Kanina pa ko dito sa opisina at hindi mapakali kase kanina ko pa gustong umalis at puntahan si Crim. Kaso may hinihintay pa ko.
"Good Afternoon Architect Velazquez". Sagot nya.
"Good afternoon Atty. Cleo Dave Villegas. Dala mo ba yung mga details na kailangan ngayong araw pagbalik naten sa Cavite?" Seryoso kong sabi kay Dave.
"Yes, dala ko na din ang ilang mga ebidensya na pwede naten magamit kung sakali na niloloko nga kayo ng Client nyo sa Cavite. "Malamig at pormal na sagot ni Dave.
Tumango naman ako. Pumasok si Jeff at nakita nya kami ni Dave kaya lumapit sya.
"Good afternoon Architect Santos. " Bati naman ni Dave. Tinitigan sya ni Jeff.
"Honestly, I'm really not comfortable to see you here in our company. After what you did." Sabi ni Jeff at mukang hindi nya napigilan sabihin yun.
Tinitigan naman sya ni Dave. "I'm here for work Architect Santos so be professional." Sagot naman ni Dave.
"Pwede ba tumigil kayo? Nasa kumpanya tayo." Sabi ko sa kanila. Umiwas naman sila ng tingin.
"Aalis na ko... " Tumalikod si Dave pero ilang hakbang sa pinto ay tumigil sya. Nakatingin naman kaming dalawa ni Jeff sa kanya.
"Hindi ba pwedeng mag explain?" Tanong nya samen ni Jeff. Alam ko kung ano ang gusto nyang sabihin.
"Hindi ka dapat samin mag paliwanag Dave." Sagot ko naman.
"Alam ko, pero kaya mo bang dalhin sya sakin para makausap ko Marco.?" Tumitig sya sakin.
Hindi ako naka sagot sa kanya. Kase alam kong malabo na makausap nya si Ate Ruth.
"Kahit ikaw na lang sana kase naging kaibigan kita. Kahit ikaw na lang sana ang maka alam ng side ko." Dagdag pa ni Dave bago tumalikod.
Natulala ako ng maka alis sya. Nung nangyari yun wala akong pinakinggan. Magkaibigan kaming dalawa ni Dave pero hindi ko sya pinakinggan ng saktan nya ang Ate ko. Kaibigan ko sya pero never ako nakinig sa side nya. Kaya bakit iniisip ng lahat na kasalanan nya? Kung may kasalanan din ako sa pagkakaibigan namin.
Nang matapos ang trabaho nag byahe ako papunta sa Coffee Shop ni Crim. Almost 6pm na kaya naman nag mamadali na ko na makarating at baka hindi ko sya maabutan. Pero ng makapag park ako ng sasakyan nakita kong naka patay na ang ilaw kaya naman naisip ko na baka sarado na sila at na late ako.
Pero nakita ko na bumukas ang pinto at nakita ko si Nia yung manager ng Cafe. Nakita nya ko kaya naman lumapit ako sa kanya.
"Close na kayo? " Tanong ko kahit obvious naman na ganon nga.
"Opo Sir kanina pa ..." sagot ni Nia yung manager. "Tagal nyo din po hindi naka punta dito Architect ha..busy kayo?" Tanong ni Nia.
"Oo, may mga inayos lang sa trabaho." Sagot ko naman
"Pero kung si Miss Crim ang hanap nyo nandun pa po sya sa opisina nya at may ginagawa pa po sya sa loob." Dagdag pa ni Nia. Nabuhayan naman ako ng loob dun.
"Okay lang ba na pumasok?" Tanong ko bago tumingin sa pinto.
"Sige po Sir. Samahan ko po kayo". Sabi ni Nia sabay pasok sa pinto. Sumunod naman ako sa kanya at huminto kami sa isang pinto na may nakalagay na Office. Kumatok si Nia.
BINABASA MO ANG
My Perfect Stranger
Teen FictionAng sabi nila ang pag-ibig daw ay sadyang masakit at may halong saya. Posibleng ang dalawang ito ay maramdaman natin. Sinadya man o hindi. Kung sa pag lubog ng araw at sa pag sikat ng liwanag nito ay tumatakbo ang oras, maaari kayang matagpuan natin...