Chapter 24: Mila is alive

131 9 0
                                    

Binilisan ko ang pag-empake ng mga gamit at ilang oras din ay natapos na.

Agad naman akong pumasok sa kotse at nagsimula namang pinaandar ni Sebastian hanggang sa nandito na kami sa airport.

Nagsimula naman akong manginig dahil sa napakaraming tao, ngayon lang ulit kasi ako nakalabas para bang na-quarantine ng ilang taon. Hinawakan naman ni tian(Sebastian nickname nya tian) ang kamay ko upang manatiling kalmado kaya nakahinga naman ako ng maluwag at medyo napagaan rin ang aking dibdib.

...

"Handa ka na ba?" tanong ni tian sakin na may halong pag-alalala. I slowly raised my head and said.

"Oo, handa na ako"I answered confidently to tian.

Tumingin naman ito sa akin at ngumiti, ngumiti naman ako pabalik at nagsimula na kaming maglakad papunta sa hotel room na pina-book ni tian.

Ang sabi niya sa akin hindi daw magiging madali kapag pabigla-bigla akong magpapakita kay Liam. Kailangan muna niyang siguraduhin na kami lamang ni Liam at walang ibang taong makakaalam na buhay pa ako dahil magiging mahirap ang sitwasyon ko at hindi ako tatantanan ng mga reporters at lalong lalo na ang halimaw na si Malcolm. Kapag nalaman niya na buhay pa ako hindi siya mag-aatubiling patayin ako bago kopa masabi kay Liam ang totoo.

Nandito ako sa kwarto, naninibago dahil ngayon lamang ulit ako nakabalik sa lugar na ito. Wala paring nagbago ganon parin ang itsura ng mga buildings at kay ganda ng mga lights.

Nakarinig naman ako ng katok at alam kung si tian  'yon kaya agad ko itong binuksan. May dala siyang pagkain kaya napangiti ako, kanina pa ako gutom eh.

"Sorry, medyo natagalan sa pagbili. Alam kung gutom kana kaya halika kain na tayo" tumango lamang ako at nagsimulang kumain.

Nag-usap naman kami ni tian kung paano ako  magkikipagkita kay Liam na walang makakaalam na iba kundi kami lamang, hanggang sa natapos na kaming kumain.

"Bukas na bukas Mila makikita mona ulit si Liam. Kaya dapat handa kana, I know maguguluhan lang siya at di makapaniwala but I'm sure magiging okay ang pagcocomunicate nyung dalawa..." napabuntong hininga naman ako at maingat naman tinapik ni tian ang likod ko tsaka tumayo at umalis na dahil may kailangan pa siyang i-report.

Kumusta na kaya si Leon, nalungkot ba siya nong' nalaman niyang patay ako?

Hayyy, ano bang iniisip mo mila.

***

[Debris Liam point of view]

Kagagaling ko lang sa station at ganon parin walang nagbago, ang dami-daming kaso at krimen ang gagawin pa.

Ilang araw narin simula nong' nagkita kami ni lucius at hanggang ngayon hindi pa siya nagme-message sa akin kaya medyo wala ako sa mood ngayon.

Hindi ko parin mahanap-hanap ang pumatay kay mila hanggang ngayon puro clue lamang ang nandito sa amin ngunit alam kung malapit ko nang malaman kung sinong pumatay kay mila, alam ko mahahanap at madadakip ko rin siya/sila.

Napatigil naman ako sa pagtatype ng biglaang tinawag ang aking pangalan.

"Liam"pamilyar ang kanyang boses hindi kaya si-, napalingon naman ako at siya nga, sebastian.

"Sebastian? Kailan ka pa bumalik?"masiglang tanong ko nito sa kanya agad naman siyang ngumiti bago sumagot.

"Kahapon lang, pwede bang sumama ka muna saglit sa akin?importante lang Liam" kahit naguguluhan ako ay tumango lamang ako sa kanya at sumama.

Ilang oras ay huminto kami sa isang bahay, agad naman kaming lumabas sa kotse at pumasok, pagbukas ng pinto ay may babaeng naka-upo na nakatalikod. Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng saya at takot ewan ko ba.

POLICEMAN AND THE CRIMINAL(BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon