Chapter 6

20 13 0
                                    

Kinuha nya ang cellphone at pinatay ang alarm nito. Alas singko pa lang ng umaga ng bumangon sya sa higaan. Inaantok pa pero tinungo na nya  ang bintana para hawiin ang kurtina nito. Medyo madilim pa sa labas pero kailangan nya ng maghanda. Dahil mag sisimula na naman ang panibagong araw para sa kanila.

Magulo ang buhok at hindi pa nag hihilamos ng bumaba sya at dumiretcho sa kusina para mag handa ng agahan.

Binuksan nya  ang ref at nakita na wala na palang masyadong stocks ng pagkain. Kaya naman napa isip sya na sana umabot ang stocks nila bago ang  sabado. Sa sabado pa kase nya makukuha ang bayad sa kanyang serbisyo.

Nag inet ng tubig at nag simula narin sya mag luto bago pa magising ang mga kapatid nya.

Abala sa pag aasikaso habang hindi alintana ang itsura nya. Magulong buhok, maiksing short ang suot at puting tshirt na may mga butas butas pa. Kadalasan na ganyan ang suot nya sa bahay nila tuwing matutulog sya.

Pa tapos na mag handa sa lamesa ng may narinig syang bumaba ng hagdan. Dalawang bata na nasa edad 12 years old at naka suot ng parehas na uniporme ang bumungad sa kanya.

"Good morning, Ate Crim". Saad ng isa habang naka ngiting lumalapit sa ate nila.


Akala ko dati oras lang ang lilipas yung taon din pala.

Napaka init naman talaga.
Nasa labas ako ng bahay namin habang inaantay na lumabas din sila mama at papa. Aalis kami ngayon para puntahan si ate. Makaka labas na sya ngayon. Nakapag tapos na rin sya gaya ng gusto nya.

"Marco anak nandyan na ba ang mga ibibigay mo sa ate mo? Yung bulaklak? " sabi ni mama habang papalapit sakin.

"Opo nandito na sa loob ng sasakyan ma"...sabi ko ng pag buksan ko sya ng pinto kasunod naman nya si Penny na may dalang paper bag at ibibigay daw nya kay ate pag nag kita sila.

Pumasok na rin si papa sa sasakyan kaya nag punta na rin ako sa driver seat. Si mama at si Penny nasa back seat at si papa naman sa passenger seat. Ang sabi ko ako na ang mag mamaneho kase baka pagod sila sa byahe at galing pa silang cebu.

Last time na mag punta ang parents ko sa cebu which is inayos nila yung negosyo namin dun. Hindi rin naka uwi agad si ate nun kase nag ka problema daw kaya na extend ang buwan na nag stay sya. At ngayon naman mukang okay na ang lahat at mag kikita kita na ulit kami.

Naging okay rin naman sa bahay sa mga nag daang buwan. Si mama at si Penny ang madalas na mag kasama. Mukang mag ka sundo sila.

Ginawang scholar ni mama si Penny hindi na rin naka balik si Manang Bony at nanatili na lang sa bicol dahil ang gusto ni Penny sya na lang ang tutulong sa bahay bayad daw nya sa kabaitan ng parents ko.

Naging mag ka sundo rin kami ni Penny madalas ko syang pag tripan at madalas ko din syang tulungan sa studies nya. 3rd year college na sya ngayon at sa kursong Education. Naging close na  rin sila ni Jeff kase napapa dalas na rin ang pag dalaw sakin ng loko. O baka naman hindi ako ang dina dalaw?

May mga tumatawag na rin sakin para sa job offer sa mga kumpanya. Maganda nga yun na habang hindi pa ko nakaka graduate nadagsa na ang mga opportunity. Kaya naman excited na talaga ko.

Kung tungkol naman sa lovelife ko? Huwag nyo na lang itanong at hindi talaga naging maganda ang takbo.

Isang umaga na naglalakad ako a hallway ng may humarang sakin na babae. Mahaba ang buhok nya, mukang sexy, maputi at halata na medyo maganda nga. Base sa nalalaman ko sya si Red Arzon. 2nd Year Criminology student. Famous sya kase nga active at maganda talaga. Di ko itatanggi na kahit mas bata sya sakin naging crush ko din to kaso Hanggang dun lang dahil hindi ako ganon ka interesado.
Maraming nagtataka na bakit sya nag criminology sa ganyang itsura nya. Baka magasgasan lang ang balat nya sa training sayang din ang ganda at itim ng buhok nya once na ginupitan na sya.

Naka harang sya sa daan ko kaya tumigil ako at tumingin sa kanya.

"May problema ba?"  tanong ko ng hindi sya nag sasalita pero naka tingin lang sakin. Huminga sya ng malalim.

"Red Arzon nga pala..at gusto ko lang sabihin na Gusto kita! Matagal na kitang gusto!  sabi nya na may paninindigan. Ngayon ko nasabi na bagay nga siguro syang mag criminology para syang galit palagi e. Kahit kailan hindi ako masasanay sa ganito. Kahit mas bata sakin sinasabi yan.

"Salamat at gusto mo ko Red...i accept your confession."  sagot ko habang naka yuko sa kanya at ngumiti ng napipilitan. Nahihiya talaga ko kapag ganito.

"Anong sabi mo? SALAMAT?"  mataray na sabi nya sakin kaya naman napa atras ako ng konti. Bakit? ano ba dapat?

"Sorry, pero ano ba dapat ang sasabihin ko?"  tanong ko sa kanya kase mukang hindi nya nagustuhan ang sinabi ko nung una.

"Hindi ako natanggap ng salamat! Dapat mag ka gusto ka rin sakin! i crush back mo ko! "  sabi nya habang naka tingin sakin at halatang inis na. Hindi ako napatol sa babae pero talaga bang sinusubok ang pasensya ko?

"Miss, sorry pero hindi kita gusto".  diretchong sinabi ko sa kanya. Nag ka gusto ako sa kanya isang beses yun ay dahil maganda nga sya...pero ano naman??

"At kung ipipilit mo yung hindi pwede...huwag sakin...sa iba na lang. " sabay lampas ko sa kanya. Pero ng nag salita sya lumingon ulit ako sa kanya.

"Matagal na kitang gusto! Kaya bakit hindi mo ko magugustuhan? Dahil hindi mo pa ko kilala? Mag papakilala ako sayo! Kulang lang tayo sa panahon baka sakaling pag nakilala mo ko magustuhan mo rin ako Marco."  Sunod-sunod nyang sinabi nakikita ko na paiyak na sya...siguro nga gustong gusto talaga nya ko na nasasaktan sya.  "Kaya bakit!? Bakit hindi pwede!?"  tumulo ang luha nya at yumuko. At ang dapat ko na lang gawin ngayon ay mag sabi rin ng totoo sa kanya.

"May girlfriend na ko."  Napatingin sya sakin habang ako naka tingin na rin sa kanya." Hindi ako mag so sorry sayo kung may mahal na kong iba. Hindi pwede, kase mahal ko sya. At hindi rin ako mag so sorry sayo kung masaya ako na mahal ko sya".  pagka sabi ko nun yumuko ako at sinabi sa kanya na..."Tinatanggap ko ang pag amin mo...pero hindi mababago ng pagka gusto mo sakin ang katotohanan na mahal ko sya. At hindi mo ko mapipilit. "  After ko sabihin yun ay tinalikuran ko na sya. At lumapit kay Jeff na kanina pa ko inaantay.

Nagpa tuloy ang araw ko nun na hindi ko maisip na nasabi ko ba talaga yun? Nababaliw na nga siguro ako. Pero sa tuwing naaalala ko yung mga sinabi nya napapa isip din naman ako.

"Matagal na kitang gusto! Kaya bakit hindi mo ko magugustuhan? Dahil hindi mo pa ko kilala? Mag papakilala ako sayo! Kulang lang tayo sa panahon baka sakaling pag nakilala mo ko magustuhan mo rin ako Marco."- Red

Ang pagkakaiba nga lang...si Red isang beses ko lang naman nagustuhan. Nagustuhan ko sya dahil sa nakikita ko sa kanya. Pero bakit naman ako? Minahal ko yung taong hindi ko naman kilala at dalawang beses ko pa lang na nakikita.

Isang taon na ang naka lipas at hanggang ngayon hindi ko parin nakikita yung Girlfriend ko. Tumingala ako at nakita ko ang asul na langit.

Nasan ka na ba?

My Perfect StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon