Chapter 27

3 1 0
                                    

Siguro nga ay hindi talaga ganon ka dali mawala ang saya kapag sobra-sobra. Siguro nga ay nakikita ko na ang liwanag papunta kung saan ako lulugar sa buhay nya. Ilang taon ako naghintay na baka sakali ay mapansin nya ko. Ilang taon ako sumubok na iguhit ang larawan nya pero hindi ko matapos dahil alam kong may kulang sakin. Ilang beses kong sinasabi sa sarili ko na tama na at wala ng pag-asa kase malabo ang mundo, na  kahit anong gusto ko na makita ulit sya ay hindi ako pinahihintulutan sa gusto ko.

Pero ngayon ay nalalapitan ko na sya, nakaka sama, nakaka usap sa personal, nahahawakan, nayayakap, at napapa saya. Sobrang saya sa pakiramdam.

Kanina kasama ko sya niyakap ko sya habang umaamin ako sa kanya tungkol sa nararamdaman ko. Gusto kong malaman nya na sya lang yung gusto ko sa buhay na to. Na hindi nya kailangan mag selos o mag overthink kasi lahat ng assurance na gusto nya ibibigay ko.

Hindi ako gagawa ng bagay na magiging sanhi para mawala sya sakin.

"A love that is worth a lifetime, takes time"

Tama nga ang sabi nila. Ang totoong pagmamahal ay kayang maghintay kahit gaano pa ka tagal. Kase ang tamang tao na para satin hinihintay lang din tayo na dumating sa buhay nila. Sa tamang oras, kapag tama na ang pagkakataon, at nasa ayos na sitwasyon. Dun natin na masasabi na worth it ang paghihintay.

Nakahiga sa kama habang nakatingin sa kisame ng kwarto ko. Kinuha ko ang cellphone ko at nag message kay Crim. Umupo ako sa kama para hindi ako antukin agad. Nag ring kaya hinintay ko na sagutin nya.

"Hello " - mahinang sabi ni Crim sa kabilang linya.

"Hi. Sorry, na istorbo ba kita?" Sabi ko naman.

"Hindi naman, nagbabasa ako ng libro bago ka tumawag". Sagot ni Crim.

"Edi na istorbo nga kita". Natatawa na sabi ko sa kanya. "Sige na magbasa ka na lang muna". Sabi ko at inantay ko na magsalita ulit sya.

"Hindi nga ..okay lang Marco.". Sabi ni Crim kaya na pa tigil naman ako at kinagat ko ang labi ko para pigilan ang kilig. 

"Wag kang kiligin dyan! "... Biglang sabi ni Crim sa kabilang linya kaya natawa ako.

"Hindi naman kase talaga". Pinilit ko maging seryoso ang boses. "Tungkol saan ba ang binabasa mo?" Tanong ko sabay dapa sa kama ko.

"About murdering someone." Sabi nya at narinig ko pa na ngumisi sya.

"Nakakatakot ka" sabi ko na lang sa kanya kaya natawa sya ng tuluyan.

"May gagawin ka ba bukas?" Sabi ko habang bumalik sa pagkaka upo sa kama ko. Hindi kase ako mapakali. Gusto ko ayain sya ng date bukas.

"Bonding session namin bukas ng mga kapatid ko. Tinatamad kase mag trabaho si Kuya Top bukas at walang pasok ang kambal." Sabi ni Crim.

"Saan? Sa bahay nyo lang?" Tanong ko kase gusto ko sumama sa kanila. Kaso baka mairita sakin mga kapatid nya kung bonding nila yun.

"Oo, dito lang sa bahay." Natahimik sya saglit at ganon din ako. "Sasabihan ko sila kung gusto mo mag punta dito bukas."Nabigla naman ako sa sinabi nya.

"Bakit naman ako pupunta ko dyan?" Seryoso kong sabi kahit natatawa ako. Wala naman akong sinabi na gusto ko magpunta sa kanila.

"Edi hindi ! " Ramdam ko yung pag irap nya sa kabilang linya.

My Perfect StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon