Used to dream about growing a future but we grew apart
I lied to myself 'cause the truth hurts to know where you are right now
And when I think about you it still hurts
My heart still has scars, I need to learn
It was only temporary
But I guess our feelings were good for a while
Now you're just a memory
A story that I'll never tell
'Cause our worlds just didn't collide
You had yours and I had mine
Got lost in different directions
But being with you was my
Favorite le-lesson
Le-lesson
Favorite Lesson ( by YAEOW)
Maganda yung kanta kahit paulit-ulit ko ng pina pakinggan. It's always reminds me of my past. Sa bawat linya ng Kanta.
Ilang beses akong bumalik sa mga lugar kung saan ko sya nakita mula umpisa. Dinaanan ko yung mga lugar kung saan akala ko ay malapit sa kanya. Walang araw na hindi ko yun binabalikan.
Yung totoo ay mahirap at masakit tanggapin. Masakit tanggapin na hindi mo man lang naranasan ang umamin. Hindi ko man lang sya nagawang ikwento sa iba. Tinago ko sya sa puso at sa isip ko. Tinanggap ko na malaki nga siguro talaga ang mundo. Sadyang maliit lang talaga ang gusto ng tadhana na maranasan ko. Siguro nga tama sila...
Na kahit anong gawin mong paraan para mabago ang sitwasyon, kung tadhana ang may ayaw...wala ka ng magagawa.
Naka upo sa swivel chair habang nasa opisina sinuot ko ang salamin ko at binasa ang message ni Penny.
"Anong oras ka makaka uwi ngayon sa bahay? Nandito si Sister Ruth. Naghahanda na kami ng pagkain para sa lunch mamaya." laman ng message ni Penny.
Tumayo ako at pumunta sa glass window. Mula dito sa opisina ko kita ang lawak ng City. Maganda tignan dahil malapit din ang company sa BGC. Maaliwalas din ang langit.
Malaki nga talaga ang mundo. Sa bilyon bilyong tao sa Mundo...kailan kaya ko makaka hanap ng para sakin?.
Napalingon ako ng marinig ko na may nag bukas ng pinto ng opisina. Pumasok si Jeff at si Kuya Raney.
"Kamusta ang trabaho Architect?" bati sakin ni Kuya Raney sya yung kuya ni Jeff.
Dati dina dalaw lang namin sya sa company kung saan sya nag tatrabaho...pero ngayon may sarili na syang kumpanya.
Ang sabi nya pa habang nag tatrabaho sya sa company ng iba...paunti unti na syang nabuo ng sarili nyang kumpanya.
Kasama ang kaibigan nya na laging nag bibigay daw sa kanya ng motivation. Lagi daw sinasabi ng kaibigan nya na huwag patamad tamad.Kaya nag bunga ang mga paghihirap nya. Kaya naman ng maka graduate kami ni Jeff pinag apply nya kami sa kumpanya na tinayo nya.
Pinahirapan talaga nya kami ni Jeff sa umpisa. Kahit kapatid nya si Jeff di nya naisip na i take advantage ang position nya. Nandito kami ngayon ni Jeff dahil sa kakayahan namin. At pinatunayan namin na kaya namin gumawa ng sarili naming pangalan.
"Okay naman Kuya Raney. Bakit kasama mo ang isa na yan?" Tanong ko bago lumapit sa kanila.
"May project kase at kasama si Jeff. Yung gagawin na project sa Cavite sya ang may hawak nun. Ikaw kamusta naman yung project nyo sa Tagaytay. May progress na yun diba?, Malayo ang mga client nyo kadalasan talaga sa mga nag papa tayo ng bahay o branch ay sa mga province. " Sabi ni Kuya Raney habang si Jeff naman umupo sa may swivel chair ko. Kaya kaming dalawa ni Kuya Raney ang nakatayo sa harap nya malapit sa lamesa.
BINABASA MO ANG
My Perfect Stranger
Teen FictionAng sabi nila ang pag-ibig daw ay sadyang masakit at may halong saya. Posibleng ang dalawang ito ay maramdaman natin. Sinadya man o hindi. Kung sa pag lubog ng araw at sa pag sikat ng liwanag nito ay tumatakbo ang oras, maaari kayang matagpuan natin...