DxH Chapter 29

14 3 0
                                        

I closed my eyes and ran my hand down to my face. Kahit gusto kong kalimutan, bumabalik pa rin sa isip ko ang nangyari kanina. Nag-angat ako ng ulo upang makita sina Prinsesa Gail at Heinukel Aewe na nasa harapan ko

"Nasaan si Aren?" tanong ko.

Pasimple kong inikot ang aking mata sa loob ng kwarto na tinutuluyan namin. Habang naglalakad kami kanina ay nadaanan namin itong Cabin house kaya napagdesisyunan ni Prinsipe Ocuser na magpalipas ng hapunan dito. Hindi ko alam kung ano ang iniisip nila sa akin ngayon pagkatapos mapatay ni Heinukel Vetel ang lalaking umatake sa amin.

"Nasa baba," sagot ni Heinukel Aewe.

Malapit na daw kami sa Auckland dahil hindi naman kalayuan ang syudad mula sa Fortaleza. Hindi namin inaasahan na makakasalubong namin si Ryan habang naglalakad sa gitna ng kalsada. Nagkaroon tuloy ng habulan kanina ngunit hindi nakatakas si Ryan dahil mabilis siyang nahuli ni Heinukel Vetel.

"Anong mangyayari kay Ryan?" panghihimasok ko.

"Ano bang ginagawa sa traydor?" taas kilay na sagot ni Prinsesa Gail habang nakatingin sa akin.

My stomach turned and my body stiffened because of what she said. She really hate Ryan. Naglakad papalapit si Heinukel Aewe sa aking pwesto. Nakaupo ako habang yakap ang maliit kong katawan dahil sa lamig ng hangin. He sit on one's heel while making an eye contact.

"Bakit sobra ang pag-aalala mo sa lalaking yon? Muntik na tayong hindi makalabas sa Peath Way dahil sa kaniya. Alam ko na! Bumababa ka na lang at saluhan mo kami sa hapag-kainan," aya ni Heinukel Aewe sa akin.

"Meil kung nag-aalala ka dahil sa mga sinabi ng lalaking umatake sa atin. Huwag kang mag-aalala, malalaman din namin ang totoo. Joke, he-he. While your under his spell napansin namin na parang may binubulong siya sa hangin kaya naisip namin na nag-uusap kayo. Huwag kang mag-alala, I trust you," pagpapagaan ni Prinsesa Gail sa kalooban ko.

Ngumiti ako sa kaniyang sinabi pero hindi ko maiwasang makaramdam ng saya dahil sa binitawan niyang salita.

"Halika ka na sa baba. Si Aren nga nandoon eh. Tara na," hila niya sa akin kaya wala akong nagawa kundi sumama sa kanila ni Heinukel Aewe palabas sa kwarto.

My chest swelled with a rush of heat when I saw them. Sumalubong ang tingin nilang lahat sa akin pagkababa ko sa hagdan. Lahat sila nakasunod ang mata.

"Anong titingitingin niyo? Bumalik na kayo sa sarili niyong mundo. First time makakita ng tao?" ani Prinsesa Gail.

Madali kong inabot ang pagkain at tubig gamit ang isang kong kamay nang i-abot ni Prinsesa Gail ang plato. Dahan dahan akong uminom ng tubig. Kailangan kong makabawi ng lakas. Nanatili akong tahimik habang naglalakbay ang isip ko. Malaking katanungan pa rin sa akin ang binitawang salita ng lalaking umatake sa amin.

Napatitig ako kay Heinukel Moreen at pinagmasdan ang kaniyang pisikal na kaanyuan. Nakasuot siya ngayon ng kaniyang putting armor. Halos walang makitang kutis sa kaniyang katawan maging sa kaniyang kamay. Hapit na hapit sa balingkinitang katawan ni Heinukel Moreen sa kaniyang kasuotan lalo na at kakaiba ang disenyong guhit sa bawat parte ng armor.

"Nasaan ang hiyas?" tanong ni Prinsipe Ocuser.

Nakaupo malapit sa pintuan si Heinukel Moreen habang nasa harapan niya si Heinukel Hanuis. Balak ata nilang bawiin ang Pollo na kinuha ni Ryan. Binasa ko ang aking labi habang nakatingin sa kanila. Nakapwesto si Ryan malapit sa bintana habang nakatali ang kaniyang kamay at paa sa upuan. Lahat kami kumakain liban lang sa kaniya.

"I'm talking to you asshole." I saw how Ryan's fingers clenched the rope tightly at Prince Ocuser's words.

Ryan betrayed them. I know. And he must acknowledge what he did.

DemonxHumanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon