"Sometimes love will make you happy,
Sometimes love will cause you so much pain.
Sometimes love will make you feel weak,
But, somehow love will make you stronger because of the pain, regrets, and heartbreaks.
All you have to do is embrace all the imperfections and disappointment." - (Line 12 of Book of Heartbeats)Bumaba ako ng Kotse at dumiretcho papasok ng Coffee Shop. Pag pasok ko binati ako ng mga empleyado. Pinasadahan ko ng tingin ang loob at nakita na medyo marami ang customer ngayon dala na rin siguro ng mga estudyante.
Pumasok ako sa opisina at tinanggal ang jacket na dala ko. Nilapag ko rin ang bag ko sa maliit na sofa. Binuksan ang aircon at naupo. Grabe napaka inet sa labas! Galing pa ko sa Flower Shop bago pumunta dito. Malapit na rin kase ang summer kaya naman napaka inet talaga sa panahon na tho.
Ang dami ko pang kausap na client kanina sa Flower Shop at ang daming gusto mag pa arrange para sa ilang mga events. Gaya ng Graduation, Kasal, at kung ano-ano pang mga bigatin na events na kailangan ng bulaklak. Sa tagal ng bussiness na Flower Shop ni mommy hanggang ngayon samin parin na order ang mga kaibigan nya at dating Kasama sa trabaho. Tsaka maganda rin mag invest ang kaibigan ni Kuya na taga baguio kung san nang gagaling ang mga bulaklak.
Naiistress na rin ako dito sa Coffee Shop at na dami na rin ang customer namin kada araw. Madalas dito na order at na tambay ang mga estudyante kaya naman napupuno.
Ngayon ramdam ko na ang stress na sinasabi ni Kuya Top. Pero dahil masaya ako sa ginagawa ko at sa pagma manage ng negosyo hindi ko na lang din pinapansin ang stress. Tsaka masaya rin mag serve sa mga customer.
Kumuha ako ng Tissue at pinunasan ang natitirang pawis sa noo at leeg ko dala ng ang inet nga sa labas. Binuksan ko ang laptop ko at tinignan ang mga emails.
Email from Missionary Dominican Sisters. Binuksan ko ang Email at nabasa ko na may gaganapin nga daw silang mahalagang event para sa mga bagong madre na kakalabas lang sa kumbento. Kailangan daw nila ng mga bulaklak para sa event na gaganapin sa church.
Nilagay ko sa Note ng cellphone ko ang date of event bago nagpasya na lumabas muna ng opisina. Pag labas ko pumunta ko ng counter at nilapitan si Nia.
"Miss Crim, good afternoon po...akala ko hindi kayo pupunta ngayon dito kase late na at nag sabi kayo na busy pa kayo. " bati ni Nia. Sya yung manager dito sa Coffee Shop. Medyo matanda sya sakin ng apat na taon..magaling din sya mag manage at lagi nya ko ina update kapag hindi ako nakaka punta dito.
"Ah, may dinaanan kase ako.. "sabi ko habang natingin sa paligid. "Kamusta naman kayo dito? " tanong ko.
"Okay naman po Miss Crim...maayos naman po ang lahat. Nakikita nyo naman po na hands on and professional ang mga employees natin kahit na madami ang tao." sabi ng manager habang nakangiti sakin.
"Mabuti naman..sabihan mo lang ako kapag may problema." sabi ko sa manager.
May mga pumila para umorder kaya naman gumilid ako at kumuha ng apron. Napatingin naman sakin ang Manager at lumapit.
"Miss Crim anong gagawin nyo? Magpapanggap na naman po ba kayong Waitress? "tanong sakin ng manager na halata mo na nag aalala.
Naalala ko nung nag apply si Nia bilang manager ng Coffee Shop dala ang mga Credentials nya at naka formal attire nilapitan nya ko para mag tanong kung pwede maka usap ang owner...not knowing na ako yun dahil nag seserve din ako sa customer gaya ng mga empleyado ko.
"Oo, wala naman akong gagawin pa sa ngayon Nia". sabi ko at sinuot na ang Apron para mag serve. Lumipas ang isang oras ng kailangan ko muna bumalik sa opisina dahil tumawag si Kuya Top.
BINABASA MO ANG
My Perfect Stranger
Teen FictionAng sabi nila ang pag-ibig daw ay sadyang masakit at may halong saya. Posibleng ang dalawang ito ay maramdaman natin. Sinadya man o hindi. Kung sa pag lubog ng araw at sa pag sikat ng liwanag nito ay tumatakbo ang oras, maaari kayang matagpuan natin...