Chapter 26 - Home II

524 17 0
                                    


Rielle's POV:

"Elle!!!!!!!!!!!! Wake up!"

Nagulantang ako sa ingay na pumasok sa kwarto ko. It was Nia napaka ingay putek!

"What the hell Nia!!! Ang ingay mo naman!" pinilit kong imulat ang mata ko nang magulo itong umupo sa gilid ng kama kaya nayuyugyog din ang utak ko sa sobrang gulo niya.

"Huy! Gumising ka na dali!" hinatak pa nito ang unan na yakap yakap ko kaya wala na ang tulog ko. Kakainis to minsan na nga akong matulog ng mahaba!

"Bakit ba nandito ka?! Nananahimik ako dito nanggugulo ka!" nagmamaktol kong sabi.

"Off ko. May chika kasi ako sa'yo!" excited niyang sabi na halata naman sa mata niya. Marites talaga ang isang ito.

"Ano ang chika mo?" nakapikit kong sabi. Inaantok pa kasi ako eh.

"Gagi, alam mo ba yung about sa bff ng jowa mo, si Shayne?"

Now I'm listening. "Ano yun?" bumangon ako at napatingin sa kanya.

Tatawa-tawa niyang hinampas ako ng unan. "Tangina mo Rielle! Basta talaga tungkol sa jowa mo active na active ka!" at hinampas ulit ako ng unan.

"Aray! Ano ba kasi yun?"

"May gusto lang naman siya sa jowa mo!" sabi niya at inilagay ang unan sa binti niya at saka dinantayan.

"Oh tpos?"

"Anong tapos? Di ka ba nate-threaten? Model yun Elle!"

Inirapan ko siya, "so dapat kabahan ako ganun?" sarkastiko kong sambit.

"Malamang model kaya yun sobrang ganda pa!"

"So anong ibig mong sabihin? Panget ako ganun?" masamang tingin ang ipinukol ko dito.

"Uy wala akong sinabi.." tumingin naman ito sa taas para magmuka siyang inosente na akala mo wala talagang ginawang hindi maganda.

"Paano mo nalaman yan?"

"Nung campaign ni Elix. Nung umuwi kayo nagbar pa kami ni Shayne. Tapos na lasing ang loka ako pa ang naghatid dahil sa kalasingan niya. Tapos nabanggit niya, gagi sobrang in love sa jowa mo yun!"

Napaisip ako ng bahagya, di naman ako masyadong nagulat dahil nasabi naman na sakin yun ni Elix. I just don't know how to handle these kinds of circumstances. Should I be threatened? Pero diba yun din ang dahilan kung bakit nasabi sakin ni Elix na mas mahal niya ko. Mahal niya din ang bff niya but just a friend.

"Should I be worried?" tanong ko kay Nia.

"Of course! Syempre kahit sabihin mong magjowa kayo, bff niya pa rin yun. Present yung tao sa mga oras na wala ka pa sa buhay niya! Paano kung maisip niyang yung best friend pala talaga ang mahal niya at hindi ikaw?"

"Kaibigan ba talaga kita? Salamat sa napaka supportive mong litanya ah!" I rolled my eyes. Hay Naku ginugulo talaga ng babaeng to ang pananahimik ko. Kakainis.

"That's what our friends are for!" nakangiti pa ito.

"Raulo! Tsaka alam ko na yan. Si Elix ang nagsabi mismo sakin."

"Luh talaga? Paano niya nalaman?"

"Nag Confess daw sa kanya nung sya ang naghatid nung nagbar tayo kasama mga friendship mo."

"Gagu yun ah, di niya sinabi nakapag confess na pala siya, todo effort pa naman ako sa pagbibigay ng advice. Hmp."

Tiningnan ko siya ng may pagdududa, "Ano naman ang inadvice mo?"

My Twin Sister's WifeWhere stories live. Discover now