Chapter 20

6 2 0
                                    


Lumipas ang isang linggo naging maayos naman ang lahat. Naka pasok na ko sa trabaho ng gumaling ang braso ko. Madaming project ang inaasikaso ko kase nga nag leave ako ilang araw. Nitong mga nakaraang araw din ay napapadalas ang pag punta ko sa coffee shop ni Crim. Minsan naman ay wala sya dun at may pinupuntahan daw sya sa batangas na negosyo daw ng Kuya nya.

Pag na punta ko dun minsan kung ano-anong palusot na lang ang sinasabi ko. Baka kase naman magtaka sya kung bakit palagi akong nandun. Kilala na nga rin ako ng mga employees ng coffee shop.

Pero ngayon hindi ako makakapunta dun may pupuntahan ako sa cavite. Medyo malaking project at medyo malaking problema. Habang nasa opisina naman ay pumasok si Kuya Raney ka sunod naman si Jeff.

"Marco, ngayon ang punta mo sa cavite diba?" tanong ni Jeff.

"Oo, pupunta ko ngayon dun para makausap ng maayos ang client. Medyo mabigat kaya naman isasama ko ang ilan sa team ko pati si Engineer ay nag sabi na sasama papuntang Cavite". sagot ko naman.

"Bakit kaya nagka ganon!? Inayos na naten ang lahat bago naten matapos ang project na yun! Nakausap naten ng maayos ang client at sya mismo ng nag decide. Kaya bakit umabot sa ganon!?"  inis at lito na sabi ni Jeff.

"Kumalma muna tayo sa ngayon. " sabi ni Kuya Raney bago tumingin sakin. "Papunta na dito si Atty. Villegas at isama mo sya sa Cavite incase na may mangyari sa pagitan ng team at ng client. "dagdag pa ni Kuya Raney .

"Atty. Villegas? Yung lalaking yun ba ang tinutukoy mo?" kunot noo kong tanong sa kanya.

"Oo, sya nga. "Proud na sabi ni Kuya Raney at napatingin naman sa kanya si Jeff.

"Kuya! bakit mo kinuha yung lalaking yun!? Baka nakakalimutan mong haters tayo non !"  sabi ni Jeff.

"Ano ka ba Jeff! Be matured and professional! Para sa trabaho to...kaya hindi dapat tayo nagpapatalo sa mga personal matters!  "sagot naman ni Kuya Raney.

Hindi na ko sumagot kase alam ko naman na may tama ang sinabi ni Kuya Raney. Kahit ano pa ang nagawa nung lalaking yun hindi dapat sinasama sa trabaho.

Umalis ako ng company para mag byahe na papuntang cavite. Hindi namin inaasahan na ganon ang mangyayari. Inayos namin ang lahat at may approval ng client ang lahat ng materyales na ginamit. Hindi namin alam na magigiba ang kalahati ng maliit na building na yun.

~

Nakatayo sa counter habang nag hihintay na may lumapit na customer at inaantay ko din lumapit ang lalaking kanina pa naka upo sa may gilid na upuan malapit sa may bintana. Naka Casual attire na akala mo mag aapply ng trabaho dito sa cafe. Bored na nakatingin ako sa kanya kase kanina pa sya naka upo dun at nakatingin lang din sakin.

Nang medyo naiinis na ko sa pagtingin tingin nya sakin ay tinawag ko si Nia para palitan ako sa counter bago lumapit sa lalaki.

"Ano ba? Mag aapply ka ba ng trabaho dito o trip mo lang tumunganga dyan at tumambay?" malamig na sabi ko habang naka tayo sa harap nya.

"Crim, baka pwedeng mag usap muna tayo. Please?"  mahinahon na sabi nya habang nakatingin sakin.

Umupo naman ako sa upuan na nasa harap nya na napapagitnaan ng mesa. At tinitigan sya ng seryoso.

"Kamusta ka? Ilang taon din kitang hindi nakita. " sabi nya.

"Okay naman ako...ikaw ba?"  simpleng tanong ko kay Zackurt.

"Okay lang din ako Crim..kakauwi ko lang galing spain. Naisip ko na ikaw ang unang dalawin... By the way.." kinuha nya yung paper bag na nasa tabi nyang upuan at inabot yun sakin. May nakalagay sa paper bag na sikat na brand. Nilapag nya sa mesa.

"Binili ko to bago ako umuwi dito. Sana tanggapin mo at magustuhan mo Crim." Ngumiti sya sakin. Tinanggap ko naman ang paper bag at nilagay ko sa gilid ko.

"Thank you dito Zach pero hindi ka na dapat nag abala." sagot ko naman.

"Alam kong galit ka parin sakin at sa nagawa ko. Hindi ko naman na ipipilit na patawarin mo ko...gusto ko lang talaga ibigay yan sayo kase alam kong hilig mo ang ganyan Crim." sabi pa ni Zackurt habang mahinahon na nakatingin sakin. Huminga ako ng malalim at tinitigan sya.

"Hindi naman na ako galit sayo. Kung naaalala mo nung huli tayong nag usap taon na ang nakakalipas ay may mga nasabi din ako sayo na hindi maganda. And, I'm so sorry for that. "sagot ko naman habang nakayuko na.

"No, Crim it's not your fault. Naging totoo ka lang sa nararamdaman mo at naiintindihan ko yun. "sabi ni Zackurt. "Nagka gusto ako sa iba habang tayo pa.. ilang beses din kitang binalewala noon. Kaya kasalanan ko lahat yun." sabi ni Zackurt habang nakatingin sakin. "Hindi mo kasalanan kung nasaktan kita nung minahal mo ko. "dagdag pa nya.

Nakatingin ako sa kanya ng seryoso pero ang buong pag iisip ko ay mahinahon at payapa. Napatawad ko na sya matagal na kase ganon naman talaga dapat.  Tumingin ako sa paper bag na binigay nya bago ibalik ang tingin sa kanya.

"Kapag ito hindi maganda papalitan mo to ng cash Zach tandaan mo yan. "pabiro kong sabi kay Zack.  Nagulat sya nung umpisa pero ngumiti din naman agad.

"Oo sige! gusto mo samahan ko pa yan ng cash ngayon eh! " Mayabang at pabiro naman na sagot nya sa biro ko.

"Ano pala ginawa mo sa spain bat ka nandon? " tanong ko sa kanya.

"Sinama na ko ni mama sa Spain nung nalaman namin na may sakit si dad. Dun din ako nag aral para sa negosyo namin. " sagot ni Zach.

"Na tuloy ka ba sa pag aabogado?"  tanong ko ulit sa kanya. Kase ang alam ko gustong gusto nya maging abogado.

"Hindi ako natuloy eh..." napakamot sya ng ulo ng sinagot nya ko. "Pero si Cleo nagawa nya... Attorney na sya ngayon." dagdag pa ni Zack .

"Si Cleo!?" medyo nagulat pa ko. "Ikaw anong ganap mo?" tanong ko pa.

"Businessman na ko ngayon. Sakin kase ipapasa ni daddy ang position nya sa kumpanya namen sa spain. At si Cleo naman nagpatuloy sa pagiging abogado. Actually hindi ko sya kasama sa spain....at kanina kausap ko sya.. ang sabi nya pupunta sya sa kumpanya ng kaibigan nya at may hahawakan daw syang kaso."  sabi pa ni Zach.

"Ang galing nyo naman ng kambal mo kung ganon. " sabi ko na lang. Napansin ko na dumadami na rin ang tao kaya naman tumayo na ko para makatulong dahil may sakit ang dalawang crew ngayon.

Nakatingin naman sakin si Zach ng tumayo na ko.

"Thank you dito sa peace offering mo Zach... kaso need ko na mag trabaho. As you can see kulang ako sa empleyado ngayon dahil may sakit yung dalawa".  sabi ko naman

"No problem Crim! ang gusto ko lang talaga ay maibigay yan sayo. Gusto ko man tulungan kayo dito sa cafe may kailangan pa ko na puntahan. " sagot naman ni Zach.

"Okay sige ingat ka at salamat ulit dito sa regalo at syempre sa pag bisita". sabi ko sabay talikod.
Napalingon ako sa kanya ng tawagin nya pa ko.

"Salamat Crim...sana kahit maging hindi na tulad ng dati yung tayo...tanggapin mo pa rin ako."  sabi ni Zackurt habang nakatingin sakin.

Ngumiti ako sa kanya." Sige, pag iisipan ko." ngumiti sya sakin at tumalikod na ulit ako.

Sa buhay ko naranasan kong mahalin ng totoo, naranasan ko ang maitrato ako ng tama na ayon sa gusto ko,
Hindi nila ko pinilit na magbago,
minahal ako sa paraan na gusto ko.
Naranasan ko ang magmahal at mahalin.
Hindi man naging perpekto..ang mahalaga ay natuto ako.

My Perfect StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon