Humawak ka sa'kin, sundan aking himig
'Wag nang magtago, 'di naman magbabago
'Di kailangang sabihin, walang dapat gawin
Oh, aking bituin, ikaw ang hiling'Wag mong pigilan hayaan mong kusa
Humawak ka sa'kin, sundin ang damdamin
Oh, sumama ka sa'kin at tayo aySasayaw sa kulog at ulan
Iikutin ang tala at buwan
Habang tayo ay naliligaw
Pakinggan ang puso, 'wag nang bibitaw
'Wag nang magtagu-taguan
Kita naman sa liwanag ng buwan
Ang lihim na pagtingin
Kailan aaminin?"𝗟𝗶𝗵𝗶𝗺" (Lyrics)
by: Arthur MiguelNakaupo at naghihintay sa isang maliit na sofa at medyo inaantok na rin ako. Tumingin ako sa babaeng kanina pa nakatayo at inaayos ang kurtina.
"Miss, kamusta yung kaibigan ko sa loob? " simple kong tanong sa staff ng boutique. Tumingin naman sya sakin at ngumiti.
"Miss, okay na po ang soon to be bride. Na sukat na apo ang gown nya. Medyo natagalan lang po kase hindi nag kasya yung nauna nyang pinili". sagot naman ng staff.
Lumabas ang isa pang babae na staff at tumango dun sa babaeng kausap ko.
"Okay na po miss...bubuksan na po namin." Sabi ng isang staff at binuksan na nga ang kurtina. Pagka hawi ng kurtina nakita ko si Zarina. Suot ang napaka ganda at elegante na white wedding Dress. Bumagay sa kanya ang hawak nyang bouquet ng bulaklak na kaming dalawa mismo ang nag arrange.
"Bagay ba sakin Crim? " Mahinhin at naka ngiti na tanong nya sakin.
"Sobrang ganda ng gown". Sabi ko naman sa kanya. Sumama ang tingin nya sakin.
"Yung gown lang ang maganda? Paano naman ako! "Naka simangot na sabi nya sakin.
"Maganda. Bagay sayo yung gown. Ang ganda mo...." seryosong sabi ko sa kanya kaya naman ngumiti na ulit sya.
"Sige po ito na ang napili ko na gown for my wedding. " Masayang sabi nya sa mga staff.
Tinakpan ulit sya ng kurtina at baka hinuhubad na nya yung wedding Dress. Nag antay naman ako hanggang sa matapos sya.
Gaganapin ang kasal ni Zarina dalawang linggo mula ngayon. Simpleng garden wedding lang daw ang ganap nila. Nakilala ko si Zarina 2 years ago ng isang beses ay nagpunta ako sa isang event sa batangas. Taga batangas kase sya at ng malaman nya na may Flower Shop kami malapit sa kanila madalas na rin syang bumisita don. Hindi ako madalas mag manage sa Flower Shop sa batangas pero kapag napunta naman ako doon ay napunta rin sya.
Naging close rin kami ng boyfriend nya kase regular customer namin ang boyfriend nya bago ko pa makilala si Zarina. At ngayon nga nagpasama sya sakin para mag pili ng gown para sa kasal nila. Ako ang napili nya isama dahil Bestfriend daw nya ko.
Last week nakapag sukat na ang mga bridesmaids at groomsmen. Ang mga susuotin ng bridesmaids ay kulay pink na gown. Abala tuloy si Kuya Top at Shine sa mga bulaklak na gagamitin sa kasal ni Zarina. Balita ko pa nga ay pupunta silang dalawa sa Baguio.
"Thank you talaga Crim at sinamahan mo ko ngayon. Bilhan na lang natin ng pasalubong ang mga kapatid mo na inutusan mo mag bantay ng Coffee Shop mo". Sabi ni Zarina.
"No problem, tsaka okay nga yun para matuto na sila mag manage kahit papano. Tsaka gusto nila magka pera kaya paghirapan nila." Sagot ko naman.
Si Hansel at Hetser kase gusto mag part time job. Kaya sabi namin ni Kuya dun na lang sila sa Coffee Shop. Tsaka dumadami ang kita ng shop ko kase dinadagsa sila ng mga estudyante. Iba na talaga kapag mga gwapo ang mga kapatid.
BINABASA MO ANG
My Perfect Stranger
Teen FictionAng sabi nila ang pag-ibig daw ay sadyang masakit at may halong saya. Posibleng ang dalawang ito ay maramdaman natin. Sinadya man o hindi. Kung sa pag lubog ng araw at sa pag sikat ng liwanag nito ay tumatakbo ang oras, maaari kayang matagpuan natin...