gusto ng ice cream?" masayang tanong ng lola nila at excited naman silang tumayo at sumunod dito.

Maya maya pa ay bumalik ako sa kwarto para silipin ang mag-ina ko. Lagi kasing napupuyat si Elix dahil pinapadede niya ang bunso namin pero pag natutulog na ito ay ako muna ang nag-aalaga kay baby Erielle kapag nagigising ito. Hindi naman iyakin ang bunso namin, lagi lang itong nakangiti at huma hagikhik. Sabi naman ni mama ay mana nga sa akin dahil ganun daw ako nung baby pa ako.

Naupo ako sa upuan malapit kay Elix na mahimbing na natutulog. Nakita ko naman ang photo album ko sa lamesita na katabi ng kama kaya kinuha ko iyon dahil gusto kong tingnan ang mga litrato ko nung bata pa ako, mahilig kasi si mama kumuha ng litrato at saka niya ilalagay sa photo album para daw may remembrance. Sinimulan kong buksan ito at saka pinagmasdan ang mga larawan ko mula pa nung pagkabata.

Nasa kalagitnaan na ako ng album nang hindi ko namalayan na nakatingin din pala sa album yung asawa ko na ngayon ay humahagikhik. Kung di pa siya nagsalita ay hindi ko pa malalaman.

"Look at you, you're so cute hon but you look familiar in that red jumper."

Napakunot naman ang noo ko nang marinig ko yun.

"What do you mean, honey? I'm too young in these photos for you to find me familiar." tiningnan ko naman siya pero parang nag iisip siya.

"Ahah! Parang alam ko na.. Can you get my wallet in my bag babe?"

Sinunod ko naman ito at saka inabot sa kanya. MAy kinuha siyang picture mula doon at tiningnan niya ito. "Look, oh my god! It's you!" inabot niya iyon sa akin para ipakita iyon. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko yung picture na yon. Kuha iyon ng mama niya, siya at si Lexa na nasa isang fast food pero nasa labas iyon. Nakuhanan din ang nasa gilid nilang mesa kung saan nakaupo ako at si papa na kumakain din nakatayo ako sa upuan noon kaya kitang kita ako doon at nakatingin pa sa camera.

"Halah, oo nga! Ako nga to." namamangha kong saad at hindi makapaniwala.

"Did you know we only happened to be in the Philippines that day because of Dad's business? What a coincidence that you were captured in a photo on that particular day."

What a coincidence indeed. Maybe that's what you call destiny, nakakaloko din magbiro ang tadhana kahit malayo ka sa taong nakalaan sayo ay pagtatagpuin at pagtatagpuin parin kayo no matter what the odds is. Nakangiti akong nakatingin lamang sa litratong yon. Ang dami kong iniisip, di kasi talaga ako makapaniwala kung bakit nagkaroon kami ng connection sa mga kuha non.

"Naniniwala na ko sa tadhana..." bulong kong sabi.

"Destiny brought the three of us to be connected together..."

"Who would have thought that we would be brought together at an unexpected time and that destiny would play with the lives of the three of us?"

"But still we have a happy ending pa rin..."

"You're right, babe!"

I looked at her, filled with joy knowing that out of billions of people in the world, she was destined to be with me. I gave her a kiss on the lips.

"Mahal na mahal kita Elix at ang mga anak natin."

"Mahal na mahal din kita Rielle..."

—-----------------------------------------------THE END—-----------------------------------------------------

Hello guys! Thank you so much for reading! I hope you enjoyed my first story. I'm actually thinking of writing Supernova's story. It's a Professor Student, you can give me your thoughts about it if you have something in mind.

My Twin Sister's WifeWhere stories live. Discover now