F2008: 12

700 73 3
                                    

Chapter 12

Conrad

Nandito kami ngayon ni Apollo sa loob ng presinto. Nakaupo sa mahabang metal bench habang hinihintay ang lalakeng pulis na nagdala sa amin dito kanina. Kinuhanan lang kaming pareho ng statement tungkol sa nangyari at pagkatapos, hinold na kami rito. Madilim na rin sa labas. Kailan ba nila kami balak paalisin?

"I'm sorry..."

Napatingin ako sa katabi kong si Apollo nang bigla itong magsalita matapos ang ilang minuto naming katahimikan. Seryoso ang mukha niya na bakas pa rin ang mga tinamong sugat sa labi at noo dahil sa pakikipaglaban kanina. Nagi-guilty ako kapag nakikita ko ang mga 'yon.

"This is my fault." Saad niya habang malungkot na nakatingala sa kisame. "Kung 'di ako pumunta sa talyer para humiram ng sasakyan, wala sana tayo sa sitwasyon na 'to." Seryoso niya akong tiningnan. "I dragged you into this. I'm sorry."

"Huwag mo ngang sisihin ang sarili mo." Inis ko siyang tiningnan. "Kung tutuusin, ako dapat ang humihingi ng pasensya sa 'yo dahil dinamay kita sa lahat ng 'to." Lumapit ako sa kanya nang bahagya. "Iniligtas mo 'ko kanina. Nakaligtas tayo dahil sa 'yo, Apollo. " Saad ko.

Pilit siyang ngumiti sa akin ngunit bakas pa rin ang pag-aalala sa mukha. "But still, we failed to get to your uncle's farm." Sambit niya at bagot na iginala ang mga mata sa buong lugar. "And we're stuck here."

Hinawakan ko ang kamay ni Apollo. "Dalawang oras na lang naman ang layo ng bahay ni Uncle Ferdie mula rito. Makakarating pa rin tayo roon." Tinapik-tapik ko ang kamay niya. "Sa ngayon, mas nag-aalala ako sa mga sugat mo." Tiningnan ko ang mga 'yon. Mag-iisang oras na kami rito at hindi pa 'yon nabibigyan ng paunang-lunas.

"Don't mind these. Wala 'to, malayo sa bituka." Ngumiti siya sa akin. Napailing na lang ako sa kanya. "Ikaw, may masakit ba sa 'yo?" tanong nito sa akin habang hawak ang kamay ko. Umiling naman ako agad.

"Ayos lang ako." Nginitian ko si Apollo.

Pareho kaming napatayo nang makitang papalapit ang lalakeng pulis na kanina pa naming hinihintay. Nang makalapit sa aming dalawa, inabot niya kay Apollo ang cellphone at wallet nito. Halata sa itsura niya ang pagkadismaya.

"Alam niyo bang mali ang ginawa niyo?" panimula niya at tinapunan kaming dalawa ng seryosong tingin. "Pinahamak niyo ang mga sarili niyo. Paano na lang kung hindi ako dumaan sa lugar na 'yon?" tanong ng pulis at tumingin kay Apollo. "You're both teenagers. You're not allowed to drive yet. Hindi rin sa inyo 'yong kotse. Alam ba 'to ng mga magulang niyo?"

"I don't think there's a need for that, sir." Sagot ni Apollo. "We're very sorry for the trouble." Tiningnan niya ako bago tuminging muli sa pulis na kaharap. "Kailangan lang talaga naming makarating sa Norterinos. That's all." Kumunot ang noo ng lalakeng pulis nang marinig 'yon mula kay Apollo. Binalingan ako nito ng tingin.

"Norterinos?" nagtatakang tanong niya na hindi pa rin inaalis ang mga mata sa akin. Sa katunayan, magmula noong dinala niya kami rito sa presinto, napapansin kong napapadalas ang pagtitig niya sa akin na para bang kinikilatis ang buong pagkatao ko. "Anong gagawin niyo sa lugar na 'yon?"

"Bibisitahin namin ang lolo ko." Hindi na ako nagdalawang-isip na sabihin 'yon. Iyon lang ang naisip kong palusot. "Kaya kung hahayaan niyo kaming umalis na ngayon, makakatulong 'yon nang sobra para makarating kami roon nang mas maaga." Pakiusap ko sa pulis.

"Can you give us the car key, so that we can leave now?" pakiusap ni Apollo. Kinuha kasi nila ang susi ng sasakyan at dinala rin 'yon rito sa labas ng presinto.

"No." Seryosong sagot ng pulis at umiling sa aming dalawa. Pareho kaming napakunot ang noo ni Apollo. "The car will stay here at the police station. We can't let you drive. Lalong hindi nang ganitong oras." Nadismaya kami sa narinig. "Pero kung nagmamadali talaga kayo papunta roon, sumabay na kayo sa akin. Doon ako nakatira." Nagkatinginan kaming dalawa ni Apollo dahil sa narinig bago nakangiting humarap sa pulis.

Iyon nga ang nangyari.

Sumabay kami sa lalakeng pulis sakay ng kotse niya. Noong una, nag-alangan ako nang bahagya dahil natatakot ako na baka kung saan niya lang kami dalhin ni Apollo. Pero nang magtagal, nawala 'yon nang simulan na kami nitong kausapin habang nasa biyahe. Nalaman namin na naka-day off pala siya ngayong araw. Iyon na rin ang dahilan kung bakit nakasuot siya ng damit na civilian.

"Mga taga-syudad kayo?" tanong niya at bumaling sa rear-view mirror para sulyapan kami sa likuran ng kotse. Sabay kaming tumango ni Apollo. "Bihira na lang talaga ang mga bus na bumibiyahe patungo roon. You're lucky if you have your own vehicle. Wala na rin kasi gaanong nakatira sa Norterinos. Maliban sa amin." Napakunot ang noo ko nang marinig ang sinabi ng pulis.

"Bakit naman po?" hindi ko napigilang magtanong.

Alam kong isa ako sa mga taong ayaw sa bukid. Hindi ko gusto ang buhay sa Norterinos. Pero nang huli akong magawi roon, bago ako mapunta rito sa hinaharap, maraming mga taong naninirahan roon. Ibig bang sabihin no'n, sa nakalipas na labinlimang taon, marami ang umalis sa lugar na 'yon?

"Nako, 'yong iba, lumuwas na ng syudad. Nakahanap ng trabaho tapos hindi na bumalik." Ang sagot sa akin ng pulis habang patuloy sa pagmamaneho. "Umalis na rin 'yong iba para magsimula ng bagong buhay sa ibang bansa. Life there isn't easy. Lalo na sa mga taong tuluyan nang kinalimutan ng mga pamilya nila. Lucky are those who stayed." Malungkot na sabi nito.

"It's sad..." usal ni Apollo.

"Malungkot talaga," pagsang-ayon ng pulis bago muling tumingin sa rear-view mirror. Alam kong ako ang tiningnan nito. "Ano bang pangalan ng lolo mo? Iilan na lang ang matatandang nakatira roon. Baka kilala ko."

Hindi na ako nagdalawang-isip pa at sinabi ang pangalan ni Uncle Ferdie. "Ferdinand." Nakangiti kong sambit. "Ferdinand Alvarez."

Nang marinig 'yon, biglang inihinto ng pulis ang pagmamaneho, at gulat na gulat itong lumingon sa likuran kung nasaan kami.

"Anong kailangan niyo kay Mang Ferdie?" hindi makapaniwalang tanong niya habang titig na titig sa akin. Napakunot ang noo ko. Hindi ko alam kung bakit gano'n na lang siya magreact. Kilala niya si Uncle Ferdie?

"He already told you." Si Apollo na ang nagsalita nang hindi ako sumagot. "Bibisitahin niya ang lolo niya." Saad nito. "Is there a problem?" nagtataka pa niyang dagdag.

Nakatingin lang ako sa tila nagimbal na itsura ng lalakeng pulis. Napalunok ito habang nakatingin sa aming dalawa. "I'm afraid it's not possible..." nagtaka ako sa narinig mula sa kanya.

"Anong ibig niyong sabihin?" kunot-noo at naguguluhan kong tanong habang nakatitig sa lalake. Mababakas sa mga mata niya ang lungkot.

"Limang taon nang patay si Mang Ferdie."

***

From 2008 [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon