Habang nasa byahe kina kabahan ako. Hindi ko alam kung paano ko sya haharapin. Yung sinabi nya dun sa likod ng credit card. Hindi ako makapaniwala na natatandaan nya ko kahit sobrang tagal nya na kong hindi nakita. Hindi ako makapaniwala.
Hindi mawala ang ngiti ko sa labi habang nagmamaneho papunta sa address ng coffee shop. Hindi ko alam kung bakit binigay nya yung credit card na yun, hindi ako sigurado kung nandun ba sya pag punta ko, kung baka napulot lang nya yung card tapos dun sya nag sulat..hindi ko alam. Basta ang gusto ko lang ay ang makita sya at makilala.
Nang matanaw ko na ang Coffee Shop na nasa address naghanap ako ng parking. Nang makababa sa kotse hindi muna ko pumasok. Pinagmasdan ko muna yung lugar. Yung coffee shop kapag nasa labas ka parang napaka cozy tignan, hindi masyadong kita ang loob ng shop kahit na gawa naman sa salamin ang pinto at bintana. Yung labas naman ay may mga upuan din at lamesa na may malaking payong sa gitna nagsisilbing pang cover sa inet ng araw o kaya sa ulan.
Pag pasok ko sa loob ay kaunti pa lang ang customer. May isang babae sa counter naka suot ng apron, tapos may dalawang nag pupunas ng mesa at naka apron din. Hinahanap ng mata ko si Crim pero wala sya. Maya-maya pa ay may lumabas sa isang pinto malapit sa counter kung saan nakalagay ang Crew Room sign.
Si Crim yung lumabas. Naka suot sya ng Apron na black may tatak ng coffee shop. Naka suot sya ng high waist trouser pants na kulay black at polo shirt na kulay puti habang naka lugay ang itim nyang buhok na may pagka curly sa dulo. Ang ganda nya. Trainee ba sya dito?
Naglakad ako palapit ng hindi inaalis ang mata ko sa kanya. Bago ako makalapit ay binati ako ng isang waitress kaya napahinto ako.
"Good morning Sir!" nakangiti na bati ng isang waitress.
"Morning. "Sinabi ko yun ng nakatingin sa waitress kaya naman pag balik ko ng tingin kay Crim...tumigil ang paghinga ko.
Grabe kung ganyan sya makatingin sakin parang pwede nako mamatay ngayon. Pangarap ko lang to. Pinapangarap ko lang sya dati.
Nakatingin sya sakin habang hawak yung mop. Tapos napa kunot ang noo nya habang nakatingin sakin. Kinabahan ako lalo.
Napahinga naman ako ng malalim ng kinausap nya yung babaeng nasa gilid ng counter na mukang manager kase iba ang uniform. Tapos umalis sya saglit pagbalik nya wala na syang mop na dala pero naka apron parin sya.
Sa ilang taon na paghihintay ko di ko na alam kung paano ko pa nakakaya na tumayo ng matagal dito sa harap nya. Lalo akong nanlambot ng lumapit na sya sakin. Shit! nakalimutan ko na yata huminga.
"Kanina ka pa? Medyo busy pa kami sa ganitong oras kase kaka open lang ng shop". sabi nya sakin na akala mo na predict nya na magkikita kami ngayon,. Actually parehas kami nakatayo sa gitna, pinagtitinginan na nga kami ng crew at ng ibang customer.
"Sunod ka sakin." sabi nya pa ng napansin nya yung paligid.
Sumunod ako sa kanya ng hindi na kibo. Paano ako kikibo kung sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko di ko na alam pano mabuhay sa ganitong klase ng sitwasyon. Lunod na lunod na ko!!!
Umupo sya sa bandang gilid kaya naman umupo rin ako sa tapat nya habang tahimik na nakamasid sa bawat galaw nya. Parang lahat ng gawin nya at kahit saang anggulo ay nalulunod ako.
Tumingin sya sakin at tumitig. Ganon din ako sa kanya. Hindi ko magawang umiwas. Baka kase kapag iniwas ko ang paningin ko sa kanya ay bumalik ako sa katotohanan na panaginip lang ang lahat ng to.
"Akala ko hindi mo natanggap yung Card na binigay ko sa Nurse." Sabi nya habang nakalagay ang dalawang kamay sa mesa at nakasiklop.
"Natanggap ko. Gusto ko makilala ang nag pa abot non kaya pumunta ko dito." seryoso kong sabi sa kanya....pero grabe para kong nababakla dito.
BINABASA MO ANG
My Perfect Stranger
Teen FictionAng sabi nila ang pag-ibig daw ay sadyang masakit at may halong saya. Posibleng ang dalawang ito ay maramdaman natin. Sinadya man o hindi. Kung sa pag lubog ng araw at sa pag sikat ng liwanag nito ay tumatakbo ang oras, maaari kayang matagpuan natin...