Chapter 4 - The Promise

824 24 1
                                    


Elix's POV:

I was standing at the second floor nang mapatingin ako sa entrance sa ibaba. Nakita ko ang pagpasok ni Rielle mula sa ibaba, di ko maiwasang humanga sa angkin nitong ganda. Pinagmasdan ko siya habang naglalakad, full of confidence kaya naman hindi maiwasan ng mga empleyado ang mapalingon sa kanya sa bawat hakbang niya.

Rielle was dressed in a tailored suit na hapit sa katawan nito, and every step she took was a perfect blend of poise and allure. Hawak nito ang cellphone niya sa kanan niyang kamay at ang isa naman ay nakalagay sa kanyang bulsa. Idagdag mo pa ang walang kainte-interes nitong itsura habang naglalakad.

Habang papalapit sa lobby ay hindi ko maiwasang mapansin ang mga reaksyon ng mga tao sa paligid nito. They were murmuring about her, may mga kababaihan ang todo titig dito na wari mo'y kinikilig habang ang iba naman ay titig ng may halong inggit. Nabigla sila sa presensya nito dahil akala siguro nila ay matagal na itong wala sa kumpanya. They didn't know na ang pinagmamasdan nila ay ang presidente ng kumpanya.

Maging ang mga kalalakihan ay mapapansin mo ang pagtitig sa kanya na akala mo ay namamagnet ang mga ito kung saan siya patungo. They really admire her presence at this very moment.

Nagulat nalang ako nang makita ko siyang nakatitig sa akin habang paakyat sa hagdan. 'Natulala ba ako? S-shit.' Nag-iwas ako ng tingin at hinawi ang buhok ko kunwari tapos tsaka ako naglakad pabalik sa office.

When I get in my office, kasunod ko na pala siyang pumasok sa loob.

"Why didn't you wake me up?" she asked me, nakatalikod pa rin ako dito at tsaka humarap bago nagsalita.

"I have a meeting in the morning. Ang himbing ng tulog mo kaya di na kita ginising. Have you eaten your breakfast?" Paliwanag ko dito. I prepared her breakfast para kumain siya bago siya pumasok, I hope she ate it.

Di niya ko sinagot, nakatingin lang ang mga mata nitong malamlam at tila yelo sa lamig.

"Why did you let it happen?" titig pa rin nito sakin pero nananatili ang kawalan nito ng interes na look.

Napamaang ako at agad umiwas ng tingin pero lumapit ito sakin. Di ako prepared kaya napaatras ako, naramdaman ko na lamang ang mesa na halos maupuan at masandalan ko na. Eto na naman siya, ang hilig niyang kornerin ako. Nakakainis.

"It's just sex, not a big deal!" Hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya, iniwasan ko siya pagkasabi ko niyon.

I don't know bakit bigla na lamang itong umatras at dumistansya sa akin sabay tingin sa carpeted floor. Nakahinga naman ako ng maluwag. Whenever she's too close, halos marinig ko na ang tibok ng puso ko na parang gustong kumawala sa bilis ng pagtibok. Why am I like this? Narinig niya rin kaya?

Di na ito umimik pa, tumungo na ito agad sa opisina niya nang hindi man lang ito lumingon pa.

Napansin ko ang pabalik balik ng secretary niyang si Belle sa office niya. Ang dami niyang hininging files mula rito. She's really a woman of dedication. Napansin ko na ito mula nang ipinabantay ko ito sa kanyang sekretarya. I just want to know what she's doing in her office everyday ay nirereport naman sakin ni Belle ang lahat. Pero nilipat ko na dito ang opisina ko para naman makikita ko siya sa mga ginagawa niya. I have to look after her as Lexa asked me.

Nang maalala ko na naman ang kapatid ko, di ko mapigilang maisip ang bangungot bago siya mawala.

Flashback:

Nasa loob ako ng hospital sa room ni Lexa, wala kang maririnig kundi yung monitor na nakakabit sa kanya para mamonitor ang heart beat niya. Umupo ako sa tabi niya, hawak ang nanghihina niyang kamay, naramdaman ko ang bigat ng napipintong pagkawala nito sa amin. Mabilis na lumala ang kalagayan ni Lexa, at kitang-kita ko ang takot sa kanyang mga mata. Kasama ko si daddy na nakatayo sa gilid ng kama niya na punong puno din ng lungkot at pag-aalala.

"Elix," she whispered, na halos hindi na marinig, "there's something I need to ask of you."

Lumapit ako, naninikip ang puso ko sa pag-aalala. "Anything, Lexa," sagot ko sa kanya, nanginginig ang boses ko. "You know I'd do anything for you."

Lexa looked at me, basang basa ang mga mata nito ng luha. "I don't want Rielle to go through the pain and devastation that she experienced when her dad passed away," she said, puno ng desperasyon ang tinig nito. "I can't bear the thought of her enduring that kind of agony."

Marahan akong tumango, naiintindihan ko ang lalim ng pagmamahal ni Lexa kay Rielle, The two of them had shared a love that was nothing short of profound, sobrang lalim and the idea of Rielle's suffering is hurting her.

Lexa continued, nanginginig sa emosyon ang boses niya. "I want you to promise me, Elix," pakiusap nito, "that you'll step into my role as Rielle's wife when I'm no longer here. Be there for her, protect her, and shield her from the pain that life can bring."

Natigilan ako... As I looked into her eyes, nakita ko kung gaano kalalim ang pagmamahal nito sa asawa niya. Nangingilid ang luha sa mata ko pero tumango ako sa kanya. "I promise, Lexa," bulong ko, di ko na napigilan ang pagluha ko. My voice choked with emotion. "I'll do everything in my power to ensure that Rielle is safe and supported."

Habang nakayuko ay niyakap ko ang kapatid ko. Nararamdaman ko ang panghihina niya "I'll be there for Rielle, just as you would want." sambit ko sa kanya para sa kapanatagan ng loob niya.

Sa mga sandaling 'yon, dun ako nangako sa kapatid ko na sadyang magpapabago ng buhay ko. I looked at her, I knew that her love for Rielle would live on through me, and that our shared journey was only just beginning.

My Twin Sister's WifeWhere stories live. Discover now