Nakaupo sa swivel chair ko habang nasa opisina ay naka upo naman si Penny sa may maliit na sofa sa gilid. May usapan yata sila ni Jeff ngayong araw kaya hinihintay nya na dumating."Saan ba kayo pupunta?" tanong ko kay Penny habang papalapit sa kanya sa sofa.
"May date kami ngayon ni Jeff..."Sabi ni Penny habang hinihintay ang reaksyon ko sa sinabi nya." Okay lang naman diba Kuya Marco?" nang aasar pa na sabi nya.
Kase umpisa pa lang sinasabi ko na sa kanya na wag sya mag kakagusto sa kaibigan ko. Pero wala eh...ganon talaga siguro ang pagmamahal...walang pinipili.
Umirap naman ako. "Sige mag date kayo...malaki na kayo...kaya nyo na sarili nyo..ganyan naman kayo. " sabi ko sa kanya. Tumawa naman si Penny at inakbayan ako.
"Ano ka ba naman! kung ako sayo maghanap kana kase ng girlfriend!" sabi pa ni Penny habang hindi inaalis ang akbay sakin.
"It's complicated. " bulong ko naman na mukang narinig nya.
"Anong complicated!? Ibig sabihin meron ka ng nagugustuhan!? SINO!?" excited naman na tanong nya at ang buong atensyon ay nasa akin na.
"Hindi ko pa nga nasasabi na gusto ko sya. Sa tuwing nakikita ko nga natutulala ako." Sabi ko na lang sa kanya. "At HINDI! ....hindi ko sasabihin sayo kung anong pangalan!" dagdag ko pa.
"Ang daya!!! Napaka torpe mo! Kapag yan maganda at mabait kabahan kana...kase baka madami ang nag kakagusto sa kanya!" sabi pa ni Penny na nagpa kunot sa noo ko.
Bigla naman pumasok si Jeff kaya hindi na ko naka sagot kay Penny.
"Ginagawa nyong dalawa dyan?" tanong ni Jeff.
Tumayo naman si Penny at niyakap si Jeff. "Bakit hindi mo tinutulungan si Kuya Marco dun sa babaeng nagugustuhan nya?" tanong ni Penny kay Jeff. Tumingin naman sakin si Jeff na nagugulat pa.
"Seryoso pre?" tanong pa ni Jeff.
"Oo, sinabi nya sakin kanina..." kumunot ang noo ni Penny na nakatingin kay Jeff. "HIndi mo rin alam?" Dagdag pa ni Penny.
"HIndi ko alam na may nagugustuhan ka na. Kaya ba lagi kang na alis tuwing lunch tsaka nag mamadali ka umalis pag tapos ng trabaho?" tanong pa ni Jeff. Katabi ko na silang dalawa ni Penny dito sa sofa. Nasa gitna nila kong dalawa.
Napaka kamot naman ako ng ulo. "Ano ba!? Ayoko mag kwento at baka maudlot pa!" sabi ko sabay tayo sa sofa.
"Pre, seryoso ba!?..sa bagay ang sabi nila kapag inuunahan ...nauudlot nga!. Pakilala mo samin para naman mabigyan ka namin ng walang katulad na moral support!" sabi pa ni Jeff hinawakan ang kamay ni Penny at sabay silang naglakad papunta sakin.
"Ipakilala mo na rin kila tita at tito..sigurado ako na matutuwa yung mga yun" kinikilig pa na sabi ni Penny.
"Ako na bahala wag kayong magulong dalawa dyan at mag date na nga kayo!" pagtataboy ko naman sa kanila.
"Okay sige na nga basta update mo kami kapag naging girlfriend mo na ha!" sabi ni Jeff.
"Bet ko yang mga lowkey relationship na ganyan Kuya Marco. Pero kung ako sayo umamin kana agad! .. baka maunahan kapa dyan!" sabi ni Penny at hinila na palabas si Jeff.
Ayos! Pinag overthink pa nga ko.
Tumunog ang cellphone ko kaya tinignan ko kung sino ang nag text.
BINABASA MO ANG
My Perfect Stranger
Teen FictionAng sabi nila ang pag-ibig daw ay sadyang masakit at may halong saya. Posibleng ang dalawang ito ay maramdaman natin. Sinadya man o hindi. Kung sa pag lubog ng araw at sa pag sikat ng liwanag nito ay tumatakbo ang oras, maaari kayang matagpuan natin...