F2008: 08

736 70 4
                                    

Chapter 8

Conrad

"Bukas na bukas rin!" malakas na sabi ni Apollo matapos uminom at ibaba ang hawak na lata ng beer. Tumingin ito sa akin. "Pupunta tayo sa farm ng Uncle Ferdie mo."

Napailing na lang ako sa kanya habang iniinom ang panglima kong can ng beer. Sa mahigit trenta minutos na lumipas, makailang beses ko nang narinig sa kanya 'yon. Paulit-ulit ang lalakeng 'to. Lasing na nga talaga si Apollo.

Napagkasunduan kasi naming dalawa na pupuntahan namin si Uncle Ferdie sa bukid bukas para sa kanya mismo tanungin kung nasaan ang Conrad sa taon na 'to. Sana lang talaga ay maalala pa ni Apollo ang kasunduang 'yon kinabukasan.

Halata ang kalasingan niya sa namumula na niyang mga pisngi, mapupungay na mga mata, at sa magaslaw niyang pagkilos. Malakas rin ang boses nito, na minsan ay pasigaw, kahit magkatabi lang naman kaming dalawa. Pilit ko nga siyang pinagsasabihan na baka magalit ang kapitbahay sa ingay namin dahil lagpas alas onse na ng gabi. Hindi naman siya nakikinig.

Sa totoo lang, nararamdaman ko na rin ang pagkahilo dahil sa mga nakonsumo kong beer. Ang kaninang mapait na lasa sa dila ay parang tubig na lang tuwing lalagok ako. Hindi ko namalayan na kinokontrol na pala ako nito. Alam kong lasing na ako dahil bumibigat na ang mga talukap ng mga mata ko. Pinipigilan ko lang talaga ang sarili kong huwag matumba at hindi gaanong gumalaw dahil lalo akong nahihilo.

Pero kung may mas lasing sa akin, si Apollo 'yon. Naka-siyam na siyang can ng beer. Hindi ko alam na posible palang makaubos ka ng gano'n karami. Hindi ko 'yon kaya dahil alam kong ang panglima ko ay huli ko na.

"Magpahinga na tayo," anyaya ko sa kanya. "Maaga pa tayo bukas, Apollo." Tumayo ako at inagaw ang bubuksan pa sana niyang isa pang lata ng beer.

Tiningnan niya ako na kunot ang noo. "Maaga pa," kinuha niyang muli sa akin ang can ng beer. "You, sit there and join me." Ngumiti ito ng nakakaloko. Napailing ako sa kanya.

"Masyado ka nang lasing," pagsasabi ko ng totoo sa kanya at inagaw ang beer. "Gusto mo ba ng malalang hangover bukas habang bumibiyahe tayo ng limang oras?" pananakot ko sa kanya. Maging ako e natakot rin dahil naparami rin ako ng inom.

"I can manage myself, Conrad." Nakangiti niyang inagaw muli ang lata sa akin. "I managed to live by myself for a year..." saad niya at tuluyan nang binuksan iyon. Hindi ko na siya napigilan pa. "Ang magka-hangover pa kaya?" lumagok siya ng inom roon.

"Ikaw ang bahala."

Naupo akong muli dahil hindi kaya ng mga tuhod kong tumayo nang matagal. Wala akong nagawa kundi ang panuorin si Apollo na uminom. Ginusto naman niya 'yon.

Nakatitig lamang ako sa kanya. Hindi ko maiwasang mapaisip kung paano niya nakakayang mabuhay nang mag-isa rito sa apartment niya. Kahit na marami siyang pera, pakiramdam ko ay hindi pa rin 'yon sapat para mapunan ng kasiyahan ang puso niya. Alam kong may parte sa loob niya ang nalulungkot. Nararamdaman ko 'yon. Nakikita ko 'yon ngayon.

Hindi ko maiwasang isipin na baka kaya gano'n na lang kadali ang pagtanggap at pagpapatuloy niya sa akin dito sa apartment niya ay dahil malungkot siya. Pero sino ako para pangunahan ang dahilan niya?

"Apollo..." napatingin agad ito sa akin nang tawagin ko siya. "Matanong nga kita. Sana sagutin mo nang diretso." Seryosong saad ko.

"Anything."

Pilit kong inilagi ang mabibigat kong mata kay Apollo. "Bakit mo ako tinutulungan?" tanong ko sa kanya. "Noong gabing 'yon, pwede mo naman akong iwanan at hindi paniwalaan pero hindi mo ginawa." Saad ko pa. "Bakit?"

Napangiti nang maliit si Apollo habang nakatingin sa akin ngayon. Hindi na siya masyadong magalaw, hindi katulad kanina. Seryoso na siyang nakatingin sa akin ngayon matapos marinig ang mga tanong ko sa kanya.

"Kailangan ba laging may dahilan kapag tumutulong?" tugon niya. Napansin kong huminga ito nang malalim bago bahagyang nag-iwas ng tingin. "When I saw you that night, alone, nakita ko ang sarili ko sa 'yo." Tumango-tango ako. "Hindi ako makatulog no'n kaya lumabas ako para maglakad-lakad. Kaya noong nakita kita, hindi ako nagdalawang-isip na lapitan ka. And I'm so happy that I did." Ngumiti siya nang tingnan ako at uminom muli ng beer.

"Salamat..." sambit ko.

Binigyan niya ako ng isang matamis na ngiti. "Basta ikaw."

Hindi ko maiwasang titigan si Apollo. Nakasuot siya ng puting sando at gray na shorts. Ngayon ko lang napansin ang mga katangian niyang pisikal.

Malinis ang gupit ng may pagka-brown niyang buhok, makapal ang kanyang kilay, at ang mga mata naman niya ay kulay asul. Manipis ang mala-rosas na kulay ng kanyang labi at sa taas nito'y naroon ang maninipis ring sibol ng kanyang bigote. Sa bawat pagtaas niya ng kanyang braso, sumisilip ang malago niyang buhok sa kilikiki.

Hindi ko rin maiwasang pansinin ang hubog ng kanyang pangangatawan. Sa edad na 17, may kalakihan na ang kanyang mga braso at bisig. Malayo sa katawan na mayroon ako na hindi man gano'n ka-payat, hindi rin gano'n kalaki. Sakto lang. Sa itsura at pangangatawan ni Apollo, hindi ako magtataka kung maraming humahanga sa kanya.

"Why are you staring at me?" nakangiti ngunit nagtatakang tanong sa akin ni Apollo nang mahuli niya akong nakatitig sa kanya. Mabilis naman akong umiwas dahil sa pagkapahiya. "Are you looking at my biceps?" panunukso niya sa akin at nang tingnan ko'y itinaas ang braso para ipakita. Pinatigas niya 'yon. Napalunok ako dahil sa pagkailang.

Napailing ako matapos ang ilang saglit. "Hindi ako nakatitig d'yan, 'no." Giit ko sa kanya. "Lasing ka na talaga at kung anu-ano na ang nakikita mo." Tinawanan niya ako matapos ibaba ang braso. "Mabuti pa siguro ay magpahinga na tayo." Suhestiyon ko at tumayo na.

Hindi naman umangal pa si Apollo at nanahimik na lang sa isang tabi. Inabala ko ang sarili ko sa paglikom ng mga kalat at walang lamang lata ng beer para itapon ang mga 'yon. Pabalik-balik rin ako sa sala hanggang maging malinis na ulit 'yon.

Nang makabalik ako, agad kong napansin ang nakayukong si Apollo. Tila nakatulog ito sa kinauupuan niya. Sinilip ko ito at nakumpirma ang aking hinala. Nakatulog nga siya sa sobrang kalasingan.

Sinubukan ko siyang gisingin pero hindi 'yon epektibo. Lalo lang siyang nahimbing dahil naririnig ko siyang humihilik nang mahina. Masyado siyang mabigat para akayin papunta sa kanyang kwarto kaya inihiga ko na lang siya sa couch. Kumuha ako ng unan at kumot para sa kanya.

Nang saktong aalis na ako sa sala para iwan siya, nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang kamay ko. Hinila ako ni Apollo hanggang mapaupo ako sa couch kung saan siya nakahiga. Masyadong malakas ang pwersa ng kamay niya kaya hindi ako makawala. Nang titigan ko siya, nakapikit pa rin ito. Hawak-hawak ang kamay ko.

"Stay here...don't leave me."

***

From 2008 [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon