Chapter 25 (Final Chapter)
Conrad
June 7, 2023
Ang good news, hindi itinuloy ni Rad ang pagsakay ng eroplano papuntang Hawaii, which means hindi siya mamamatay sa edad na 31. Ang ibig sabihin lang no'n, nagtagumpay ako sa misyon ko, at mabubuhay ako nang lagpas sa kalendaryo sa hinaharap.
Ang sad news, ito na ang huling araw ko sa taon na 'to dahil babalik na ako sa taong 2008, which means babalik na ako sa kasalukuyan. Ang ibig sabihin lang no'n, hindi ko na makikita pa si Apollo, at mabubuhay akong wala siya sa tabi ko sa loob ng fifteen years...or more.
"Make better choices," sambit ni Rad at ginulo ang buhok ko. Hindi pa rin ito marunong ngumiti ngunit sisiguraduhin kong matututo na siya kapag bumalik ako sa taon na 'to after fifteen years. "Thanks for saving us."
Napangiti ako nang marinig 'yon sa kanya. Kasalukuyan akong nandito ngayon sa loob ng kanyang opisina. Nandito rin si Jean sa loob habang emosyunal na nakikinig sa aming dalawa. Ito na ang huling beses na makikita ko sila sa katauhan ng 16-year-old na Conrad kaya naisip kong dumaan muna para magpaalam.
"Ako na ang bahala sa lahat." Nakangiti kong sabi na nakapagpangiti kay Rad. Alam kong alam na niya ang ibig kong sabihin. "Paano? Aalis na ako."
"Take care, Corby!" niyakap ako ni Jean sa huling pagkakataon. Habang nakaharap kay Rad, pareho kaming nakatawa sa isa't isa. Kung alam niya lang na ako at si Rad ay iisa. "Sana magkita pa ulit tayong dalawa." Saad niya nang kumalas sa yakap.
Nakangiti ko siyang tiningnan. "Magkikita pa rin tayo, Jean." Sabi ko sa kanya't tiningnan si Rad. "Palagi tayong magkikita."
Matapos 'yon, nagpasya na akong maglakad sa pinto ng opisina ni Rad, ngunit bago pa ako makalabas, tinawag ako nitong muli.
"You like that kid that much, don't you?" tanong ni Rad ng may mapang-asar na ngiti. Hindi ako sumagot bagkus ay napangiti na lang sa kanya. "I hope you'll meet each other again." Ngumiti si Rad nang sabihin niya 'yon.
Isang ngiti lang ang binigay ko sa kanya bago tuluyang lumabas ng kanyang opisina. Lumabas na ako ng building, sumakay ng taxi, at nagpahatid sa napag-usapang lugar kung saan kami magkikita ni Apollo.
Habang nasa biyahe, hindi pa rin mawala ang ngiti sa aking mukha. Hindi na ako makapaghintay na makita si Apollo. Malamang, naiinip na 'yon sa akin dahil medyo nagtagal ako sa opisina ni Rad. Ang usapan kasi namin ay magkikita kami ng alas tres ng hapon pero alas cuatro na ngayon. Hindi naman siya sumama dahil gusto niyang gamitin ko ang oras na 'yon para kausapin nang solo at personal si Rad. Isa pa, may surpresa raw siya sa akin bago ako tuluyang umalis. Ano naman kaya ang pakulo ng lalake na 'yon?
Nakasilip ako sa bintana at pinanuod ang bawat kong madadaan rito sa syudad. Sinusulit ko na dahil kapag bumalik na ako sa kasalukuyan, magda-downgrade na ulit lahat 'to. Wala ng mga makabagong bagay at balik na ulit ako sa Nokia 5320 ko. Hindi ko maiwasang balikan lahat ng mga nangyari nitong mga nakaraang araw. Isang linggo lang akong nanatili rito sa hinaharap pero parang isang buong taon ang pakiramdam no'n.
Marami akong pinagdaanan rito sa hinaharap. Marami akong natuklasan at natutunan. Marami rin akong nakilala. Karamihan sa kanila, nakilala ko ulit sa pangalawang pagkakataon. Higit sa lahat, mas nakilala ko ang sarili ko, sa katauhan ni Rad. Lahat ng 'yon, babaunin ko sa kasalukuyan, at hinding-hindi ko makakalimutan.
"Nandito na po tayo, sir."
Nang sabihin 'yon ng driver pagkatapos ng labinlimang minutong biyahe, nagbayad na ako't bumaba ng taxi.
Iginala ko agad ang mga mata ko sa paligid. Sa tapat ng kalsada kung saan ako binaba ng taxi, may tila abandonadong amusement park. Sa harap ko naman, may daan papunta sa dalampasigan. Hindi naman sinabi ni Apollo kung nasaan siya sa dalawa kaya sinunod ko na lang 'yong gut feeling ko. Sa may dalampasigan.
BINABASA MO ANG
From 2008 [Completed]
RomanceSimple lang naman sana ang misyon ng 16 years old na si Conrad sa taong 2023. Hanapin ang adult Conrad, pigilan ang pagkamatay nito, at bumalik sa taong 2008. Ngunit paano kung sa pananatili niya roon, hindi lang sarili niya ang mahanap niya, kundi...