Being together with someone you love is truly one of the best things in life.Ganyan ang nararamdaman ko ngayon kasama si Crim. Hindi ko alam kung kailan nangyari na umabot kami sa ganito. Pero ang masasabi ko lang walang madaling pagsasama...pero handa na kong harapin ang lahat para sa kanya.
"Sa tingin mo maganda ang lugar na to? Gusto ni Penny na maganda at maaliwalas ang lugar na pagtatayuan ng bahay nila ni jeff after ng wedding." Tanong sakin ni Crim habang naka upo kami sa sofa ng bahay nila. Wala ang kambal busy dahil graduating na. Si Top naman nasa batangas kasama ang asawa nya na si Shine.
"Maganda ang lugar at malapit din sa dagat. Maganda ang tanawin dyan. Maganda siguro gising nila palagi kapag dyan sila tumira." Sagot ko naman habang tumatango pa. Magkatabi kami sa sofa naka patong ang ulo ko sa balikat nya at hawak namin ang kamay ng isat-isa.
"Kailan naging sila?" Tanong ni Crim sakin.
Nag isip naman muna ko. "Matagal ng sila. Bago maging scholar ni mama si Penny gusto na sya si Jeff." Sagot ko naman.
"After ng pag papayaman nila... Ikakasal na sila ngayon." Inalis ko ang ulo ko sa balikat ni Crim at pina sandal sya sa unan. Tumayo ako para kunin ang gitara na nasa sahig.
Pagka kuha ko sa gitara ay nag indian seat ako sa sahig kaharap ni Crim. Habang sya naka upo sa may sofa yakap ang unan. Nakatitig sakin at inaantay ang gagawin ko.
Ngumiti ako sa kanya." Can i sing a song for you?" Tanong ko sa kanya. Tumango naman sya "Yes, please" ngumiti sya.
Nakangiti na nag strumming ako sa gitara...kinakapa ang tono ng kanta na napili ko para ialay sa kanya.
Sa unang tingin, agad na nahumaling
Sa nagniningning mong mga mata
Ika'y isang bituin na nagmula sa langit
Hindi ko mawari ang taglay mong tinatangi
Sadya namang nakakabighani
'Di maipaliwanag ang nararamdaman.Tahimik na nakikinig si Crim habang yakap ang unan. Nakatingin ako sa mga mata nya na sya lang ang nakikita kahit nuon pa. Walang iba....kundi sya lang.
Namumukadkad ang aking ligaya
Sa tuwing ika'y papalapit na
Hawakan mo ang aking kamay.Dati malayo man o malapit sya sakin ay malakas ang tibok ng puso ko. Sumisibol ang pagmamahal ko sa tuwing nakikita sya.
Oh, Paraluman, ika'y akin nang
Dadalhin sa 'di mo inaasahang paraiso
Palagi kitang aawitan ng Kundiman
'Di magsasawa, 'di ka pababayaan
Isasayaw kita hanggang sa walang-hanggan.Kahit saan pa..at kahit anong pagkakataon sya at sya lang ang pipiliin ko. Hindi ako mag sasawang piliin sya araw-araw.
Natapos ako kumanta at mag gitara. Ngumiti ako kay Crim at hinawakan ang kamay nya. Nakatitig parin ako sa kanya. Inabot nya ang pisngi ko at nilapit ang mukha sakin. Lumapat ang labi nya sa labi ko.
Lumayo sya hawak padin ang pisngi ko. "Mahal kita Marco." Naka ngiti at naluluha na sabi nya. " Gusto kita...gusto kita kausap, gusto kita kayakap, gusto kita makasama, mahal na mahal kita. Thanks for loving me. " Naluha na sabi ni Crim kaya pinunasan ko ang luha sa pisngi nya at hinalikan ko sya sa noo.
BINABASA MO ANG
My Perfect Stranger
Teen FictionAng sabi nila ang pag-ibig daw ay sadyang masakit at may halong saya. Posibleng ang dalawang ito ay maramdaman natin. Sinadya man o hindi. Kung sa pag lubog ng araw at sa pag sikat ng liwanag nito ay tumatakbo ang oras, maaari kayang matagpuan natin...