Chapter 11

16 3 0
                                    

Linggo ng umaga ngayon ng maisip ko na mag general cleaning. Naka usap ko rin kase si Kuya Top kagabi at nasabi nya na uuwi sya ngayon. Kaya naman bago pa sya umuwi maglilinis na ko ng buong bahay.

Nakita ko na bumaba ang kambal at mga bagong ligo pa. Si Hetser na seryosong naglakad papuntang kusina at si Hansel na dumiretcho papunta sakin.

"Ate, darating ngayon si Kuya Top diba? Tutulong kami sa paglilinis".  excited na sabi naman ni Hansel.

"Okay sige, tuturuan ko kayo sa mga dapat ninyong linisin. Yung mga madali lang ang gagawin nyo."  sabi ko naman habang nakuha ng isa pang walis tambo at inabot ko kay Hansel.

Lumabas naman ng kusina si Hetser at kumuha na rin ng Mop at timba.

"Hetser, kaya mo ba yan?" gulat kong tanong sa kanya.

"Opo ate... ako na dito habang nag wawalis si Hansel. " mahina at seryosong sabi ni Hetser.

"Sige, nakapag linis na ko sa kusina. Napunasan ko na rin ang mga estante sofa at lamesa."  ang sabi ko habang nagpupunas ng kamay.

"Kung ganun ano na lang ang gagawin namin? " tanong ni Hansel habang hawak ang walis tambo.

"Kami na lang ang mag wawalis at mag mop dito sa sala Ate. Kung may hindi ka pa po nalilinis yun na lang po ang unahin mo."  sagot ni Hetser. Sabay tingin kay Hansel at sumenyas dito.

"okay sige... ganon na lang nga siguro ang gawin ninyo. Lalabas lang ako para mag walis at magtapon ng basura." 

Iniwan ko na yung kambal doon sa sala at lumabas para mag walis at magtapon nga ng basura. Lumipas ang ilang minuto at natapos ako sa labas ng bahay kaya pumasok na rin ako sa loob.

Pagka pasok ko nakita ko ang kambal na tapos na . Wala na rin ang walis tambo at mop na ginamit nila sa paglilinis. Nakita ko na si Hansel na naka upo sa sofa at nanonood ng Tv. Si Hetser naman naka upo sa sahig at seryosong nagbabasa ng libro.

Ganyan ang ayos ng kambal na yan kapag alam nilang uuwi dito si Kuya.

Pumunta ako sa Kusina at nag hanap ng lulutuin. Mabuti na lang talaga at naka punta ako sa grocery kahapon kaya may maluluto ako.

Habang nasa kusina naisip ko na magpa tugtog habang nag luluto. Madami na ang magagandang kanta ngayon. Pero bakit parang ang lungkot ng mga singer ngayon?

Puro lovesong at mga kanta na pang heartbroken.

Nang matapos na ko magluto para sa lunch namin. May narinig na ko na nag doorbell.

Lumabas ako ng kusina at nakita ko si Hansel na binuksan ang pintuan...nakatayo sa likod nya si Hetser.

Pumasok naman si Kuya Top na may dalang mga eco bag at paper bag. May isa pang lalaki na pumasok kasunod ni Kuya Top.

May dalang paper bag na hula ko ay pagkain ang laman. May dalawang box din ng Pizza na hawak naman nung lalaki sa kaliwang kamay nya.

"Hansel at Hetser teka sandali lang dadalhin lang namin to sa dining. "  habang pinipilit na kumawala sa yakap ni Hansel. Bumitaw naman si Hansel at Hetser. Naglakad si Kuya sa direksyon ko at nakita nya rin naman akong nakatayo at naka tingin sa kanila. Kasunod nya padin yung lalaki.

Pagka lapag nya ng mga dala nila lumapit sya sakin at niyakap nya ko.

"Crim! grabe namiss ko kayo.. nag dala ako ng mga grocery."  habang inaalis ang yakap sakin.

My Perfect StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon