Chapter 4

19 14 0
                                    

Kakabukas ko lang ng laptop ng may kumatok sa pinto ng kwarto ko. Napalingon ako dun at lumapit ako para malaman kung sino ang nakatok. Kase kung si mama to sisigaw lang yun at hindi talaga kakatok. Binuksan ko ang pinto at nakita ko si Penny.

"Sorry pero pinapa tawag ka ng mama mo sa baba at kakain na daw".  sabi nya habang nakatingala sakin.

"Oo sige.".sinarado ko ang pinto ng kwarto ko at sumunod kay Penny pababa ng hagdan. Kung tutuusin hindi naman sya maliit tignan o baka naman matangkad lang ako para sa kanya. Nauna syang maglakad papunta sa dining area kung nasan si mama. Sasabay yata sya samin kumain. Wala namang problema dun mabait naman si mama. At ayos lang din sakin tutal palamunin din ako dito. Napa iling tuloy ako habang natatawa sa sarili kong naisip.

Naupo na rin ako. Nasa kabisera si mama at kaming dalawa ni Penny ang magka harap.

"Anak tumawag ang papa mo..ang sabi nya sumunod ako sa kanya sa Cebu at nagkaroon ng kaunting problema sa negosyo natin doon"..  sabi ni mama habang nakatingin sakin at inaantay ang reaksyon ko.

"Anong problema ma? hindi ba ko kailangan dun? Ako na lang ang pupunta."   sabi ko

"Anak hindi naman ganun kalala ang naging problema..tsaka ano ka ba? nag aaral ka pa"... Sabi ni mama habang pangiti ngiti habang papa inom ng tubig.

"Don't worry anak once na settle na namin ng papa mo ang kaunting problema uuwi rin ako ka agad".  sabi ni mama habang naka ngiti sakin bago tumingin kay Penny.

"Penny, mabuti at nandito ka may makaka sama ang anak ko.. mga ilang araw lang din naman ako mawawala okay lang ba sayo? hindi ka naman pahihirapan ng anak ko."   sabi pa ni mama bago tumingin sakin.

"Nako po Mrs. Velazquez okay lang po ako dito. Magtatrabaho po ako ng maayos habang wala kayo."  sabay ngiti kay mama at tingin sakin.

"Magiging okay ka naman dito diba anak?"  sabay hawak ni mama sa kamay ko.

"Opo ma..mag ingat kayo dun ni papa. Ako na bahala dito".  sabi ko at natapos ang hapunan ng na unang umalis si mama at mag iimapake pa daw sya ng mga gamit. Wala namang problema sakin yun eh. Okay lang naman ako. Siguro naman makaka uwi sila bago dumating si ate?.

Bago ako umakyat ng hagdan lumingon pa ko sa kusina at nakita ko si Penny na nag huhugas ng mga pinag kainan. Gusto ko man syang tulungan kaso hindi naman ako suswelduhan ni mama. Syempre joke lang.

"Akyat na ko Penny..salamat ha"!  at umakyat na nga ko para masimulan na ang dapat tapusin. Sa dami ng reports at may plates pa na dapat kung tapusin..baka naman buhay ko ang matapos nito!!! Tumawag pa nga sakin si Jeff kanina para  magtanong kung okay na ba daw yung plates nya kaso sabi ko hindi ko rin alam kase di naman ako nag huhugas ng plato. Pero syempre biro lang yun. Minsan kailangan din natin na biruin ang sarili natin..baka kase pag nasobrahan tayo sa pagiging seryoso hindi na maging circle ang lemon square. Kainis.

Dumating na ang araw na pinaka hihintay namin ni Jeff. Ang finals namin para maka pasa at maka pag 4th year. Walang naging problema sa mga nag daang araw at buwan, wala din naging problema sa mga pinag paguran namin na mga plates. Ang naging problema lang siguro ay ako mismo. This past few months sa tuwing napapa sakay ako sa bus feeling ko may gusto akong makita o maka sabay. May mga times din na sya lang ang nakikita ko kahit gaano pa ka crowded ang lugar.

Bakit ganun? Hindi parin ba nawawala? Saana hindi ko na lang sya nakita sa bus. Sana hindi na lang ako na late noon.Sana hindi na lang sya ang naka tabi ko. Ang dami kong sana sa bawat araw na nadating. Pero sana naman hindi ko na talaga sya makita kahit kailan. Makaka limutan ko rin ang babaeng may itim na hoodie na naka earphone na may kulay itim na bag. Makaka limutan rin kita antayin mo lang at mawawala kana sa isip ko. Masyado mo ng pinahihirapan ang kalooban ko. At talagang seryoso sya na hindi na talaga kami mag kikita ulit. Akalain nyo at na predict nya yun?.

Ang tagal na pala...10 months na rin ang nakaka lipas ng ma meet ko sya. At sa tagal ng panahon na yun dapat limot ko na sya. Hindi talaga to matatanggap ng sarili ko. Kahit sa panaginip hindi ko gugustuhin  na magkakagusto ako sa taong hindi ko naman lubusan na kilala.

At ngayon nangangako ako na makaka limutan ko sya. Gagawin ko ang lahat.

Ngayon mag sisimula ang lahat. Kasama si Jeff nandito kami ngayon sa kahabaan ng pila para bumili ng ticket sasakay kase kami sa LRT ngayon para makapag byahe papunta sa kuya nya. Bibisitahin namin yung kuya nya sa company na pinag tatrabahuhan nito. Hindi ko nga alam bakit ako napasama dito.

"Diba ang astig nito? Magkasama tayo sa hirap at sa pagod hahaha".  sabi ni jeff habang bitbit ang pasalubong para sa kuya nya na naka lagay sa paper bag.

"Are you out of your mind!? wala sa isip ko ang sumama sayo. Baka nakaka limutan mo.. pag labas ko ng gate namin para maglakad lakad lang sana ay bigla mo kong hinila at bigla na lang sa isang iglap nasa bus na tayo!!! "  sigaw ko sa kanya sa sobrang inis ko. Balak ko lang mag lakad lakad sana at maganda ang panahon pero itong tukmol na to dumating para kidnapin ako,

"Ano ka ba naman Marco!! Huwag ka nga sumigaw nakaka hiya ka!"  sabi nya sabay hingi ng sorry dun sa mga malapit samin.

"Bwiset ka wag mo ko kausapin! Di mo man lang sinabi na may plano ka mag punta sa company ng kuya mo! tapos ganito lang ang suot ko!!" sabi ko sa kanya sabay batok.

Naka black jogging pants at tshirt na gray lang ako at plain white na sapatos. Halatang walang plano sa gala, sadyang gusto ko lang mag jog ng konti. Habang itong isa na to todo porma ang loko naka polo pa nga. Ang kapal.

"Pre okay lang yan..hindi naman halatang palaboy ka hahaha tsaka pag kakataon na natin to makapasok sa kumpanya na pangarap natin HAHAHA "  sabi pa ni jeff habang naka akbay sakin at natawa na nababaliw. Napa kamot na lang tuloy ako ng ulo sa sobrang frustration.

Naka sakay na kami ng LRT at parehas na naka upo dahil hindi naman pala masyadong masikip dahil hindi naman ganun ka rush hour. Naka upo sa kanan ko si Jeff habang may ka chat sa cellphone nya habang ako naman patingin tingin lang sa paligid para mawala ang inis  dahil dito sa kaibigan ko.

Kaso isa yatang malaking pagkaka mali ang pag tingin ko sa paligid. Natulala ako sa bandang kaliwa ko..may  babae na naka upo at may karga na baby, may dalawang lalaki na estudyante, at may dalawang matanda na nag kukwentuhan, at sa banda na yun... Anim na  tao ang pagitan namin. Sya ba talaga ang nakikita ko? o pinag lalaruaan lang ako ng mga mata ko? Hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya. Same hoodie ba yun o mali lang ako? Iba yung bag dahil kulay gray at yakap yakap nya, hindi naka lagay ang hoodie sa ulo nya kaya naman nakikita ko ang side view ng mukha nya..pero gusto ko maka sigurado na tama ako at hindi ito ilusyon lang. Ang tagal bago naulit. Sampung buwan bago ko sya ulit makita. Totoo na ba to? Kase mukang masisiraan na ko.

Pero ng lumingon sya sa direksyon ko..dun ko nasabi sa sarili ko na...

"Totoo nga, nalulunod na ko. "


My Perfect StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon