Chapter 5 - The Ex

792 21 1
                                    


Elix's POV:

"What are you doing here?" Tanong ko kay Shayne when she sat on the chair in front of my desk.

"You know why." She winked at me at tsaka tumingin sa kabilang glass room on my left side. Tinitigan pa nito si Rielle habang nakaupo ito at busy sa tapat ng laptop nito. Napakagat pa si Shayne ng kanyang labi ng makita niya Rielle ng personal na sa kasalukuyan ay nakasalumbaba sa desk ko na wari mo ay nagde-day dream. Kahit malayo ito sa kanya ay para niya itong hinuhubaran sa mga titig nito.

I was looking at her nang mejo tinatago ko ang mukha ko gamit ang kaliwa kong kamay para kung tumaas man ang tingin sa amin ni Rielle ay hindi niya makikita ang tingin kong sobrang sama sa kaharap ko. Ang desk kasi nito ay nakaharap sa right side ko. Kaya kung titingin ka sa office niya ay agad niya itong mapapansin.

"God! She is so damn sexy!" Bulong nito na parang hindi makapaniwala. Para namang hindi ito modelo na hindi nakakakita ng mga magaganda. Pss,

"Can you not look at her that way?!" pinandilatan ko ito ng mata para tumigil ito sa ginagawa niya. I'm avoiding the sight of her office dahil nakakailang. I can't look at her straight from the eyes dahil nako-conscious ako sa mga titig niya.

"Oh my god! She looked at me!" kinikilig ito pero hindi sa paraang pinahahalata nito ang pagkakilig niya.

I rolled my eyes at ipinagpatuloy ko ang pagsa-sign ng mga papers sa harapan ko.I didn't like the idea na tiningnan niya ito but I doubt, as far as I imagine ay malamig ang mga tingin nito na walang emosyon tulad ng araw-araw nitong aura.

I remember what her therapist told me that she may display a certain emotional distance in the future because it's not uncommon for individuals who have experienced such profound loss to develop a protective shell. She might appear colder or more reserved at times.

Kaya pala ganito ito kalamig, walang pinipiling lugar at wala ring sinisino. She's so distant. After the night na may nangyari samin ay hindi na ito umiimik pag nakauwi na ito. Madalas din itong lagi lang nasa balcony kung hindi hawak ang phone ay may alak itong iniinom. I gave her the space she wanted.

Pag matutulog na naman ay nararamdaman ko lang itong tatabi sakin pag matutulog na ito, every night ay lagi akong parang estatwa sa pagkakahiga dahil naiilang ako sa presensya niya. She didn't try to touch me again. Malungkot isipin na baka talagang pinagsisihan niya ang nangyari samin, I'm not sure why I felt like I'm being rejected by Rielle kahit wala namang act of rejection.

"I like her!" nawala ako sa pag-iisip ko nang marinig kong nagsalita si Shayne. "I want her on my bed, Elix! Introduce me to her please." kinikilig pa rin nitong sabi.

"Shut up!" pinandilatan ko ulit ito ng mata. Hindi niya pwedeng hawakan ito kahit daliri man lang. I won't let that happen.

"Selfish!" She pouted her lips. "By the way, how are you two?"

"We're fine." tipid kong sabi.

"Spill the tea!" excited pa nitong pangungulit.

"Nothing to spill!" Inirapan ko pa ito nang mag-sign ulit ako ng papel.

"Hmf! Okay fine. I'll be back tomorrow."

"Saan ka pupunta?" taka kong tanong dito.

"I have a photoshoot in Taguig. Since you don't want to open up then I'll go. Bye!" tumayo ito at kinuha ang bag niya. Mayamaya pa ay nag flying kiss pa ito sa akin pero pasimpleng idinako nito ang kamay patungo kay Rielle.

"Go ahead! Ingat sila sayo!" Napailing nalang ako sa kanya habang natatawa.

Pag alis ni Shayne ay napansin ko namang tumayo si Rielle at lumabas ng opisina nito. Hindi ito lumingon man lang sa akin hanggang sa tuluyan itong lumabas.

She's too cold. Pero wala naman akong magawa kundi hayaan lang siya. If only Lexa is still here, baka maging friends pa kami. 'Friends?' tanong ng isip ko. Kaya ko nga ba siyang maging kaibigan?

When Lexa told me about her and showed me some photos, there was something with her na hindi ko sadyang maipaliwanag. Like we are connected in some ways pero not the connection like what I have with my twin sister. Maybe everything happens for a reason. Kung sakaling buhay pa ang kapatid ko baka ok ang mundong ginagalawan ko. Napahilot na lamang ako sa aking sentido nang mapagdesisyunan kong lumabas at magpahangin.

I'm tired as hell. I have to go home. Hindi na bumalik si Rielle nung lumabas ito ng office niya and I don't know where she is. While walking in the parking lot, I saw someone walking towards me. Nang papalapit na ito sa akin ay napagtanto ko kung sino ito.

"Greg?" napahinto ito sa pagbukas ng kotse ko nang makalapit ito sa akin.

"Hi Elix, I miss you so much" Niyakap ako nito ng sobrang higpit. Pero hindi ito nagtagal ay tinulak ko ito.

"G-greg, ano ba? Bitawan mo ko." Amoy alak ito at wala sa katinuang kausap.

"W-why? Don't you miss me too?" aktong yayakapin akong muli nito but I press my hands to his chest to stop him from hugging me. "Let's talk Elix please... Mahal na mahal kita! I want you back." pagmamakaawa nito.

"Wala na tayo Greg. Wala na tayong dapat pang pag-usapan pa. Umalis ka na."

Bubuksan ko na sana ang pinto ng kotse ko nang hawakan nya ko sa braso.

"Aray! Ano ba Greg, nasasaktan ako!" nagpumiglas ako sa kanya pero mahigpit ang pagkakahawak niya sa akin.

"Let go of my wife's hand!" I heard Rielle's commanding voice when she held Greg's hand on me. Her eyes are still as cold as ice na napakalamig ng titig kay Greg.

"Wife?" parang binuhusan ito ng tubig sa tanong niyang iyon kay Rielle at dumako din ang tingin sa akin.

"Yeah. Wife, she's mine so let your hands off her." walang kaemo-emosyong sabi nito kay Greg.

Nang hindi bitawan ni Greg ang kamay ko ay mabilis niya itong siniko sa tagiliran kaya nawala ang pagkakahawak nito sa akin habang sakit na sakit ito ay siya namang pag palipit ni Rielle sa kamay nito.

Parang wala lang dito ang ginawa niyang iyon. Parang hindi lalaki ang ngayo'y namimilipit sa sakit na hindi pa rin niya binibitawan magpahanggang sa ngayon.

"If I ever see you again getting close to my wife again, I'll kill you." malamig nitong tinig, pagkasabi non ay binitawan niya ito dahilan para matumba ito sa sahig at doon ito namilipit.

Rielle hold my hand tsaka ako hinila nito patungo sa kotse niya. I was shocked, how could she even handle Greg like that. She's so cool and sexy. Sobrang lamig lang talaga. Sumunod ako dito at pinaupo niya ako sa passenger seat.

"How about my car?" tanong ko sa kanya.

"How about it?" 'wow, tanong ko tapos tanong din ang sagot. Great!'

"Wala akong gagamitin bukas."

"Use mine." malamig niyang sagot.

"How about you?" muli kong tanong.

Tiningnan ako nito. As usual.. Too cold. Hindi ito sumagot at pinaandar na ang sasakyan niya. I sighed, a sign of defeat. 

My Twin Sister's WifeWhere stories live. Discover now