Chapter 25

5 1 0
                                    


Pagka sarado ko ng pinto ay napa upo na lamang ako sa sahig. Tinakpan ko ang mukha ko kase hindi ako makapaniwala na umamin sya sakin!. Si Marco umamin sya sakin! Gusto nya ko!

Noong nakaraan lang ay pinag uusapan namin ni Shine ang pwedeng mangyari kung sakaling magka gusto sakin si Marco at manligaw. Pero dahil wala yun sa isip ko ay hindi ko na lang din pinansin kahit aminado ako na posible talaga ang magustuhan ko nga si Marco.

Pero ngayong inamin nya mismo sa harapan ko ay hindi ko matanggap! Blangko ang isip ko. Sa totoo nyan nitong mga nagdaang buwan na nakikilala ko si Marco at lumipas ang araw na nag iiba ang tingin ko sa kanya ay hindi ko na lang din talaga alam.

Naguguluhan ako kase...Oo nga at posible na magustuhan ko sya pero bakit naman nya ko nagustuhan!?. Kanina lang ng nakita ko sya na papalapit sakin habang naka payong ay sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Kapag malapit sya sakin ay para akong Kinakabahan.

Naiirita ako sa presence nya na parang bawat galaw nya ay maiinis ako. Lalo na ngayon at umamin sya sakin at sinabi nya na manliligaw sya. Pero sinabi ko na hindi ako pumapayag.

Sinabi ko yun kase hindi ako sigurado. Sa sarili ko at sa pwede kong maramdaman. Na sabi ko yun kase wala akong maisip na ibang dahilan para magustuhan nya ko. Tsaka sobra akong na bigla na umamin sya ng tinanong ko sya.

Tumingin ako sa bintana at nakita ko na malakas parin ang ulan. Hininaan ko na kanina ang aircon dahil malamig na. Nakalimutan ko pa mag dala ng payong at jacket nawala rin sa isip ko na madilim pala at nag babadya ang pag-ulan.

Hindi na rin naman ako makakapag isip ng maayos at natapos ko na rin naman ang report ko ay kinuha ko ang bag ko at lumabas ng office.

Napansin ko sa counter area ang isang kulay puting bagay. Lumapit ako at nakita ko ang isang pamilyar na hoodie jacket. Kinuha ko ito at niladlad. Na bigla pa ko ng makita na ito ang suot ni Marco kanina nung nag punta sya dito sa Cafe.

Bakit nya hinubad? At kung hinubad nga nya ito...anong suot nya ng lumabas sya!? Walang pang itaas ganon!?

Nag-isip pa ko saglit ng makita ko rin ang dilaw na payong na nasa gilid ng pintuan. Tinignan ko ang Jacket at ang payong.

Iniwan ba nya dito yung mga gamit nya para gamitin ko?

Ayoko mag assume pero yun kase ang nakikita ko na dahilan kung bakit nandito ang gamit nya. Nakita nya siguro na nilalamig ako kanina sa harap ng pintuan kaya iniwan nya ang jacket nya.

Marco, baka nakakalimutan mong binasted kita?.

Hindi ko tuloy alam ngayon kung ano ang mararamdaman ko. Iniwan nya sakin ang mga gamit nya para gamitin ko at hindi ako lamigin. Ginawa nya yun kahit alam nyang binasted ko sya. Naguguluhan tuloy ako.

Nang makauwi ng bahay ay dumiretcho ako sa kwarto. Pagka tapos ko mag palit ng damit ay kinuha ko ang cellphone ko na naka patong sa mesa. Binuksan ko at tinignan kung may message ba galing kay Marco.

Kaso wala!

Tsaka bakit ba ko nanghihinayang!? Binasted ko nga yung tao diba!? Bakit parang dismayado pa ko ngayon.

Nagulat ako ng may nag message bigla sakin dali ko namang binuksan at sa pangalawang pagkakataon ay muling na dismaya.

Hi! Naka uwi ka na? - Zach

Akala ko si Marco yung nag chat hindi pala. Hindi sa umaasa ako na kakausapin nya ko ulit after ko sya ma basted kanina!

Kaya nag reply naman ako kay Zach.

My Perfect StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon