F2008: 10

736 68 6
                                    

Chapter 10

Conrad

Nandito kami ngayon sa isang talyer. Kasalukuyang nakikipag-usap ngayon si Apollo sa isang lalakeng mas matanda sa kanya. Mukhang 'yon ang may-ari nitong lugar. Nirekomenda raw ito ng isa niyang kaklase dahil nagpapahiram ito ng mga kotse at motor. Ang mahihiram namin na sasakyan ang gagamitin patungong Norterinos. At sa nakikita ng mga mata ko mula rito sa waiting area kung saan ako nakaupo, hindi 'yon libre.

"Bilangin mo para makasigurado ka," rinig kong sabi ni Apollo sa lalakeng walang pang-itaas matapos niyang iabot roon ang perang galing sa wallet niya. Binilang naman agad ito ng lalake. "Ano, okay na ba 'yan?"

"Ilang araw mo gagamitin?"

"Just for a day," tugon ni Apollo. "Bukas ng gabi ko ibabalik."

Tiningnan siya ng lalake na tila hindi kontento sa hawak na pera. "Dagdagan mo 'to ng dalawang libo tapos pwede mo nang dalhin," saad nito at tinuro ang hindi naman kagandahang asul na kotse na nakaparada sa gilid. "Bihira ko lang magamit 'yan. Kapag espesyal na okasyon lang."

Maging ako ay napataas ng kilay dahil mukhang nagsisinungaling ang lalake. E, mukhang mas matanda pa ang kotse na 'yon kaysa sa kanya. Okay lang ba siya?

"Are you serious? It certainly looks all rusty to me." Narinig kong sabi ni Apollo. "But fine. Kung 'di lang ako nagmamadali, 'di na sana ako hihiram ng sasakyan. Wala lang kaming choice." Kumuha muli si Apollo ng pera mula sa wallet niya at ibinigay sa lalakeng mukhang manggagantso.

Habang nasa gano'ng anggulo, napatingin ako sa dalawang lalakeng nasa gilid na kanina pang nanunuod habang nag-uusap sila. Mga customer sila ng talyer. Napansin kong panay ang sulyap nila kay Apollo at sa bawat paglabas nito ng pera. Nagtitinginan ang dalawa na tila ba nangungusap sa isa't isa. Nang tapunan ako ng tingin ng isa, kunot-noo ko siyang tiningnan bago tumayo at lumapit kay Apollo.

"Dami pang sinasabi, magbibigay rin pala..." rinig kong bulong ng lalakeng kausap niya habang papalapit ako. "Oh, heto. Ingatan mo 'yan, ha." Inabot niya ang susi kay Apollo at tumalikod na.

Hinabol ko ng tingin ang lalakeng naglalakad palayo bago balingan ng tingin si Apollo. Ngumiti ito nang makita ako.

"Let's go?"

Marahan akong tumango at sinundan siya patungo sa kinakalawang na kotse. "Sigurado ka bang gumagana pa 'to?" duda kong tanong habang binubuksan ang pintuan sa unahan.

Natawa si Apollo sa akin. "I don't know." Binuksan niya ang pintuan ng driver's seat. "Pero kailangan nating subukan. It's worth seven thousand pesos, so it should at least get us to your uncle's farm." Ngumiti siya at pumasok sa roon.

Bago ako pumasok sa loob ng kotse, sinulyapan kong muli ang dalawang lalakeng nakatingin sa direksyon namin. Tinapunan ko sila ng mapagdudang tingin. Anong tinitingin-tingin ng mga 'yon?

Isinara ko na ang pinto nang makapasok sa loob. Tiningnan ko si Apollo na abala sa pagpapaandar ng kotse. "Marunong ka palang magmaneho?" mangha kong tanong habang kinakabit ang seat belt. Sinimulan na rin nitong paandarin 'yon paalis ng talyer.

Ngumiti siya habang nakatutok sa daan at nakahawak sa manibela. "I was 15 when my dad taught me how to drive." Tiningnan niya ako. "Ikaw ba, hindi?" tanong niya na agad kong inilingan bilang tugon.

Nag-aalala ko siyang tiningnan. "Pareho tayong menor de edad at wala kang lisensya. Paano kung bigla tayong mahuli sa daan?"

Umiling si Apollo bago ako tingnan. "Relax, Conrad. Nakausap ko 'yong lalake kanina. Binigyan niya ako ng alternative route kung saan walang police checkpoint." Inabot niya ang balikat ko at tinapik-tapik 'yon. "You have nothing to worry about. We're safe, okay?"

From 2008 [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon