Nilagay ko ang na bile kong bouquet ng bulaklak sa mesa kung saan hinanda ko para saming dalawa mamaya sa dinner. Pinili ko din ang paboritong bulaklak ni Crim..na ang sabi ng kambal ay gusto daw yun ng Ate nila. Nakatingin sa set up na ginawa namin nila Jeff at Penny. May mesa at may dalawang bangko. Naka handa na rin ang plato at utensils pati na rin ang wine glass. Excited man at Kinakabahan nakapag desisyon na ko na ngayon ko sasabihin sa kanya ang nararamdaman ko. Gusto kong maging formal ang lahat.Lumapit sakin si Jeff. "Sigurado ka na dito diba?...Pinaghirapan mo gawin to kaya ano pang hinihintay mo?" sabi ni Jeff habang may hawak ng bote ng beer.
"Sunduin mo na sya Kuya! Sabihan mo kami ni Jeff kapag malapit na kayo." sabi pa ni Penny.
"Sige, aalis na ko susunduin ko na sya". sagot ko sabay talikod sa kanila. Mabuti na lang nakapag palit na ko agad bago matapos ang preparation namin. Simpleng Black Slack pants at white dress shirt lang ang suot ko na nakatupi sa siko.
Bago ako sumakay ng sasakyan kinuha ko muna ang cellphone ko at nag message kay Crim.
"Okay kana? Otw na ko sa Cafe". pagka tapos ko isend umalis na ko. Habang nasa byahe pa simple kong tinitignan kung nag reply na si Crim pero 15 minutes na ang nakalipas wala paring reply galing sa kanya.
Nang malapit na ko sa Cafe hindi pa ko nakakapag park ng sasakyan ay nakita ko na bumaba ng sasakyan yung lalaki at nagmamadali na pumasok sa loob ng Cafe. Nag park ako sa hindi kalayuan sa Cafe yung hindi masyadong kita. Lumabas ako ng sasakyan at nilakad na lang ang Cafe.
Dahil sa glass window ng cafe nahagip sila ng mata ko. Si Crim nakikipag usap dun kay Zach. May sinabi yata si Zach na kinatawa naman ni Crim.
Bakit parang hindi naman sila naghiwalay?
Hindi ko tuloy alam kung paano ako lalapit. Masyado silang masaya sa loob ng cafe. Pero naisip ko na magpatuloy. Kahit hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko ay naglakad ako papasok patungo sa kintatayuan ni Crim.
Lumingon naman silang dalawa pati na rin ang ibang employees na naghahanda na sa pag uwi.
"Marco!" sabi ni Crim habang nakatingin sakin.
Bumaling muna ko kay Zach na tahimik na nakatingin sakin bago ko binalik ang tingin kay Crim.
"Are you done?" seryoso kong tanong kay Crim.
"Oo, mag sasarado na rin naman kami. Bakit ka pala nandito?" Naka kunot noo na tanong ni Crim. Kumunot din tuloy ang noo ko sa sinabi nya.
"Nakalimutan mo? " mahina kong sabi sa kanya. Tahimik parin na nakatingin sakin si Zach.
Natahimik si Crim saglit. Hindi ako makapaniwala na nakalimutan nya.
"Sige aalis na ko...excuse me." sabi ko kay Crim tumalikod na at naglakad palabas. Binuksan ko ang pinto ng Cafe at naglakad papunta sa kotse ko.
Hindi ako makapaniwala na nakalimutan nya na inaya ko sya kaninang umaga. Hindi ako makapaniwala na ganon-ganon lang pala malalaman na hindi pala talaga ko importante sa kanya.
May humawak sa braso ko kaya napalingon ako at nakita ko si Crim. Sumunod pala sya sakin.
"Sorry, nalimutan ko na may lakad pala tayo ngayon". sabi nya habang nakayuko at nakatingin naman ako sa kanya. "Ngayon ko lang ulit naalala...im sorry." saka lang sya tumingin sakin. Tahimik naman ako na nakikinig sa kanya.
BINABASA MO ANG
My Perfect Stranger
Novela JuvenilAng sabi nila ang pag-ibig daw ay sadyang masakit at may halong saya. Posibleng ang dalawang ito ay maramdaman natin. Sinadya man o hindi. Kung sa pag lubog ng araw at sa pag sikat ng liwanag nito ay tumatakbo ang oras, maaari kayang matagpuan natin...