Chapter 16

8 3 1
                                    

Inaayos ko ang Black Tuxedo na suot ko kase baka nagulo habang nasa byahe ako. Kausap ko si Jeff kanina at sabi nya baka sa reception na lang daw sya makapunta. Paano kase last time na sumama sya sakin dito sa Batangas para kausapin ang Client binigyan din sya ng invitation. Kaya kahit na busy sya pipilitin daw nya na makapunta mamaya.

Sinarado ko ang sasakyan at nakita ko ang malaking garden kung saan gaganapin ang kasal ng Client ko.

"Good Day! Are you  Architect Marco Rei Velasquez?"  Tanong sakin ng receptionist habang nakangiti.

"Yes. "Sabi ko

"The Groom is waiting for you at the front Sir." Nakangiti na sabi sakin ng Receptionist.

"Okay thank you."  Sabi ko sabay lakad palayo. Maganda ang venue ng kasal lalo na at garden wedding ang theme. Nasa 50 chairs yata at napapaligiran ng mga magandang bulaklak ang paligid pati na rin ang upuan. Iba pa ang venue ng reception mamaya at balita ko dun yun gaganapin sa bahay na ginawa namin ng Team. Yung magiging bahay ng Bride and Groom.

Nakita ko sa Front ang groom kasama ang groomsmen nya. Mga naka black tuxedo ang groomsmen buti na lang talaga at nag black tux ako. Nakasuot naman ng white tuxedo ang groom. Nakangiti na lumapit ako sa kanya kaya napatingin sya sakin.

"Congratulations to your wedding Mr. Davidson. " Bati ko sa kanya at nakipag kamay din sya sakin.

"Thank you so much for coming Architect Velasquez. Matutuwa ang mga bisita kapag nakilala ka nila. Gustong-gusto nila ang bahay namin na ginawa ng Team mo. " Natutuwa na sabi ni Mr.Davidson.

"Oh really? I feel so appreciated...Thank you so much. "Nakangiti na sabi ko.  Pinakilala din nya ko sa mga kaibigan at sa ibang groomsmen nya. Nakikita ko na rin ang mga bridesmaids ng Bride na mga naka pink na dress at may mga hawak na bulaklak.

Maya-maya nagsabi na malapit na daw dumating ang bride. Pinapa pwesto na rin ang mga Bridesmaids at Groomsmen para mag partner. 

Nakita ko na may kausap sa phone ang Groom at naka kunot ang noo nya. Kaya naman habang hindi pa nag uumpisa ay lumapit ako sa kanya.

"Mr. Davidson may problema ba?"  Tanong ko ng makalapit ako.

"Naku, Architect wala naman malaking problema...kaso ang sabi malalate yung isang bridesmaid na Bestfriend ng Bride ko. Pero kakatawag lang at okay na daw."  Sagot naman ni Mr. Davidson.

Babalik na sana ko sa upuan ko ng pigilan ako ng Groom. Kaya nagtataka naman ako na tumingin sa kanya.

"Architect, Okay lang ba na samahan mo ko dito sa harap?  Sobra yung kaba ko ngayon." Kinakabahan na pakiusap nya.

Napaisip naman ako saglit. Guest lang ako dito pero nakakahiya naman kung tatanggihan ko yung favor ng Groom. Tumango ako sa kanya at tumayo sa gilid nya habang inaantay namin ang Bride nya.

Sa ganda ng garden wedding na to nagiging maaliwalas ang paligid. Nakaupo na ang mga pamilya at kaibigan, katrabaho ng ikakasal. Nasa gitna ng mga upuan ang isang red carpet kung saan maglalakad ang bridesmaids, groomsmen, flower girl, at syempre ang bride. Sa dulo ng red carpet ay ginawan nila ng arko na puno ng mga bulaklak. At may naka tabing na kurtina.

Nagsimula ng bumukas ang kurtina at naunang pumasok ang mga batang babae na nagsisilbing flower girls, sumunod naman ang batang lalaki na may unan na dala kung san nakapatong ang singsing.

Sumunod na pumasok ang mag partner na Groomsmen at Bridesmaids. Mga naka hawak sa braso ng lalaki ang babae na partner nila. May mga dala rin na bulaklak. Pag dating naman sa harap ay nag bubukod na sila para sa hiwalay na upuan.

My Perfect StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon