F2008: 18

700 71 13
                                    

Chapter 18

Conrad

Marahan akong naglalakad patungo sa male restroom ng bar. Hindi pa man ako tuluyang nakakapasok sa loob, may mga nakasalubong na akong mga lalakeng galing roon. Ang iba sa kanila ay kung makatingin ay wagas. Malamang ay nagtataka sila kung paano nakapasok ang isang teenager sa lugar na 'to. Samantalang 'yong ibang mga nakasalubong ko, sumusuray na at mukhang handa nang magtawag ng uwak. Alas otso pa lang ng gabi pero mukhang mag-uuwian na sila.

Nang makapasok sa loob ng male restroom, ang unang hinanap ng mga mata ko ay si Rad. Wala siya sa loob. 'Yon ang akala ako.

Habang nakaharap sa malaking salamin, nagulat ako nang biglang bumukas ang pinto ng isa sa mga cubicle. Lumabas mula roon ang taong hinahanap ko. Kitang-kita ko ang gulat sa mga mata niya mula sa salamin, parehong-pareho sa mga mata kong nanlalaki rin dahil sa pagkabigla.

Marahan akong humarap sa kanya. "Hi." Kahit ang weird sa pakiramdam, kinawayan ko siya. Kinawayan ko ang sarili ko.

Halata sa itsura niya ang pagkairita habang tinitingnan ako. Mula sa gulat nitong mukha, kumunot ang noo niya. At kung pwede lang siya magtransform bilang isang dragon, nangyari na.

Tumalikod ako saglit at mabilis na kinuha ang 'out of order' sign at sinabit 'yon sa pintuan ng male restroom bago ito isinara. Ayokong may maka-istorbo sa pag-uusap naming dalawa. Ni-lock ko 'yon bago muling humarap sa kanya.

"What the fuck are you doing here?!" lumapit siya sa akin nang bahagya matapos sumigaw. Napapailing na lang ako tuwing gagawin niya 'yon sa akin. Sa sarili niya. "Sinusundan mo ba ako?!"

Nakangisi ko siyang tiningnan. "Pwede ba, huwag kang sigaw nang sigaw d'yan? Ang lapit-lapit ko sa 'yo, oh." Sambit ko. "At oo, sinundan talaga kita rito. Hindi ba halata?" mukhang lalo siyang naasar nang dahil sa narinig. "T'saka, ako dapat ang nagtatanong sa 'yo kung anong ginagawa mo sa lugar na 'to. Bakit ka may kahalikang lalake kanina?"

"Anong pakealam mo?!" sumisigaw na naman siya. "Why don't you just get lost? O bumalik sa pinanggalingan mo?!" halos mabingi ako sa lakas ng boses niya na dumagundong sa magkabila kong tenga.

Napuno na ako sa kanya. Sinamaan ko siya ng tingin. "Hoy!" sigaw ko at dinuro siya na halatang nagulat sa ginawa ko. "Gusto mong malaman kung ano ang pakealam ko? Oh, heto!" malakas ko siyang tinulak dahilan para mapaatras siya. Hindi sapat 'yon para mawalan siya ng balanse dahil sa laki niya. Masama ang tingin niya sa akin na bakas pa rin ang pagkabigla sa mukha. "Ilang beses ko bang sasabihin sa 'yo na ako ay ikaw? Magkaiba lang tayo ng panahon pero ako pa rin ikaw. Ikaw pa rin ako. Naiitindihan mo? Sa madaling salita, may pakealam ako sa mga pinaggagagawa mo! "

Hindi ko alam kung tinablan siya ng mga sinabi ko pero bigla itong natahimik at napasandal sa pader habang nakatingin sa repleksyon ko sa salamin. Masama pa rin ang tingin ko sa kanya. Hinahabol ko pa rin ang hininga kong kinapos dahil sa pagsigaw at labis na emosyon. Ang weird sa pakiramdam na nag-aaway kami ng 31-year-old kong sarili ngayon. Kahit dapat magkasundo kaming dalawa at nagtutulungan sa misyong 'to. Ngayon ko lang napatunayang mahirap talagang kalaban ang sarili mo.

"I believe you..." nawala ang pagkunot ng noo ko nang marinig 'yon sa kanya. Nakatingin pa rin siya roon sa salamin. "Noong unang kita ko pa lang sa 'yo, alam kong may koneksyon na tayong dalawa. When you said what you said about Norterinos, about Uncle Ferdie and my old friends...I knew you were telling the truth. That you're me...from 2008." Kalmado niyang sabi at inilipat na ang tingin sa akin. Seryoso ang mukha nito. Nakikinig pa rin ako. "But I refused to entertain that thought. Pinili ko pa ring isipin na hindi 'yon totoo. Kasi mahirap paniwalaan, kasi imposible." Nagulat ako sa mga narinig mula sa kanya.

From 2008 [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon