Nagmamadali akong mag punta sa elevator ng malaman ko kung saan ang floor ng office ni Marco. Kaya naman ng makita ko kung saan ang pinto ng office nya ay na tigilan ako ng may lumabas na babae mula doon.Naka pencil skirt na black yung babae at naka open ang dalawang butones ng suot nyang red polo. Fit na fit sa kanya ang suot nya at may dala syang mga folder. Napansin ko pa ang pag aayos nya ng skirt na suot nya at kwelyo.
Nang lumingon sya sakin ay napataas ang kilay ko. Umiwas naman sya ng tingin sabay sabi ng excuse me. Sinundan ko pa sya ng tingin bago ko binalik ang tingin ko sa pinto ng office daw ni Marco. Nakakainis isipin na may ganong klase ng babae ang napasok sa opisina nya.
Huminga ako ng malalim bago kumatok sa pinto ng opisina ni Marco. Pagka rinig ko ng sinabi nya ang Open ay binuksan ko ang pinto. Nakita ko syang naka upo sa mesa nya. May laptop, folder, ballpen ang nasa harapan nya na nakapatong sa mesa. Naka white dress shirt at nakatupi ang manggas sa siko nya. Nakita ko din na magulo ang buhok at ganon din ang suot nya. Maluwag na din ang necktie na suot nya naabutan ko pa na hawak nya ang necktie at niluluwagan. Ang nakaka bwiset pang tignan ay ang nakabukas nyang dalawang butones na akala mo ay inet na inet sya.
Masama ang tingin na ginawad ko sa kanya ng tumayo sya bigla sa upuan nya ng makita nya ko. Ano ang ginawa nila ng babaeng yun dito sa opisina nya!? At bat ganyan ang itsura nya!
"Crim!" Tawag nya sakin habang naka tayo na sa likod ng swivel chair nya. "Anong ginagawa mo dito...sa opisina ko?" Naka kunot na tanong ni Marco.
"Hindi ba ko pwede dito? Tsaka nakita mo ko kanina sa ibaba diba?" Tanong ko habang nakatitig sa kanya. Naiirita ako sa itsura nya.
Sumeryoso naman ang mukha nya. "Nasa right wing ang mga kapatid mo. May titignan daw sila." Sabi ni Marco at naglakad papalapit sakin. Hindi naman ako gumalaw sa kinatatayuan ko.
"Alam kong nandito sila...pero ikaw talaga ang pinuntahan ko". Sabi ko sa kanya.
Tinitigan nya ko at nang makalapit sya sakin ay nagulat ako ng iabot nya sakin ang kulay asul na panyo. "Tumakbo ka ba papunta dito? Bakit pawis na pawis ka." Sabi ni Marco at hindi inaalis ang kamay na may panyo sa harap ko.
Tinitigan ko lang din ang panyo sa harapan ko. Hindi ko sya maintindihan. Kanina lang ay para syang galit na makita kami ni Zach na magka yakap. Tapos ngayon naman concern sya.
Dahil hindi ko kinuha ang panyo na binibigay nya ay sya mismo ang nagpunas ng pawis ko. Natulala naman ako ng gawin nya yun. Nakatitig ako sa kanya at di ako makagalaw habang sya naman ay pinupunasan ang noo ko.
"Pwede ka magka sakit kapag natuyuan ka ng pawis." Tumigil si Marco sa pagpunas at inamba na hawakan ang pisngi ko. Pero hindi nya tinuloy. Humakbang sya paatras at binigay sakin ang panyo.
"Natanggap ko yung message mo...kaya ka ba nandito?" Tanong ni Marco. Naalala ko naman yung message na bigla ko na lang nasend.
"Tungkol don gusto talaga kit-" hindi ko natapos ang sasabihin ko ng biglang may kumatok sa opisina ni Marco at bumukas ang pinto ay pumasok ang tatlo kong kapatid. Nang makita nila ko ay nag punta sila sa sofa na malapit sa bintana ng opisina ni Marco. May mga dalang paper bag at fruit shake pa nga. Mga walang hiya talaga.
"Akala nyo ba nasa bahay kayo!? Bumisita lang kayo dito sa kumpanya!" Sabi ko sa kanilang tatlo.
"Ate nandito ka na pala! Mabuti at dito ka dumiretcho sa opisina ni Kuya Marco. Dito kase kami talaga naka tambay simula kanina." Sabi ni Hansel sabay higop dun sa fruit shake nya.
BINABASA MO ANG
My Perfect Stranger
Teen FictionAng sabi nila ang pag-ibig daw ay sadyang masakit at may halong saya. Posibleng ang dalawang ito ay maramdaman natin. Sinadya man o hindi. Kung sa pag lubog ng araw at sa pag sikat ng liwanag nito ay tumatakbo ang oras, maaari kayang matagpuan natin...