F2008: 07

1K 87 7
                                        

Chapter 7

Conrad

June 3, 2023

"Oh."

Napatingin ako sa kamay ni Apollo sa harap ko. May hawak siyang can ng beer. Ibinibigay niya 'yon sa akin. Nagtataka kong inilipat ang mga mata ko mula roon papunta sa nakangiti niyang mukha.

"Lilinawin ko lang, ah? 'Yong Conrad sa taon na 'to ang trenta'y uno anyos na, hindi ako." Sambit ko sa kanya dahilan para matawa ito. Napansin kong nagbukas rin pala siya ng kanya. Kasalukuyan niya 'yong iniinom. "Seryoso ka ba? Umiinom ka ng alak?"

"What's wrong with drinking beer at 17? We're young, wild, and free." Napailing ako sa narinig mula sa kanya. Saan naman kaya niya napulot ang mga katagang 'yon?

Ngumisi siya at umupo sa tabi ko. Ang can ng beer na hindi ko tinanggap ay ipinatong niya lang sa aking tabi. Lumagok muna siyang muli sa hawak na lata bago tumingin sa akin.

Nasa plaza kami ngayong gabi. Nakaupo sa isa sa mga benches na naririto. Ito na ang pangatlong gabi ko rito simula nang iluwa ako ng maliit na pulang kahon, labinlimang taon mula sa taong 2008. Pangatlong gabi na pero ang kalagayan ng paghahanap namin sa Conrad ng taon na 'to, gano'n pa rin. Wala pa ring usad.

Simula nang makita ko si Brielle sa mall kahapon at marinig ang mga sinabi nito, naapektuhan ako no'n nang sobra. Hindi rin ako umalis ng apartment ni Apollo kanina at nanatili lang doon buong maghapon. Ngayong gabi lang talaga ako lumabas nang ayain niya ako rito sa plaza para magpahangin. Hindi ko naman alam na kasama pala sa plano niya ang uminom ng alak.

"Sigurado ka, ayaw mo talaga?" panunukso ni Apollo habang itinuturo ang nakalapag na can ng beer sa tabi ko. "Wala namang magagalit. Wala rito ang mga magulang mo. Hindi ka rin naman malalasing sa iisang lata lang ng beer." Tumawa ito at lumagok ng kanya.

Napatitig ako sa can ng beer. Sa totoo lang, hindi pa ako nakakatikim ng alak sa buong buhay ko. Bukod sa mahigpit ang mga magulang ko, hindi rin naman umiinom ang mga kaibigan ko...na ngayon ay hindi ko na mga kaibigan.

"I know you want it too," pang-aasar ni Apollo sa akin. Patuloy lang siya sa pag-inom ng kanya. "Baka nga 'yong Conrad sa taon na 'to, alcoholic e." Natatawa niyang sabi.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Para sabihin ko sa 'yo, Apollo, kahit kailan ay hindi ako nahilig uminom ng alak!" tugon ko sa kanya.

Tumatawa itong tumingin sa akin. "Tell that to your 31-year-old self." Napairap ako sa kanya. "You never experienced being drunk?" ang bigla nitong tanong sa akin.

Umiling ako sa kanya. "Hindi."

"But you want to know what it feels like?" pabalik niyang tanong sa akin dahilan para mapaisip ako.

Kapag nakakakita ako ng lasing, napapaisip rin ako kung anong nararamdaman nila. Kapag umiinom sila, paano sila nalalasing? Higit sa lahat, gusto ko rin malaman kung masarap 'yon sa pakiramdam. Hindi ang alak dahil alam kong mapait ang lasa no'n, kundi ang pakiramdam na malasing.

Ang sabi kasi ng matatanda, umiinom raw ng alak ang isang tao kapag may problema sila at gusto nilang makalimot. Pero bakit kapag lasing ang isang tao, parang lalo lang niyang naaalala ang mga problema niya? Lalo lang siyang naiiyak.

"Tititigan mo lang ba 'yan?" nagbalik ako sa reyalidad nang muling magsalita si Apollo. "Ano, gusto mo bang malaman kung anong pakiramdam ng malasing o hindi?" nakatawa niyang tanong.

Kinuha ko ang can ng beer. "Kapag ba ininom ko 'to, malalasing na ako? Hindi naman, 'di ba?" sagot ko sa kanya. "Kaya hindi ko rin malalaman." Natawa siya sa sinabi ko.

From 2008 [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon