Chapter 10

29 14 0
                                    

Kinuha ko ang cellphone at pinatay ang alarm nito. Alas singko pa lang ng umaga ng bumangon sa higaan. Inaantok pa pero nakuha ko pang buksan ang bintana para hawiin ang kurtina nito. Medyo madilim pa sa labas pero kailangan ko ng maghanda. Dahil mag sisimula na naman ang panibagong araw para sa samin.

Magulo ang buhok at hindi pa nag hihilamos ng bumaba ako at dumiretcho sa kusina para mag handa ng agahan.

Binuksan ko na rin  ang ref at nakita na wala na palang masyadong stocks ng pagkain. Kaya naman napa isip ako kung aabot pa kaya ng sabado ang stocks namin. Sa sabado ko pa kase makukuha ang bayad sa part time job ko.

Nag inet ng tubig at nag simula narin ako mag luto bago pa magising ang mga kapatid ko.

Abala sa pag aasikaso kaya hindi ko na rin pinagtuunan ng pansin ang itsura ko.  Magulong buhok, maiksing short ang suot ko at puting tshirt na may mga butas butas pa. Kadalasan na ganyan ang suot ko lalo na pag nasa loob lang ng bahay.

Pa tapos na mag handa sa lamesa ng may narinig akong bumaba ng hagdan. Gising na siguro yung dalawa. Tatlo kaming nandito sa bahay...kasama ko ang dalawa kong kapatid na lalaki. Ang kambal kong kapatid. Suot ang parehas na uniporme ng makita ko silang papalapit na sakin.

"Good morning, Ate Crim". Saad ng isa habang naka ngiting lumalapit sakin si Hansel.

"Mabuti at gising na kayo...umupo na kayo at tapos na rin naman akong magluto ng breakfast."  sabi ko ng nilalapag ang dalawang baso ng gatas para sa kanila.

"Ate, aalis ka ba ngayon? Masusundo mo ba kami mamaya? tanong naman ni Hetser. 

"Oo, aalis ako ngayon may dadaanan lang ako lampas ng espana, tapos after ng klase ko, dadaan din ako sa shop.
sabi ko habang inaasikaso sila sa pagkain.

"Ah sige, Nga pala ate..sabi ni teacher mag text ka lang daw po sa kanya kung hindi mo kami masusundo para isasabay na lang daw po nya kami. " sabi pa ni Hansel bago uminom ng gatas.

"Bakit? Malapit lang ba bahay ng teacher mo dito? Yung bagong teacher ba ang tinutukoy mo? " tanong ko naman sa kanila.

"Opo ate sya yung bagong teacher namin. At malayo pa ang bahay nya dito saten. Sabi nya nadadaanan daw po kase nya ang village."  sagot ni Hansel.

"Nakakahiya naman kung ganun". sabi ko ng nililigpit na ang pinag kainan dahil tapos narin naman kami kumain. Tumayo narin ang kambal at tinulungan ako mag ayos. Si Hetser nag punas ng mesa at si Hansel naman naglalagay ng tubig sa pitsel.

Apat kaming mag kakapatid.
Pero kaming tatlo lang ang nandito sa bahay. Na aksidente ang parents namin sa isang bussiness trip.

Kaya sinalo namin ni Kuya ang lahat. 1st Year college pa lang si kuya ng inako na nya ang pagiging magulang samin. Nang mamatay ang parents namin inayos ni kuya ang mga legal papers. Naka pangalan kay Kuya itong bahay namin. At ang nag iisang negosyo ng pamilya na Flower Shop.

Mahilig kase si mama sa mga bulaklak kaya yun ang ginawa nyang negosyo. Hindi yun binitawan ni kuya at hindi nya rin binenta. Nasa tamang edad na rin naman si Kuya at ang Tanging pagkukunan na lang namin ay yung negosyo na Flower Shop kaya mas naging hands on dun si Kuya.

At dahil sa mga Part time jobs namin ni kuya nakakaraos kami sa pang araw araw ng kambal. Nag aaral ng Bussiness si Kuya..hindi sya nauwi dito para makapag tipid sya. Kaya nakiki tuloy muna sya sa kaibigan nya.

Mas lalo nya pang pinalaki ang Flower Shop at may kaibigan sya na nag iinvest mula baguio para sa mga bulaklak.

At dahil na din busy si Kuya sa pag-aaral at minsan lang sya maka uwi dito sa bahay. Na punta ako sa Flower Shop para tumulong dun after class.

My Perfect StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon