Pinarada ko na ang kotse ng makarating kami sa Church. Hindi ganon karami ang mga tao pero sakto lang para mapuno ang maliit na simbahan. Mga naka suot ng mga pormal na damit at bestida ang mga magulang ganun din sa mga anak nila na gustong batiin ang mga darating.
Nag simula akong mag lakad ng na unang pumasok ng simbahan sila mama at papa..naka sunod naman kaming dalawa ni Penny dala ang mga bulaklak.
Naupo na kami sa isang hilera ng upuan gaya ng iba. Mga magulang na sabik makita ang mga anak nila na matagal din nilang hindi nakita. At mga kapatid na sabik makita at mayakap ang kapatid nila.
Kagaya nila ganon din ang nararamdaman ko. Sabik na makita at mayakap ang kapatid ko.
Natahimik ang lahat ng may isang madre ang may dalang mic at nag punta sa unahan. Natahimik ang lahat at handa na sa mga sasabihin nya.
"Magandang umaga at mapag palang araw sa ating lahat. Masaya ako na makita ang kasiyahan sa inyong mga mata sa araw na ito." naka ngiti na sabi nito habang nakatayo sa unahan. Marami pa syang sinabi na halatang natutuwa ang lahat dahil sa kasabikan.
"At ngayong araw na ito ay sadyang pinagpala sa lahat. Dahil makaka sama natin ang mga bagong lingkod ng diyos at lingkod ng simbahan. Natutuwa ako at sila ay napa buti ng tahakin nila ang kanilang mga kagustuhan at yakapin ang kanilang kasiyahan. Ang ating mga bagong madre." ang sabi ni mother superior habang naka ngiti sa lahat ng nasa loob.
Tumingin ako sa pinto ng simbahan at isa isang nag pasukan ang mga babaeng naka bistida na puti. Mga naka belo na puti. At may mga suot na krus na kwintas. At doon ay nakita ko ulit sya. Naka ngiti sya na nag lalakad papunta sa altar.
Hindi ko naisip na sa ganitong paraan ko sya makikita sa altar. Naka suot ng pang madre dahil isa na syang ganap na madre ngayon. At hindi sa paraan na ikakasal sya.
Kahit kailan ay hindi ako naging handa para dito. Pero ng sinabi nya sakin na ito ang gusto nyang tahakin na landas...wala kong nagawa kundi ang mahalin pa sya lalo.
Hindi ko inalis ang tingin ko sa kanya. Kaya naman ng mahanap nya ang tingin ko ay napa ngiti sya. Halata sa mga mata nya na sobrang saya nya ngayon. Hindi tulad sa mga taon na lumipas na umiiyak sya dahil sa sakit na nararamdaman nya. At umiiyak sya sa sakit ng dahil sa pagmamahal na hindi para sa kanya.
Nagtapos sa yakapan at iyakan. Nakita ko syang papalapit samin. Niyakap sya ni mama at ni papa.
"Anak, miss na miss na kita". Naiiyak na sabi ni mama bago niyakap ng mahigpit si Ate. Ganon din si ate.
"Masaya ako para sayo anak. Lagi lang kami nandito na pamilya mo para sayo. Pag butihan mo at gawin mo ang mag papasaya sayo.. Mahalin mo ang pag lilingkod sa diyos." mahabang sabi ni papa pagkatapos nyang yakapin si ate.
"Ma, huwag na ho kayong umiyak at miss ko na rin po kayo. Pa, salamat po sa lahat. Mamahalin ko po ang diyos at ang paglilingkod." ang sabi ni ate bago tumingin sakin at lumapit. Niyakap ko sya.
"Marco? Kamusta naman ang nag iisa kong kapatid? Namiss mo ba si ate?" humigpit lang ang yakap ko sa kanya. Natawa sya.
"Halata nga na miss mo ko. Sobra din kita namiss." sabi pa nya ng bumitaw ako sa kanya. The same personality. Mahinhin parin sya mag salita.
"Ang ganda mo sa suot mo na yan. Bagay sayo. Kapag bumalik kana sa convent magpapa dala ako ng maraming sulat para sayo". sabi ko sa kanya at natawa naman sya.
"Sige, hihintayin ko yung mga sulat mo. Gusto ko din malaman ang kwento mo sa mga naglipas na taon eh. " niyakap nya ulit ako
"Advance Congratulations at malapit na ang graduation mo". sabi ni ate habang malapad ang ngiti sakin. Lumingon sya kilala mama at nakita nya si Penny na naka tayo sa likuran ni papa. Kaya naman hinawakan ni mama ang kamay ni Penny at dinala sa harapan ni ate.
BINABASA MO ANG
My Perfect Stranger
Teen FictionAng sabi nila ang pag-ibig daw ay sadyang masakit at may halong saya. Posibleng ang dalawang ito ay maramdaman natin. Sinadya man o hindi. Kung sa pag lubog ng araw at sa pag sikat ng liwanag nito ay tumatakbo ang oras, maaari kayang matagpuan natin...