Chapter 5
Conrad
"We had lost contact with Conrad since 2009."
Hindi ako makapaniwala sa narinig mula kay Thelma. Ang cellphone na nakatutok sa kanilang dalawa ni Francis ay tuluyang ibinaba ni Apollo. Hindi rin naman 'yon parte ng plano. Idinahilan lang ni Apollo na nangangalap kami ng mga video clips ng interview at pagbati mula sa mga kaibigan ng uncle kong si 'Conrad' para sa nalalapit nitong kaarawan. Lahat ng 'yon ay purong kasinungalingan.
Iyon lang ang naisip naming paraan para pagbigyan nila kaming makausap silang dalawa at malaman kung nasaan ang adult Conrad dito sa hinaharap. Pero mukhang mabibigo kaming muli.
Nagkatinginan sina Thelma at Francis. Kaharap namin silang dalawa ni Apollo rito sa mahabang table, sa loob ng opisina ng restaurant nila. Dito nila kami binigyan ng oras na makausap.
"Hindi pa man kami nakaka-graduate ng high school, Conrad ended things with us already." Saad ni Francis at tumingin sa akin. "Hindi lang sa amin ni Thelma, pati na rin sa dalawa pa naming kaibigan." Alam kong sina Gwen at Omar ang tinutukoy niya. Naguguluhan pa rin ako .
Kunot-noo ko silang tiningnan. "Bakit ko naman gagawin 'yon?" bulalas ko na ikinagulat nilang dalawa. Tinapik ni Apollo ang kamay kong nakatago sa ilalim ng table. Nakalimutan kong nagpapanggap nga pala akong pamangkin ng Conrad na kilala nila. "Ibig ko pong sabihin, bakit naman po gagawin 'yon ni Uncle Conrad? Matatalik niya po kayong mga kaibigan."
Huminga nang malalim si Thelma. Hinawakan ni Francis ang kamay niyang nakapatong sa lamesa. "It was mainly our fault." Nagulat ako sa isinagot nito. Malungkot ang mga mata niyang nakatingin sa akin. "We were teenagers. Nakagawa kami ng kasalanan sa kanya. Hindi namin akalain na iyon ang magiging dahilan kung bakit siya lalayo at hindi na muling magpapakita pa."
"Kasalanan?" bumilis ang tibok ng puso ko habang pilit na pinapakalma ang sarili mula sa emosyong dulot ng mga nalalaman sa dalawa kong kaibigan. "Pwede po bang malaman kung anong ginawa niyo kay Uncle Conrad para layuan niya kayo?" napalunok ako matapos itanong 'yon sa kanila. Hindi ko alam kung handa akong marinig ang isasagot nila.
Tila nagdadalawang-isip sumagot si Thelma kaya si Francis na ang nagsalita. "Senior ball no'n, palihim naming kinuha 'yong cellphone niya, at binasa sa harap ng maraming estudyante ang palitan nila ng text messages ng lalakeng gusto niya ng mga panahon na 'yon. Pinahiya namin siya." Halos mapanganga ako dahil sa narinig. Hindi ako makapaniwalang gagawin nila 'yon sa akin. Mga kaibigan ko sila. Paano nila nagawa 'yon? "Matagal naman na 'yon. Pinagsisihan na rin namin. Sinubukan namin siyang kausapin at humingi ng tawad sa kanya pero—"
"Ginawa niyo 'yon sa kanya?" pilit kong pinipigilang maluha. Hindi ko magawang kumurap habang nakatingin sa kanilang dalawa. Sumikip ang dibdib ko dahil sa nalaman. Hinawakan ni Apollo ang kamay ko.
Hindi sila sumagot at tila nakaramdam pareho ng hiya. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko habang kaharap sina Thelma at Francis ngayon. Gusto kong magalit. Tinuring ko silang mga kaibigan, sila nina Gwen at Omar. Bakit nila ginawa sa akin 'yon?
Hindi na ako muling nagsalita. Si Apollo na ang nagpatuloy ng pakikipag-usap sa dalawa dahil kahit gustuhin ko man, wala na akong gustong marinig mula sa kanila. Sapat na ang mga nalaman ko ngayon bilang patunay na wala silang kwentang mga kaibigan.
Hindi ko akalaing isang taon lang mula 2008, bago kami grumaduate ng high school, ipapahiya nila ako sa buong school at ibubulgar ang sikreto ng pagkatao ko. Masyadong masakit 'yon para sa akin. Hindi ko sila mapapatawad.
Hindi na nakapagtataka kung bakit pinili ng Conrad sa hinaharap na lumayo at hindi na sila kausapin kahit kailan dahil gano'n na gano'n rin ang gagawin ko.

BINABASA MO ANG
From 2008 [Completed]
RomanceSimple lang naman sana ang misyon ng 16 years old na si Conrad sa taong 2023. Hanapin ang adult Conrad, pigilan ang pagkamatay nito, at bumalik sa taong 2008. Ngunit paano kung sa pananatili niya roon, hindi lang sarili niya ang mahanap niya, kundi...