Hindi ko ma alis ang mga mata ko sa kanya kahit hindi na sya naka tingin sa direksyon ko...After 10 long months nakita ko na sya. Hindi ko alam ang dapat kung unahin. Si jeff ba na daldal ng daldal sa tabi ko, yung iyak nung baby na pinapatahan ng mama nya, yung lalaking nasa harapan namin naka upo na medyo napipikon na dahil sa pag iyak nung baby..o yung babaeng mukang walang pakialam sa paligid nya.
Maya maya pa na patingin ako dun sa manong na napipikon na dun sa mag nanay na may kargang baby..walang tigil sa pag iyak yung baby.
"Ano ba yan?! Napaka ingay naman nyang anak mo! patahanin mo nga yan!" sabi ni manong na malaki ang tyan at halata nga na badtrip.
"Naku pasensya na po". sagot naman nung babae na may karga sa baby.
"Aanak anak kase tapos hindi naman marunong mag pa tahimik ng bata! bwiset ang ingay ingay nakaka abala!" sabi pa ni manong.
Medyo nababadtrip na ko kay manong kung tutuusin nga sya ang maingay. Napa lingon tuloy ako kay Jeff ng kalabitin nya ko. Naka kunot din ang noo.
"Mukang mapapa away pa ko dito pre." iling na sabi ni jeff. Pikon pa naman tong isa nato.
Magsasalita pa sana ko kaso napalingon ako ng may narinig akong nag salita. Napa lingon din tuloy si Jeff at ang ibang pasahero. Sya yung nag salita..yung babae na yun. Naka upo parin sya habang yakap ang bag nya na gray na akala mo anytime may kukuha sa kanya nun. Kausap nya si manong na maingay.
"Manahimik ka. " Malamig na sabi nya.. yun lang sabi nya at natahimik na ang lahat.
"Anong sabi mo? Hoy miss wala kang galang sa nakaka tanda sayo. Bakit mo ko pinapa tahimik ha!! " galit na sabi ni manong
"Ang sabi ko manahimik ka..hindi ka ba nahihiya? Maiintindihan pa namin kung bakit maingay..kase nga naiyak yung baby.. pero ang hindi namin matiis ay yung nakaka rindi mong boses. " mahabang sabi nung babae dun kay manong. Kalmado parin sya na naka upo habang si manong ay anytime handang sumugod. Aba hindi ako papayag!
"Aba hoy miss baka gusto mong masaktan!??" banta ni manong at handa ng lumaban sa kausap nya.
Tumayo na kami ni Jeff para patulugin si manong kaso nag salita ulit yung babae.
"Manahimik ka lang..at wag mo ko lalapitan. Isa pang hakbang mo palapit sakin at isa pang ingay mo..isa sa mga buto mo ang mababali. " sabi nung babae sa seryoso at kalmadong paraan. Napa atras yung lalaki at maya-maya lang naisipan na nya na lumipat ng upuan.
Bumalik na rin sa komportableng ayos ang mga nakapanood. Naupo na rin si Jeff habang patuloy na nag kukwento. Habang ako naka tingin parin sa kanya. Kina kausap sya nung nanay nung baby at yung baby naman tumigil na sa pag iyak.
Nangiti at nilalaro nya yung baby. Nangiti pala sya at natawa? Yung mga ganitong klase ng himala ay ngayon ko lang din nakita. Napapa ngiti ako tuwing nangiti sya dun sa baby. kapag natawa yung baby ay natawa rin sya. Ngayon ko lang din nalaman na posible pala na mahulog ka lalo dun sa taong dalawang beses mo pa lang nakikita.
Yung mga salitang binitawan nya, yung mga ngiti at mahinang tawa nya, yung expression nya, yung mata nya na malalim at nakaka lunod. Lahat yun maaalala ko.
Ilang hakbang patungo sa kanya...
Ang unang hakbang na ginawa ko maka lapit lang sa kanya..
Mabilis ang takbo ng train pero mas mabilis ang tibok ng puso ko.
Dalawang hakbang palapit sa kanya..hindi ko alam kung paano mag papakilala.
Sa ikatlong hakbang na nagawa ko...
tumigil ang sinasakyan namin...tumayo sya at tumalikod ..dala ang bag nya na sinabit sa balikat nya..lumabas sya kasama ng ibang pasahero..habang ako naka tingin sa pintuan kung saan sya lumabas at kung saan ko sya huling nakita na naglakad palayo.
Nagpa tuloy ang araw namin ni Jeff nag punta kami sa kumpanya kung san nagtatrabaho ang kuya nya. Nag punta rin kami sa BGC para mag gala gala.
Marami pa kaming pinuntahan bago nag pasya na kumain muna bago kami mag byahe pauwi. Nag tigil muna kami sa isang coffee shop dahil nag crave sa cake itong si Jeff libre naman daw nya ko kaya hindi na rin ako nag reklamo. Napatingin ako sa counter area kung san na order si Jeff...kanina lang bago mag byahe badtrip ako sa kanya kase sinama nya ko ng walang pasabi. Ngayon parang gusto ko na lang sambahin sya dahil kung hindi nya ko pinilit isama hindi ko makikita ulit yung babae na yun. Pero dahil ako si Marco..hindi ko yun gagawin ano sya gold!?
Lumingon ako sa glass window kung saan kita ang mga building sa malapit, mga taong may mga sariling buhay na naglalakad papunta sa mga dapat nilang puntahan, may mga sariling problema.
Tinignan ko ang relo ko it's almost 2pm. Binalik ko ang tingin ko sa labas. Kanina lang nakita ko ulit sya...kanina lang malapit ko na sya malapitan.
Kanina lang nalulunod ako habang nakatingin sa kanya. Ngayon aminadong nababaliw na.
Kahit sa panaginip hindi ko naisip na pwedeng maging totoo ang mga imposible.
Malalim akong napa buntong hininga na lang at nilapag ni Jeff ang order namin sa mesa. Nang makaupo sya nag simula na ulit sya.
"Uy, pre! Naalala mo yung kanina? Yung nangyari". sabi nya habang hinahalo yung inumin na inorder nya.
"Madami ang nangyari...alin dun? " sabi ko habang naka tingin sa kanya.
"Yung astig na babae kanina". .si jeff habang nakain na ng inorder nya na cake.
"Anong meron?" pasimple kong tanong sabay irap sa kanya. Magka mali lang to ng sasabihin pektus to sakin.
"Parang crush ko na sya hahaha..ganung mga babae pala ang tipo ko. Yung hindi pa awa effect hahaha." kinikilig na sabi nya pa.
Napahigpit tuloy ang hawak ko sa baso ko. Sumandal ako sa upuan at tinitigan sya.
"Interesting". sabi ko habang naka tingin sa kanya habang gusto ko na talaga syang batukan.
"Bakit mo nasabi naman yan?" Malamig na tanong ko pa ng nawawalan na ng gana kumain."Wala lang naman...parang mga ganun kase ang type ko.".. sabi nya habang abala sa pagkain.
"Ganun ang tipo mo? Ibig sabihin ba nun pwedeng hindi mo talaga gusto yung babae?" simple kong tanong sa kanya habang masama parin ang tingin.
"Oo, hindi ko naman sinabi na gustong gusto ko yun..ang sakin lang ganun ang tipo ko sa babae ..tsaka hindi ko naman yun kilala..kaya bakit ko magugustuhan". mahabang paliwanang pa nya ng malapit na matapos kumain.
Napahinga naman ako ng malalim. Pero teka? Sinabi ba nya na..Hindi sya mag kakagusto kase hindi nya kilala? Bakit naman ako? Teka nga!
"Possible bang magustuhan mo yung taong hindi mo pa nakikita?" tanong ko sa kanya
"Ha? oo, siguro." Natahimik sya sandali "Tsaka maraming tao ang nakaka gawa nun." Patuloy naman nya.
"Teka pano yun? Hindi mo pa nga nakikita gusto mo na? Anong kalokohan yun?" tanong ko habang nag aabang sa sagot nya.
"Bakit?" Kunot noo nyang tanong sakin na parang takang taka.
" May mga taong nakaka gawa nun Marco. Sila yung mga taong nag babasa ng libro. Lalo na sa mga novels. Imagination Marco! Sayang at wala ka non HAHAHA " nababaliw na sabi nya pagka bato sakin ng tissue.
Maniniwala ba ko sa mga sinasabi nito? Gina gago na yata ko nento. Pero at the same time may punto sya dun. At kung possible nga na ganun. Valid pala talaga ang feelings ko.
After namin kumain naisip na namin mag byahe pauwi. Sa dami ng nangyari parang hindi ko na alam kung san sisimulan ang gusto ko mangyare.
Lilipas na naman ba ang oras ng walang mangyayari?
BINABASA MO ANG
My Perfect Stranger
Teen FictionAng sabi nila ang pag-ibig daw ay sadyang masakit at may halong saya. Posibleng ang dalawang ito ay maramdaman natin. Sinadya man o hindi. Kung sa pag lubog ng araw at sa pag sikat ng liwanag nito ay tumatakbo ang oras, maaari kayang matagpuan natin...