Chapter 12

6 3 0
                                    

"Sa bawat pag patak ng ulan, ilang butil man ang tumama sa iyong kapalaran, magpatuloy ka.

Ang buhay mo ay isang bulaklak na kahit anong hangin pa ang humampas , patuloy  parin na mamumukadkad". ( Line 15, Book of Heartbeats)

Ang lakas ng ulan ngayon.
May bagyo kaya?

Nakatulala na pinapanood ang bawat patak ng ulan sa labas ng bintana. Tanghaling tapat pero medyo maulan.

Habang naka kalat sa study table ang  mga punit na papel na galing sa sketch pad.

Iniwas ang tingin sa labas ng bintana ng binalik ko ang tingin sa sketchpad. Maraming bura, hindi ko kase alam kung san mag sisimula.

Hindi ko nga rin alam bakit walang napasok sa isip ko nitong mga nagdaang araw. Nang maka pag OJT ako at naka graduate saka ako nahirapan na piliin ang gusto ko.

At gawin ang nauna kong plano.

After ko maka graduate madalas na ko kina kausap ni Kuya about sa gusto kong gawin. Lagi nya ko kinukumbinsi na magtrabaho sa kumpanya o gumawa ng sarili kong negosyo at imanage.

Kaya naman ng lumipas ang  ilang buwan...Ay naisip ko na  puntahan at kausapin si Kuya para makahingi ng Advice kahit papano. Mag iisang taon ko din pinag isipan to ng mabuti.

Maya-maya pa ay may kumatok sa kwarto ko. Tumayo naman ako at binuksan ang pinto. Nakita ko si Hetser na naka jacket, naka shorts, at may sukbit na bag sa balikat nya.

"San ka pupunta? Naulan sa labas ha..." tanong ko habang nakatingin sa kanya nagtataka kung bakit sya aalis.

"Sa labas talaga ang ulan..alangan sa loob ng bahay natin Ate Crim".  sagot naman nya sakin.

"Petsusan kita?" sabi ko sa kanya at nagtaas ng kilay.

"May group activity kami ngayon Ate.... sa bahay ng classmate ko." sagot nya sabay ngiti sakin. Napa kunot tuloy ang noo ko. Ang weird nitong bata na to ngayon ha..

"Eh kaso nga naulan...tsaka saan ba yan? Malapit lang ba yan?  Bigay mo sakin yung Address."  sunod-sunod na sabi ko naman Kay Hetser

"2 blocks away lang dito sa bahay ate... malapit lang yun...Tsaka uuwi rin ako agad." sagot naman ni Hetser naghihintay na payagan ko.

"Sige, itext mo parin sakin yung address pag lumakas ng sobra ang ulan pupuntahan kita. "malamig na sabi ko sa kanya.

"Sige po Ate." sabay talikod nya at bumaba ng hagdan. Lumabas naman ako ng kwarto para puntahan ang kwarto ni Hansel at Hetser.

Pumasok ako ng kwarto ng kambal at nakita ko ang magulong kama ni Hetser na halatang di nya inayos bago sya umalis. Si Hansel naman nakita ko na natutulog sa kama nya.

Pagkatapos ko maglinis sa kwarto ng kambal bumalik ako sa kwarto at naglinis na rin ng mga kalat ko.

Kapag hindi tumila ang ulan hanggang mamaya bukas na lang siguro ako babyahe papunta kay Kuya.

~

At hindi nga tumila ang ulan kahapon...kaya hindi rin ako nakapag byahe. Naisip ko na ngayon na nga lang mag punta kay Kuya.

"Sigurado ba kayo na kaya nyo ng wala ako?." Nag aalala na sabi ko sa kambal..".saglit lang naman ako mawawala..." Sabi ko sa kambal habang nasa sala kami. Iiwan ko muna sila kase pupuntahan ko si Kuya.

"Opo ate, ayos lang kami dito...Hindi kami aalis...pinagluto mo kami ng lunch, kaya wala kaming problema".  sagot naman ni Hetser.

"I update kana lang namin Ate Crim. "sabi naman ni Hansel.

My Perfect StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon