Chapter 24
Conrad
"Ano?!"
Muntik ko nang mabitawan ang cellphone ni Apollo nang marinig ang sinabi ni Jean mula sa kabilang linya.
"Hindi ba bukas pa ang pagsakay niya ng eroplano papuntang Hawaii?" nagtatakang tanong ko kay Jean at nag-aalalang binalingan si Apollo. Nakikinig ito. "Alas siete pa lang ng gabi ngayon."
"Supposedly, yes, but he changed his mind and booked an earlier flight." Nanginig ang tuhod ko sa narinig mula kay Jean. "Ang sabi niya, he needs to arrive in Hawaii by morning because the conference is happening at noon. I tried calling him, but it seems his phone's off."
Hindi na namin naabutan si Rad sa opisina niya dahil bago pa man kami makapasok sa loob ng building, hinarang na kami ng lady guard at sinabing wala na siya roon. Nang tawagan naman namin si Jean para itanong kung saan makikita si Rad, hindi ako makapaniwala nang sabihin niyang nasa airport na ito, isang oras na ang nakalilipas, para ituloy ang pagsakay ng eroplano papuntang Hawaii.
Bumuntong-hininga ako. "Jean, anong oras ang flight niya?" tanong ko sa kanya. "Posible kayang mahabol pa namin siya?"
"He'll be on board by 8." Lalo akong nagulat at nataranta nang marinig na sabihin 'yon ni Jean. Gano'n rin ang katabi kong si Apollo. "If you want to see him off, you better go now. Thirty minutes ang travel time papunta sa airport, plus the traffic!" saad nito.
"Salamat, Jean!"
Hindi na kami nagsayang ng oras pa ni Apollo at mabilis na sumakay ng taxi mula sa Triple Horizon patungong airport. Kung totoo ang sinabi ni Jean na 8 p.m. ang flight ni Rad, wala na kaming oras at kailangan na naming magmadali para maabutan siya roon. Nakakaramdam na ako ng kaba. Hindi ko alam kung aabot pa kami. Hindi ko alam kung aabutan pa namin si Rad bago siya sumakay ng eroplano.
Hinawakan ni Apollo ang kamay ko habang nakaupo kami sa backseat ng taxi. Nanginginig ito. "We'll get there on time." Nakangiting sabi niya at hindi binitawan 'yon. Alam kong pinapalakas niya lang ang loob ko pero hindi ko pa rin maiwasang kabahan. Paano kung hindi?
"Kasalanan ko 'to, e. Kung nagmadali lang sana ako kanina. Sana naabutan ko pa siya sa opisina niya." Naiiling kong sabi. "Kung hindi ko na sana pinatagal pa ang pagdidesisyon, 'di sana natin siya hinahabol sa airport ngayon." Inis ko pang dagdag.
Magmula kasi nang mag-usap kami ni Apollo kanina sa apartment, napaisip ako nang sobra. Napaisip ako kung dapat bang sukuan ko na lang ang sarili ko o sumubok pa rin kahit walang kasiguraduhan. Si Apollo ang dahilan kung bakit binigyan kong muli ng chance ang sarili ko para ituloy ang misyon ko rito sa hinaharap. Ang iligtas si Rad at isalba ang hinaharap ko. Ayokong may pagsisihan sa huli kaya nang mabuo ang desisyon kong kausapin ulit si Rad sa huling pagkakataon at pigilan itong umalis, pakiramdam ko ay nahuli na ako.
"It's not your fault. Stop beating yourself up." Tiningnan ako ni Apollo. Nakangiti pa rin ito. "Naniniwala akong maaabutan natin siya roon."
Tiningnan ko siya nang may pag-aalala sa aking mukha. "Paano kung hindi na talaga, Apollo?" tanong ko. "Kung eto na talaga 'yon? Kung hindi ko na talaga mapipigilan kung anong mangyayari?"
Tinitigan ako ni Apollo nang ilang segundo. Hindi nawala ang ngiti sa mukha niya. Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kamay ko. Hinalikan niya 'yon.
Seryoso niya akong tiningnan. "E 'di sasama ako sa 'yo pagbalik mo sa 2008. I'll spend fifteen years with you." Nang marinig 'yon mula kay Apollo, gusto kong maluha dahil kung posible 'yon, gagawin ko. "And if that's not possible, I'll wait for you, instead. Until you get here, to this year, again." Saad niya't pinisil ang pisngi ko. "Kahit pa magbago ang ikot ng tadhana sa pagbalik mo roon, alam kong magkikita pa rin tayo."
BINABASA MO ANG
From 2008 [Completed]
Roman d'amourSimple lang naman sana ang misyon ng 16 years old na si Conrad sa taong 2023. Hanapin ang adult Conrad, pigilan ang pagkamatay nito, at bumalik sa taong 2008. Ngunit paano kung sa pananatili niya roon, hindi lang sarili niya ang mahanap niya, kundi...