Kanina pa ko pa ikot-ikot dito sa Venue ang sakit na rin ng paa ko dahil sa suot ko na sandals. Feeling ko tuloy puro paltos na ang paa ko. May ibang bisita sa kasal ang nakakakilala sakin kaya naman binabati rin nila ko. Pero ng ang atensyon ng lahat ay napunta sa bride and groom nakawala ako sa crowd.Kapag may waiter na napapadaan ay nakuha ako ng wine at iniinom habang naglalakad. Gusto ko ng umalis pero ang sabi ni Zarina may after party pa daw ang ibang guest at sumama ako. Kaso sa sobrang sakit na ng paa ko ay gusto ko na lang talaga na umuwi.
Nang medyo naging kaunti ang nakapaligid sa bagong kasal ay lumapit ako.
"Mr and Mrs Davidson" bati ko sa kanila kaya napalingon sila sakin. "Congratulations Zarina." sabi ko kay Zarina kaya naman niyakap nya ko.
"Ano ka ba! kanina ka pa namin hinahanap...but thanks Crim!" bitaw nya sakin. Nakangiti naman sakin ang asawa nya.
"By the way san kaba galing? Kanina nandito si Architect Velazquez ipapakilala ka sana namin kaso hindi kita makita". sabi ni Zarina.
"Nag ikot lang ako sa venue tsaka ang dami kaseng bisita na naka paligid sa inyo kaya di na muna ko lumapit." sagot ko naman. "Tsaka nasan na nga pala yung Architect na sinasabi nyo?" tanong ko pa bago lumingon lingon sa paligid.
"Kapag may nakita kang gwapo maliban dito sa asawa ko.. si Architect na yun Crim haha! " sagot naman at biro ni Zarina
"Nandyan lang yun sa paligid ...sayang at gusto ka rin nya makilala. Kaso mukang si Architect naman ang nawawala." sabat naman ng asawa ni Zarinna.
"Ganon ba? Magkikita naman kami nun dito." sabi ko sabay kuha ng cellphone ko sa pouch bag na Dala ko. Kanina pa kase nag ba vibrate. Kinuha ko at nakita ko na tumatawag si Hetser.
"Excuse me, sagutin ko lang tong natawag." tumango naman ang mag asawa kaya tumalikod ako para sagutin ang tawag.
"Hello, Hetser bakit?" sagot ko.
"Ate! Hindi ko alam ang gagawin ko....Mataas ang lagnat ni Hansel tapos wala pa si Kuya Top dito sa bahay.! " bungad sakin ni Hetser. "Pauwi kana ba? Dadalhin ko na ba sya sa hospital!?" tanong ni Hetser sa kalmadong paraan na kaya nya.
"Ano nangyari bakit mataas ang lagnat!? Pauwi na rin naman ako! Punasan mo at pakainin mo. Update mo ko." binaba ko ang tawag at mabilis na nag paalam sa bagong kasal. Naiintindihan naman nila kaya pinayagan na nila ko na mag byahe pauwi.
Papalabas ng Venue sa pagmamadali may na bunggo pa ko na lalaki. Tinignan ko ang suot nya at halata na hindi sya isa sa mga groomsmen dahil iba ang suot nya. Casual lang.
"Sorry Miss!" sabi nung lalaki sabay tingin sakin
"Oo, okay lang ako pasensya na rin". tapos ng akmang aalis na ko tinawag nya pako
"Miss! Sorry ask ko lang kung dito ba yung daan sa venue? Dumaan kase ako sa kabila kase sarado daw." tanong pa nung lalaki.
"Oo. diretcho ka lang." tapos tumalikod na ko at nag mamadali na nag punta sa parking lot.
Nagmamadali na sumakay sa kotse at pinaandar ito. Habang nasa byahe pilit kong kinokontak si Hetser. Pero walang nasagot. Pinilit ko pang kontakin ulit pero hindi talaga o baka wala lang signal?
Minutes later tumatawag na si Kuya Top kaya naman sinagot ko na lang muna at hininto ang sasakyan sa tabi ng kalsada.
"Hello Kuya Top! Si Hetser tumawag at-" hindi ko natapos ang sasabihin ko ng mag salita si Kuya sa kabilang linya.
BINABASA MO ANG
My Perfect Stranger
Teen FictionAng sabi nila ang pag-ibig daw ay sadyang masakit at may halong saya. Posibleng ang dalawang ito ay maramdaman natin. Sinadya man o hindi. Kung sa pag lubog ng araw at sa pag sikat ng liwanag nito ay tumatakbo ang oras, maaari kayang matagpuan natin...