F2008: 20

715 70 6
                                    

Chapter 20

Conrad

June 6, 2023

Ibinaba ako ng driver ni Jean sa tapat ng eskinita namin. Kahit hindi pa sumisikat ang araw, nagpahatid na ako. Huling araw na kasi 'to para makumbinsi ko si Rad na huwag sumakay ng eroplano papuntang Hawaii. Bukas na ang nakatakda niyang pagsakay at ang sinabi ng matandang lalake na araw kung kailan siya maaaksidente at mamamatay. Kung kailan ako mamamatay. In short, wala na akong oras.

Buo pa rin sa loob ko na tapusin ang misyon na 'to dahil ayoko pang mamatay sa gano'ng edad. Kaya kahit hindi kami okay ni Rad, na ang weird pakinggan, kailangan ko pa rin siyang kumbinsihin sa huling pagkakataon. Umaaasa akong pakikinggan niya ako at mapipigilan ko siya ngayong araw.

Sa pananatili ko sa bahay ni Jean kagabi, marami akong nalaman tungkol kay Rad, at sa mga pinagdaanan nito. Kahit papaano, naiintindihan ko na siya ngayon. Kung bakit gano'n siya katigas at kung bakit naging gano'n kagaspang ang ugali niya. Akumulasyon 'yon ng lahat ng sakit na naramdaman at pinagdaanan niya sa loob ng labinlimang taon.

Mga sampung minuto rin siguro akong nakaupo lang sa may waiting shed sa labas ng eskinita namin bago ko maisipang tumayo na at pakilusin ang mga paa ko papunta sa apartment ni Apollo.

Aaminin ko, may parte sa loob kong hindi pa rin siya handang harapin dahil sa nakita ko kagabi sa bar. Hindi mawala sa isip ko ang imahe ng pakikipaghalikan niya sa isang babae kagabi. Naiinis ako kapag naaalala 'yon. Wala lang rin akong choice kundi ang bumalik roon at magpanggap na parang walang nangyari. Tama. 'Yon na lang ang gagawin ko.

Sa pintuan pa lang ng apartment niya, nakabungad na agad roon si Apollo, nakasimangot habang nakaabang sa pagdating ko.

"Hi." Binigyan ko siya ng isang pekeng ngiti bago pumasok sa loob at nilagpasan siya.

Humarap ito sa akin na seryoso ang tingin. "Hi? Buong gabi kang nawala tapos 'hi'?" kunot-noo nitong sabi habang umiiling. Hindi ko siya pinansin at umupo na lang sa couch. Sinundan ako nito. "Do you have any idea how worried I was about you? Kung saan-saan kita hinanap kagabi. What if something happened to you?" halata sa boses niya ang pag-aalala at pagkairita.

Ngumiti ako sa kanya. "Wala namang nangyari sa aking masama kaya kumalma ka d'yan, okay?" sagot ko. "T'saka, galing ako sa bahay ni Jean. Doon sa ka-opisina ni Rad kahapon. Naaalala mo siya? Pinatuloy niya ako roon kagabi." Masaya ko pang dagdag.

Parang lalong sumama ang tingin sa akin ni Apollo. "You left me at the bar." Sandali siyang huminto at umiling. "Nakita kitang tumatakbo palabas. You didn't even wait for me. Ilang beses kitang tinawag!" inis na sabi niya.

Iniwas ko ang mga mata ko sa kanya. "Nakita rin kita habang may kahalikan kang babae sa bar." Seryosong sambit ko. "Ayokong abalahin ka pa kaya umalis na ako." Sarkastiko kong dagdag. "Nakakahiya naman kasi sa 'yo."

Narinig kong bigla siyang napatawa. "Oh, God." Nang tingnan ko siya ay napahilamos ito sa kanyang mukha. Natatawa pa rin sa akin. "I knew it! You saw me with that girl." Napapailing ito habang tinitingnan ako. "Kaya ka tumakbo palabas ng bar at iniwan ako roon? Kaya hindi ka bumalik rito sa apartment kagabi? 'Yon ba?"

Inis ko siyang tiningnan. "Una sa lahat, walang nakakatawa roon. Pangalawa, oo, 'yon ang dahilan. At pangatlo, e ano naman?" tumayo ako at naglakad papunta sa kusina. Sinundan ako ni Apollo.

"Conrad, you got it wrong!" sabi niya ngunit hindi ko siya pinansin. Kumuha ako ng tubig mula sa ref at uminom. "That girl? That very drunk girl? She kissed me! I didn't kiss her. Siya ang humalik at hindi ako-"

"Pero nagustuhan mo? Gustong-gusto mo naman?" pagputol ko sa kanya. Umiling ako. "Bakit ba ako nagtatanong, e halata naman sa itsura mo kagabi." Tinalikuran ko siya.

"Oh, come on, Conrad!" rinig kong natatawa pa rin ito. Bumalik ako sa sala. Sinundan pa rin ako ni Apollo. "I'm telling the truth." Sambit niya pa pero napailing na lang ako bago umupong muli sa couch. "Lumapit ang lasing na babaeng 'yon sa akin habang hinahanap kita, bigla niya akong hinalikan, at saktong 'yon ang nakita mo. But I pushed her immediately. Hindi ko 'yon nagustuhan like what you're insisting." Umiling-iling ito habang nasa harap ko.

"Wow! Ang galing. Ang galing-galing mo gumawa ng kwento. Pwede ka nang maging writer." Inirapan ko lang siya. "T'saka bakit ka ba nagpapaliwanag sa akin? Hindi naman ako humihingi ng paliwanag sa 'yo."

"I don't know. Bakit nga ba ako nagpapaliwanag sa 'yo?" seryosong tanong nito. "Kung tutuusin, I don't need to explain anything to you. Malinis ang konsensya ko."

"Tama. Wala ka naman dapat ipaliwanag sa akin kung malinis ang konsensya mo. Maliban na lang kung guilty ka." Naiiling kong tugon sa kanya. Napailing siya nang marinig 'yon. "Guilty ka kasi totoo." Ngumisi ako.

"I'm just defending myself for heaven's sake!" Seryosong tugon niya. "From your baseless accusations!"

"Baseless ba 'yon?" napailing ako habang kaharap siya. "E, kitang-kita ko nga kagabi 'yong nangyari e. Nakikipaghalikan ka sa babaeng 'yon. Nakita ko kung paano mo in-entertain 'yong sinasabi mong lasing na babae na lumapit sa 'yo at hinalikan ka. Nakita ko rin kung paano mo siya halikan pabalik. Baseless pa rin?" napairap ako. Natahimik siya at hindi nagsalita sa loob ng ilang segundo.

"You're jealous." Ang nasabi niya bigla habang nakatulala sa akin. Umiling-iling ito. "Nagkakaganyan ka kasi nagseselos ka."

Nagulat ako sa sinabi niya. "Ha? Ako, magseselos? 'Yan ang baseless!" umiwas ako ng tingin sa kanya. "Bakit naman ako magseselos? Hindi naman tayo. Hindi kita boyfriend. Hindi mo ako boyfriend. Kaya walang selos-selos dito, 'no." Hindi pa rin ako tumitingin sa kanya. "Selos-selos ka d'yan." Bulong ko.

Naramdaman kong gumalaw ang couch nang umupo siya sa tabi ko. Hindi ko siya pinansin. "Conrad, look at me." Hindi ko siya sinunod. Hinawakan niya ang mukha ko para ibaling 'yon sa harap niya. Pilit ko siyang tiningnan. Nakasimangot ako habang siya, seryosong nakatitig sa akin. "May gusto ka ba sa 'kin?"

Natameme ako bigla habang nakatingin sa kanya. Parang tambol sa lakas ang bawat tibok ng puso ko ngayon dahil sa binitawan niyang tanong. Hindi ko alam kung paano ko 'yon sasagutin o kung dapat ko ba 'yong sagutin. Kung dapat ko bang sabihin ang totoo o dapat bang magsinungaling ako. Hindi ko alam ng sasabihin ko sa kanya.

Napalunok ako at nag-iwas ng tingin. "Hindi ko alam," pilit kong sagot. "Hindi naman na mahalaga 'yon dahil hindi naman na ako magtatagal sa taon na 'to." Malungkot kong dagdag. "Isang araw na lang ang mayroon ako para pigilan si Rad sa pagsakay sa eroplano. Kapag natapos ang lahat ng 'to, babalik rin ako sa 2008. Hindi na ulit tayo magkikita pa." Nanatili akong hindi nakatingin sa kanya.

"Hey," hinawakan niyang muli ang mukha ko at pilit na hinarap sa kanya. "Tinatanong lang kita kung gusto mo ako. 'Yon lang." Sambit niya habang tinitingnan ako sa mga mata ko. "Kasi ikaw...gusto kita." Tumingin siya sa mga labi ko at hindi ko pa man napo-proseso ang pagkabigla dahil sa narinig mula sa kanya, hinalikan na niya ako.

***

From 2008 [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon