Unti-unti kong binuksan ang mata ko sa isang nakaka silaw na silid. Puting kisame at pader. Tahimik dito sa loob ng kwarto kung saan ako nakahiga. Inangat ko ang braso ko at nakita na naka benda ito hanggang siko. May nabali ba sa buto ko?. Kinapa ko din ang noo ko at nakapa ko ang benda. May sugat din yata ang noo ko.
Naalala ko na bumangga ang sasakyan ko. Nawalan ako ng malay. Pero bago mangyari yun ay may humawak ng kamay ko. Hindi ko lang matandaan kung panaginip ba yun o totoo.
Bumukas ang pinto ng pumasok si Jeff. Nakita nyang gising na ko kaya naman mabilis syang lumapit kung nasan ako.
"Marco okay kana ba!? Kamusta pakiramdam mo? Gago muntik ko ng tawagan buong kamag anak mo dahil sa nangyari sayo gago ka! " nag aalala na sabi ni Jeff.
"Okay naman ang pakiramdam ko medyo masakit lang ang ulo ko dala siguro ng medyo malakas na impact ng pagbangga. Pano nga pala ko na dala dito? " tanong ko habang naupo na.
"Hindi ako ang unang naka kita sayo sa kalsada..may tumulong sakin madala ka dito sa ospital. "sagot naman ni Jeff kaya napatingin ako sa kanya.
"Akala ko ba kasunod ko ang kotse mo sa byahe? " kunot noo ko sa kanya
"Oo dapat talaga naka sunod ako sayo kaso tumawag si Kuya Raney kaya hininto ko saglit ang kotse ko akala ko kase emergency. Tapos nung nag byahe ulit ako nakita ko yung sasakyan mo tapos nandun kana sa kalsada nakahiga kaya lumapit ako agad sayo nagmamadali pa. " mahabang kwento ni Jeff. "Buti na lang talaga at hindi ka masyadong napuruhan sa bangga. "dagdag pa nya.
Tumingin ako sa braso ko na may benda hanggang siko. Naka puting sando na lang pala ko ...ngayon ko lang napansin.
"Ano naman to? May nabali ba sa buto ko? " tanong ko sabay turo sa braso ko.
"Mabuti at wala pero dahil sa gasgas at sugat namamaga. Yung sa noo mo naman malamang yan sa pagtama ng ulo mo sa manibela. Sa sobrang hilo mo nahimatay ka. Yung coat mo pala nilagay ko na sa sasakyan. Inantay ka lang magising tapos kapag okay na rin ang pakiramdam mo pwede na tayo umalis. Naayos ko na din ang bills mo". mahabang sabi ni Jeff.
Mabuti na lang at hindi nga ko napuruhan ng sobra. Napakunot ang noo ko ng may maalala.
"Yung gamit ko pala?" tanong ko kay Jeff
"Yung cellphone mo tsaka wallet? Hindi ko alam eh. Sobrang pagmamadali ko kanina na samahan ka kasama ang mga nurse nawala sa isip ko yung gamit mo. " kamot ulo na sagot ni Jeff. "Teka itatanong ko sa emergency area." dagdag nya sabay tayo at labas ng pinto ng kwarto.
Tumayo ako at kahit medyo masakit ang likod ay lumakad ako papuntang Cr. Medyo natagalan pa ko sa loob kase ang hirap kumilos.
Paglabas ko ng Cr nakabalik na rin si Jeff at dala nya na ang Cellphone at wallet ko na nakalagay sa Plastik.
"Buti at nadala mo na". sabi ko naman "Saan mo nakuha? "tanong ko habang papalapit sa kanya.
"Dun pala sa babae inabot ng mga nurse kanina...mabuti at hindi nawala sa kotse mo. "sagot ni Jeff habang inaabot sakin yung gamit ko. "Yung kotse mo naman okay na yun wag ka mag alala." Napalingon naman ako sa kanya nung sinabi nya yung word na "babae"
"Sinong babae? Anong babae tinutukoy mo dyan? "Tanong ko habang ang buong atensyon ko ay nasa kanya.
"Yung babaeng katulong ko na nag hatid sayo dito. Sya yung unang nakakita sayo sa kalsada." sagot ni Jeff. "Sya rin pala yung babaeng sinasabi ko sayo na nakasalubong ko sa venue. Yung bridesmaid. "sagot ni Jeff habang nakatingin sakin at nagtataka.
BINABASA MO ANG
My Perfect Stranger
Teen FictionAng sabi nila ang pag-ibig daw ay sadyang masakit at may halong saya. Posibleng ang dalawang ito ay maramdaman natin. Sinadya man o hindi. Kung sa pag lubog ng araw at sa pag sikat ng liwanag nito ay tumatakbo ang oras, maaari kayang matagpuan natin...