F2008: 21

739 70 0
                                    

Chapter 21

Conrad

Pareho kaming walang imik at hindi makatingin ni Apollo sa isa't isa matapos ang halik na 'yon. Ilang segundo lang naglapat ang mga labi naming dalawa pero hanggang ngayon, 'yon pakiramdam ng labi niya sa akin, nandito pa rin. Hindi pa rin ako makapaniwala sa narinig ko mula sa kanya. Hindi ako makapaniwalang hahalikan niya ako. Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya.

"I'm sorry."

Hawak ko ang labi ko habang nakatalikod pa rin kay Apollo. Nakaupo pa rin kami sa couch. "Hindi." Umiling-iling ako nang marinig na humingi siya ng pasensya dahil sa halik na 'yon. "Ako dapat ang nagso-sorry sa 'yo. Hindi dapat ako nag-overreact nang gano'n. Wala ako sa lugar." Sambit ko. Iyon naman talaga ang totoo.   "Isa pa, hindi naman dapat ako nagseselos." Napapikit ako nang mariin nang lumabas 'yon nang kusa mula sa bibig ko. Tuluyan ko nang nilaglag ang sarili ko sa kanya.

"So, nagseselos ka nga?" rinig ko ang magkahalong gulat at tuwa mula sa boses niya. "Ibig sabihin ba no'n, gusto mo 'ko? Gusto mo rin ako?" tanong niya dahilan para mapabuntong-hininga ako. Alam kong wala na rin naman akong ibang pagpipilian kundi ang umamin sa kanya.

Marahan akong humarap kay Apollo. Ngayo'y nakaharap na rin siya sa akin. May kaunting ngiti sa kanyang mukha habang tinitingnan ako. "Paano kung sabihin kung oo?" napalunok ako nang sabihin 'yon. Kinakabahan pa rin. "May gusto ako sa 'yo, Apollo." Nang marinig 'yon mula sa akin, lumawak ang ngiti sa mukha niya. Ngunit ako, hindi ko magawang salaminin 'yon. Napailing ako habang nakatiim-bagang. "Pero mali, e. Mali. Hindi tama. Hindi tama 'tong nararamdaman ko. O 'yang nararamdaman mo para sa akin." Saad ko na nagpabago ng ekspresyon sa mukha ni Apollo.

"I don't see anything wrong with what I feel about you." Makikita sa mukha niya ang pagtataka.  Hinawakan niya bigla ang kamay ko. Nakatingin ako sa kanya nang seryoso. "Conrad, I like you." Sambit niya sa pinaka-sinserong paraan.

"At gusto rin kita." Diretsahan kong sagot.   "Gustong-gusto kita, Apollo." Kahit habang sinasabi ang mga salitang 'yon sa kanya, hindi ko magawang ngumiti. "Pero masyadong mabilis. Kakakilala pa lang natin sa isa't isa. Tapos, gano'n na agad. Ganito na agad 'yong nararamdaman ko sa 'yo." Saad ko.

"So? Does it matter?" Lalong hinigpitan ni Apollo ang pagkakahawak sa kamay ko. Napayuko ako at hindi makatingin sa kanya nang diretso. "I like you and you like me. E, ano kung saglit pa lang natin nakikilala ang isa't isa? What matters is we feel the same about each other."

Umiling-iling ako bago tumingin sa kanya. "Apollo, hindi mo naiintindihan, e." 

"Then, make me understand."

Bumuntong-hininga ako bago magsalita. "Sinabi ko na sa 'yo, masyadong mabilis ang lahat ng 'to. T'saka, alam mo namang hindi ako magtatagal sa taon na 'to, 'di ba? Babalik rin ako sa 2008 kapag natapos ko na ang misyon ko rito."  Paliwanag ko sa kanya.

"Then, stay here with me." Seryosong tugon nito sa akin. "Longer."

Agad akong umiling. "Alam mong hindi 'yan posible." Hinaplos ko ang kamay niyang nakahawak sa akin at seryoso siyang tiningnan. "Kahit gustuhin ko man o hindi, magtagumpay man ako sa misyon ko na iligtas Rad o hindi, babalik at babalik ako sa kung saan ako nanggaling." Muli kong paliwanag kay Apollo.  Malungkot ang mga mata nitong nakatingin sa akin. "Isa pa, magkaiba tayo ng panahon. Maaaring oo, dito, pareho tayong teenagers. Sa kasalukuyan, kung saan ako nanggaling, hindi." Nang sabihin ko 'yon, marahan siyang tumango-tango at nag-iwas ng tingin sa akin.

"Right..." Umiiling niyang sabi. "I forgot I was just a 2-year-old from the year you were from. Ikaw, 16 pa rin. At kahit dito sa hinaharap, hindi pa rin pwede dahil 31 ka na." Hindi pa rin siya tumitingin sa akin habang sinasabi 'yon. Bakas ang pagkadismaya at lungkot sa itsura at boses niya. "Hinding-hindi tayo magtatagpo. Sa edad, sa lugar, at panahon."

Dalawang kamay ni Apollo ang hinawakan ko. Naluluha ko siyang tiningnan. "I'm sorry..." Humarap siya sa akin na naluluha na rin ngayon.   "Sa totoo lang, hindi ko inaasahang mahulog sa 'yo nang sobra, nang ganito kabilis. Kahit panahon na 'yong nagsasabi na hindi posible 'tong nararamdaman ko, masaya pa rin akong ikaw 'yong dahilan nito." Pinipigilan kong maiyak nang tuluyan. Hindi ko inalis ang mga mata ko kay Apollo. Gano'n rin ang mga kamay kong pinipisil ang kanya. "Alam mo kung gaano kalaki ang utang na loob ko sa 'yo sa lahat ng tulong mo sa akin mula umpisa, 'di ba? Nagpapasalamat ako roon, Apollo." Sinubukan kong ngumiti sa kabila ng pagiging emosyunal.

Umiling siya at ngumiti sa akin nang pilit. "No. You don't have to thank me for that." Hinawakan niya ang mukha ko at pinunasan ang luhang hindi pa tumutulo mula sa mga mata ko. "I helped you because I wanted to. And maybe you were right, maybe I was too lonely before you came, that's why I was too invested in all of this. In you. Kaya ko nararamdaman 'to." Nang marinig na sabihin 'yon ni Apollo, nakaramdam ako ng lungkot. Alam kong hindi madali sa kanya ang lahat ng 'to.  "But yeah, katulad ng sinabi mo, kahit hindi posible 'tong nararamdaman natin para sa isa't isa...masaya pa rin akong maramdaman 'to sa 'yo." Saad niya at hindi ko na na napigilan ang sarili ko na yakapin siya.

"I'm so sorry..." sambit ko habang yakap siya nang mahigpit. Tuluyan na akong naiyak. Alam kong gano'n rin si Apollo.

"You shouldn't be." Sagot niya. "And I understand."

Kumalas kaming dalawa sa yakap na 'yon at parehong may luha sa mga matang nakatingin sa isa't isa. Pareho naming pinalis ang mga 'yon. Sinubukan kong ngumiti kahit sa loob ko ay nalulungkot ako habang tinitingnan ko si Apollo.

"Salamat." Saad ko na tinanguan niya nang nakangiti.

Hinawakan niyang muli ang kamay ko. "Now, what's your final plan?" tanong niya sa akin habang hinahaplos 'yon.

Huminga ako nang malalim. "Hindi naging maayos 'yong pag-uusap naming dalawa kagabi sa bar." Pagsasabi ko ng totoo. "Bukas nakatakdang sumakay ng eroplano si Rad papuntang Hawaii. Bukas na rin 'yong nakatakdang araw ng aksidente niya. Kailangan ko siyang makausap sa huling pagkakataon."  Seryoso kong sambit kay Apollo. "Kailangan ko siyang kumbinsihin na huwag ituloy 'yon. Pagkatapos no'n, doon pa lang matatapos ang misyon ko rito sa hinaharap." Dagdag ko pa.

Tumango-tango si Apollo at nakangiting tumayo. "Gano'n pala, e. Ano pang hinihintay natin dito? Let's go!"  Hinila nito ang kamay ko.

Kahit dama pa rin ang bigat ng loob, nakangiti akong tumayo na at hinawakan rin ang kamay ni Apollo.

Alam kong hindi siya okay. Hindi kami okay pareho. Pareho kaming malungkot at pareho kaming walang choice kundi ang tanggapin kung hanggang saan lang ang mararating ng nararamdaman namin sa isa't isa. Pero alam kong magiging okay din kaming dalawa. Ang mahalaga naman, magkasama pa rin kami sa huling pagkakataon, bago matapos ang misyon ko rito sa hinaharap. Sa ngayon, 'yon muna ang gusto kong isipin. Ang misyon na dahilan kung bakit ako nandito. Ang pigilan ang pagkamatay ko rito sa hinaharap.

***

From 2008 [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon