Ang sakit ng ulo ko grabe ganito siguro kapag kulang ang turnilyo sa utak. Bumangon ako at kinuha ko ang tshirt ko at ipinatong sa balikat ko..naka itim na shorts lang at bumaba na ko sa hagdan para uminom ng tubig.
Bago ako maka baba ng hagdan sa mabagal na paraan na sobra kong kinatatamaran..may napansin akong hindi pamilyar. Nag pupunas sya ng lamesa may suot na mahabang bestida na kulay puti naka lugay ang itim nyang buhok.
I'm not afraid of ghost but san ka naman naka kita ng white lady na nag pupunas ng lamesa diba? Anong kalokohan ba to!
Pagka baba ko bigla syang lumingon kaya medyo napa talon ako sa gulat. Shit naman.
Sino ka? Anong ginagawa mo dito? Bakit ka ba naka ganyan ha?! sunod-sunod na tanong ko sakanya habang naka tingin sakin medyo gulat rin sa bigla kong pag sulpot.
Sorry, natakot ba kita sa ayos ko? Pasensya na ito lang kase ang komportable kong pantulog na damit. sabi nya habang naka yuko.
Sino ka ba? Hindi ka naman mukang magnanakaw, at kung may magnanakaw man na dumating..malamang matatakot din yun sayo. sabi ko sa kanya habang naglalakad papuntang ref para kumuha at uminom nga ng tubig.
Ako nga pala si Penny..anak ako ni Nanay Bony..kagabi ako dumating dito at mama mo ang nag pa pasok sakin. Sabi ko kay nanay ako na muna ang papalit sa kanya rito para makapag pahinga naman sya. Pumayag ang mama mo kaya ..ayun nandito na ko. sabi nya habang naka yuko na nag sasalita at ako naman nakatayo lang sa tapat ng mesa at may hawak na baso kase nga nainom ako diba?
Ah ganon ba? Marco na lang tawag mo sakin kase yun naman talaga ang pangalan ko. sabay talikod ko sa kanya at napansin ko na baka kaya sya naka yuko habang kausap ako kase nga naka hubad ako... marco nasan ang dignidad mo dyan? kainis
Sinuot ko yung tshirt na naka sabit sa balikat ko at dun lang sya napatingin sakin. Tinitigan ko naman sya..simple lang at walang special, medyo creepy nga lang talaga ang itsura nya lalo na pag dun sya sa madilim na parte ng bahay naka pwesto. Umiwas sya ng tingin kaya naman Naglakad na ko paakyat sa kwarto.
Matulog ka pa..maaga pa naman. huling sabi ko sa kanya ng hindi na lumingon. Dumiretcho na ko sa kwarto at naligo na maaga ako papasok mamaya.
Naglalakad sa hallway ng magka tinginan kami ni Dave. Tropa ko sa Engineering Department. Tumigil ako sa paglalakad ng makitang naglakad sya palapit sakin. Kung titignan sya sa malayo parang normal lang sya mukhang hindi gagawa ng masama...hindi halatang maloko at madaming babae.
Kamusta? sabi ni dave ng naka lapit sakin sabay akbay.
Good, malamig na sagot ko sa kanya.
Ang lamig naman...may naalala tuloy ako sayo ...malas kase talagang kamuka mo haha. sabi nya ng medyo natatawa.
Manahimik ka..Kamukha ko talaga yun kase kapatid ko diba? sabi ko naman ng mag simula nng mag lakad naka sunod naman sya.
Ikaw naman, gusto ko lang naman malaman kung ano ng balita sa kanya. sabi nya na medyo seryoso na
Napaisip naman ako kung sasabihin ko nga sa kanya ang gusto nya malaman. Kaibigan ko sya...mas nauna ko syang maging kaibigan kay jeff pero dahil sa nangyari noon parang gusto ko na lang na hindi sya makita.
Makaka labas na sya...malamig ko naman na sagot kay Dave. Napa tingin ako sa kanya ng mapansin ko na nabuhayan sya sa sinabi ko. Hindi ko lang masabi na sana hindi sya maging masaya sa sinabi ko. Napayuko na lang tuloy din ako. Nilampasan ko sya.
Sabihin mo..kung kailan ko sya pwedeng makita ulit. Please, payagan mo ko na makita ulit sya Marco. Naka tingin sya sakin ng seryoso ng sinabi nya yun pero hindi ko kayang sabihin...kase umpisa pa lang..wala na ko sa lugar.
Tumalikod na ko at nag lakad na ulit papunta sa klase. Paano ba to? Babalik na sya ta makaka labas na sya..paano naman yung nag hihintay sa kanya ? Sumasakit ang ulo ko kaka isip sa problema na hindi naman sakin. Kainis talaga nyah!!!!
Pag punta ko sa classroom naupo ka agad ako sa upuan ko. Nakita ko naman si Jeff na nakikipag chismisan dun sa iba namin na classmates. Yung chismis na nalalakap nya sakin din naman nya ikukwento mamaya. Kaya hintayin ko na lang sya lumapit. Gaya ngayon.
Pare alam mo na ba ang chismis? Hahahaha kaka iba to! sabi nya habang humihila ng upuan para maitabi nya sa upuan ko.
Napa buntong hininga na lang ako Ano na naman ba yan? Napaka bilis mo talaga sa chismis no. sabi ko habang inaantok
Pre mag jowa pala si Mr. Vargas at si Ms. Gante! grabe pare diba hindi naman sila mag ka sundo? nakikita nga na hindi naman sila close at hindi rin nakikitang nag kaka usap masyado sa campus ..paano kaya nangyari yun? chismis nya sakin habang takang taka sya at ako naman naka tingin lang sa kanya habang nag tataka rin ako kung nasan ba ang utak nya.
Baka kase lowkey sila at professional sa trabaho kaya hindi sila gaya mo na nag lalandi dito sa campus...Hindi kaya???? Sarcastic na pag kaka sabi ko sa kanya. Nanlaki naman ang mata nya at lumapit sakin.
Baka nga siguro ano? Ano ba naman yan! Hirap mo naman ka chismisan ayaw mo pa habain yung chika. May conclusion ka agad eh! asar!
Napa iling nalang ako sa kanya at hindi ko na sya pinansin.
Malapit na tayo mag 4th yr. excited na ko. excited na sabi nya
Sigurado ka ba na gagraduate ka? Kahit gawin mong swero ang kape mahihirapan kang labanan ang antok haha sabi ko sa kanya habang nakuha ng folder sa bag ko.
Grabe kana! sige mag pustahan tayo ha! sa 4th year natin bago mag graduation irereto kita sa pinsan ko at wala ka ng kawala! HAHAHAHA nababaliw na sabi nya.
Bakit ba gustong gusto mo ko dyan sa pinsan mo ha! kilala mo ko dapat nga wala kang tiwala sakin eh! ungas ka talaga kahit kailan!!! sabi sabay hampas ng folder ko sa ulo nya.
Kase nga kilala kita..kaya nga may tiwala ako sayo at bagay talaga kayo ng pinsan ko na yun pramis!!!! HAHAHAA nababaliw na sabi nya..
Malala na talaga ang isang to. Pero wala na kong magagawa at pina nganak talaga yatang kulang ang turnilyo nyan.
Natapos na naman ang araw at nakauwi na rin sa wakas. Binuksan ko ang gate at nakita ko si Penny na may dalang bag ng basura. Hirap na hirap pa syang buhatin. Teka parang de javu ha?
Lumapit ako para tulungan sya.Akin na nga yan. Sabay kuha ko ng basura Pumasok kana sa loob ako na bahala sabi ko pa ng lumabas ng gate para itapon nga ang basura.
Pag ka pasok ko at sinara na ulit ang gate nakatayo parin si Penny sa may pinto.Bakit anong problema? Sabi ko pasok kana ha. sabay lapit sa kanya sa may pintuan
Nakaka hiya na nga po na ikaw ang nag tapon ng basura tapos hindi pa kita pag bubuksan ng pinto...Mauna na po kayong pumasok Sir. Naka yuko na sabi nya. Pumasok naman ako gaya ng sabi nya..ayoko nga mag tagal sa labas malamok no. Sumunod naman sya sakin. Napa hinto sya ng lumingon ako sa kanya.
Penny, ilang taon kana? sabi ko habang isa isang inaalis ang butones ng uniform ko. Napatingin sya sakin at yumuko ulit.
19 na po ako Sir Marco...sabi nya ng naka yuko
Naalis ko na ang uniform ko at puting sando na lang ang natira.
Kung ganon isang taon lang ang agwat ko sayo. wag mo na ko tawagin na sir...Marco na lang.
Sige po kuya Marco sabi nya sabay ngiti sakin
Napa tingin tuloy ako sa kanya na nanlalaki ang mata..Did she say kuya?
Okay, kung san ka komportable. akyat na ko ha. sabay talikod sa kanya at akyat patungo sa kwarto. Tinawag nya kong kuya ? Mas okay ba yun? Parang sinabi na rin nya na hindi nya ko magugustuhan. Hay nako bakit ko ba to iniisip?
Maka pag bihis na nga ng maka kain na sa baba.
BINABASA MO ANG
My Perfect Stranger
Teen FictionAng sabi nila ang pag-ibig daw ay sadyang masakit at may halong saya. Posibleng ang dalawang ito ay maramdaman natin. Sinadya man o hindi. Kung sa pag lubog ng araw at sa pag sikat ng liwanag nito ay tumatakbo ang oras, maaari kayang matagpuan natin...