If a picture paints a thousand words,
Then why can't I paint you?
The words will never show the you I've come to know.
If a face could launch a thousand ships,
Then where am I to go?
There's no one home but you,
You're all that's left me too.And when my love for life is running dry,
You come and pour yourself on me.
If a man could be two places at one time,
I'd be with you.If by Bread
Pagkatapos kong ayusin ang pag lagay ng gitara ko sa case nito ay tumayo na ko at nag punta muna sa cr para magpalit ng damit.
Sinuot ko ang puti kong tshirt at itinali ang buhok ko. Lumabas ako ng Cr at dumiretcho na sa bag ko at sinabit sa balikat ang gitara.
"Crim! aalis kana?" tanong naman sakin ng classmate ko sa guitar lesson.
"Oo, may pupuntahan pa kase ako sa Mall." sagot ko bago naghanda ng umalis. "Ingat kayo sa pag uwi nyo! " sabay talikod at lakad palayo. Akala ko naman pipilitin ulit nila ko na sumama sa kanila mag punta sa bar.
Nang makarating ako sa mall nag ikot ikot muna ko. Ang sabi kase ni Kuya Top kaka park pa lang daw nya ng kotse. Pumasok ako ng National Bookstore para tumingin lang ng mga bagong libro ngayon. Hindi naman ako bibile.
Pag labas ko ng NBS pansin ko na marami ang napapatingin akin. Hindi ako sigurado kase ayoko naman mag assume. Pero karamihan lalaki ang natingin sakin. Ano ba ang problema nila?
Napahinto tuloy ako sa paglalakad at napa tingin sa isang malaking salamin sa pader malapit sa Boutique ng mga trival na damit.
Naka ipit ang buhok ko na naka bun, nakasuot ng puting tshirt, may dalang bag at may naka sabit na gitara sa balikat ko. Simpleng pantalon. Wala namang problema sa itsura ko...kaya bakit sila na tingin?
Napayuko tuloy ako ng may umakbay sakin. Napatingin naman ako at nakita ko si Kuya Top na mukhang kakagaling lang sa trabaho. Naka suot pa kase sya ng polo nya na naka tupi hanggang siko.
"Ang tagal mo! kanina pa ko dito pa ikot-ikot..." sabi ko kay Kuya kahit medyo kakarating ko lang talaga at nag ikot lang ng kaunti.
Niyakap nya ko. "Dapat nagpunta ka muna sa foodcourt tapos dun mo na lang ako hinintay Crim. " sabi nya sabay bitaw sakin at kinuha ang dala kong gitara at sinabit sa balikat nya.
"Ayoko dun...tsaka di naman tayo magtatagal diba at may bibilhin lang naman tayo. Walang kasama yung kambal don eh!" sabi ko kay kuya.
Napalingon naman ako sa bandang likuran namin. Nakita ko na may nakatayo na lalaki hindi kalayuan samin ni Kuya Top. Nakatingin lang din ako sa kanya at nakatingin lang din sya sakin. Hindi sya nagalaw at makikita mo sa mga mata nya na maraming emosyon ang gusto ilabas.
Nagsalita si Kuya Top kaya naman binalik ko ang tingin ko kay Kuya. Inaaya nya na ko. Binalikan ko ng tingin yung lalaki. Nakatayo parin sya dun pero nakayuko na. Saglit kaya naman iniwas ko na ang tingin ko at nag simula na maglakad.
Natapos kami mamili ni Kuya Top ng Groceries at iba pang pina bibili ng kambal ay naglakad na kami papuntang parking lot.
"Ah! natatandaan ko na!" sabi ko bigla kaya naman nagulat si Kuya Top at napatingin din sakin. Kahit ako nabigla dahil sa naalala ko.
"Sya pala yung lalaki sa Bus! Oo, tama...sya nga yun." Sabi ko habang nag iisip. "Kaya siguro sya nakatingin sakin kanina kase naalala nya ko." Tinagilid ko ang ulo ko at napa kunot noo na lang.
BINABASA MO ANG
My Perfect Stranger
Teen FictionAng sabi nila ang pag-ibig daw ay sadyang masakit at may halong saya. Posibleng ang dalawang ito ay maramdaman natin. Sinadya man o hindi. Kung sa pag lubog ng araw at sa pag sikat ng liwanag nito ay tumatakbo ang oras, maaari kayang matagpuan natin...