Chapter 22

2 2 0
                                    

Sa tuwing natatapos ko ang trabaho ko sa kumpanya at kahit sa site ay dumidiretcho na ko agad sa cafe. Nalaman ko din na may flower shop pala sila sa Batangas kaya naman minsan ay wala si Crim sa cafe kase napunta sya dun. Minsan naman napunta ko sa cafe nakikita ko na kulang sila sa employees dahil na rin may mga oras na madami ang customer sinasabi ko kay Crim na baka pwedeng tumulong ako. Tulad ngayon.

"Architect pasuyo po nito sa Table 17". abot sakin  ng isang employee ng cafe. Tinanggap ko naman ang tray na may laman na cake at juice.

"Okay ako na bahala." bitbit ang tray na nasa kamay ko ay hinanap ko ang table 17. Nang makita ko naman lumapit ako agad. 

"Good Day po..ito  na po ang  order nyo." Habang nilalapag ko ang order nila sa mesa. Nakatingin naman sila sakin at hindi nakibo.

"Thank you enjoy your meal." dagdag ko pa bago tumalikod sa kanila pero pinigilan pa ko ng isang estudyante kaya lumingon ako sa kanila.

"Sir, dito po ba kayo nag tatrabaho o kayo ang may-ari?"  tanong nung estudyante.

Tumingin naman ako sa suot ko na medyo light blue dress shirt na nakatupi hanggang siko. Naka black pants ako at nakasuot ng black na apron. Nag mukha ba kong owner nito?

"Hindi po." sabi ko na lang. "Enjoy your meal and excuse me." daagdag ko pa bago umalis.

Naririnig ko pa ang ibang usapan ng mga customer sa Cafe.

"Oo, hindi yan empleyado dito! Ang rinig ko kanina Architect daw si Kuya na pogi." sabi ni marites #1

"Talaga? nakaka sikip naman pala si Architect...may girlfriend na kaya sya?" marites #2

"Ang pogi nya!!!! mapapadalas na ko dito. Di lang masarap ang cake at coffee dito masarap din yung nag seserve!" marites#3

At madami pa sila. Hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis sa mga sinasabi ng mga to! Napatingin naman ako kay Crim na nag seserve din sa mga customer. Siguro naririnig din nya yung mga sinasabi ng customer tungkol sakin.

~

Kainis tanghaling tapat bakit parang umiinit na din ang ulo ko? Isipin nyo nga! Tanghaling tapat mga nagkakape dito sa Cafe instead na kumain ng kanin sa restaurant o sa mga bahay nila. Kanina pa rin masama ang tingin ko sa mga grupo ng babae na walang ginawa kundi pag usapan ng pag usapan si Marco. Nakaka irita at mas lalong nakakairita kase hindi ko alam bakit ako naiirita.

Hindi kaya nag seselos ako!? Bakit naman !?
Hindi yun mangyayari.

Maya-maya pa ay medyo humupa narin ang mga tao kaya naman lumapit ako kay Marco.

"Hey!" tawag ko sa kanya at lumingon naman sya sakin. "Lunch muna tayo?". sabi ko pa.

"Okay. " sagot nya pa.

"Anong gusto mong kainin? May malapit na restaurant dito dun na lang tayo kumain." sabi ko sa kanya.

"Hindi na kailangan. Dumating na yung pagkain na inorder ko kanina. Nasa opisina muna".  sagot ni Marco habang inaalis ang apron nya.

"Nakapag order kana?" gulat na tanong ko pa kase masyado yata akong busy kanina at hindi ko yun napansin.

"Oo, si Nia ang nag receive kanina. Kinuha na nila yung pagkain nila at yung atin nandun sa office mo".  sagot nya pa habang nakatayo sa harap ko.

My Perfect StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon