Maaga akong nagising para maka pag ayos nang sarili at maka pag jogging konti pampa gising nang katawan lang para ganado mamaya sa training.
"Good morning land of the morning calm." Sabi ko nang matapos akong mag jogging at naka tingin sa magandang tanawin.
Ang ganda talaga dito sa lugar kung saan ako ngayon. Andito nga pala ako sa Bongnaesan, Busan. Laking tuwa ko nang marinig na sa Busan located ang factory nang hire sakin. Isa to sa lugar na nasa bucket list ko at gustong gusto kong ma puntahan.
Dati pa talaga ay nature ang takbuhan ko kapag di ko na kinakaya ang mga problema. Kumakalma ako kapag nakakakita nang magagandang tanawin at nakakalanghap nang sariwang hangin. Tahimik at hindi magulo ang paligid.
May isang oras pa akong bakante bago mag simula ang training ko. Dumaan muna ako sa 7/11 para maka bili nang umagahan at kumain na lang din bago dumiretso sa tinutuluyan ko. Naligo at nag handa na kalahating oras na lang aantayin ko.
"Good morning Maya. Ang aga mo atang nagising kanina?" Si mr. Cho nang magka sabay kami papuntang training room.
"Ah opo sir inagahan ko talaga kasi para makapag jogging pa ako pampa gising lang po nang katawan para di maging malamya mamaya sa training" sabay ngiti ko sa kanya.
"Thats good to hear. Tara na at mag sisimula na tayo, na handa ko naman na ang mga gagamitin natin sa training kahapon pa."
"Sige po." Sagot ko sa kanya
Pumasok na kami sa training room at andun na din ang iba kong mga kasama. Pito kaming mag ttraining ngayong araw. Kasabay ko lang din silang dumating kahapon.
"Good morning everyone. Today ay mag sstart na tayo sa inyong training. Titignan ko lang naman kung gano kayo kabilis sa trabaho at kung quality pa rin ang inyong gawang product." Sabi ni mr. Cho sa amin.
"Good morning mr. Cho" sabay naming sabi nang mga kasamahan ko at nakinig na sa instructions ni mr. Cho.
Gaya nang sinabi ni mr. Cho ay tinignan nyankung gano kami kabilis gumalaw sa harap nang conveyor at kung quality pa rin ba ang gawa naming products.
Saksakan at switch pala ang products nang company na pag tatrabahuan namin. Kaya sinabi ni mr. Cho na dapat ay quality ang aming gawa sa product kasi prone din ito sa sunog kapag nag kataong hindi quality ang gawa namin kaya nga dumadaan kaming mga trabahador nang kumpanya sa isang lingong training para maturuan nang maayos bago sumalang sa factory.
Lunch time at sabay-sabay kaming kumain sa canteen. Doon na din kami nag pakilala sa isa't isa nang mga kasamahan ko. Tingin ko naman ay mababait sila.
"Hi, anong name mo? Ako nga pala si Ena taga Masbate ako sa Pilipinas." Panimulang pakilala niya.
"Hello, I'm Maya taga Cebu naman ako."
"Uyy bisaya ka din magkakasundo tayo. Hihi" pakinig kong sabi ni Ena.
"Kayo mga ante anong name niyong lima?" Dagdag niyang sabi at bumaling sa lima pa naming kasamahan.
"Joyce taga Rizal naman ako. Nice to meet you."
"Beka na lang itawag niyo sa akin at yun naman din ang palayaw ko. Bakla ako at mukhang ako lang ata ang bading sa grupo na to sana magka sundo tayo."
"George short for Georgina. Nice to meet you all."
"Miki at your service."
"Mina. Nice to meet you."
"Ola. My name isa Layla. Nice to meet you"
Pagpapakilala nilang lahat. Mukhang mapapasabak kami sa english'an dito kay Layla ah. Pero di pa naman sure kung may lahi talaga o ano ba.
"Ah Layla are you a foregner?" Curious na tanong ni Beka. At dahil likas sa mga bakla ang mapang usisa ay siya din ang nanguna sa pag tatanong.
"Ay hindi. Hahaha. Purong pinay ako. Ma iba lang ang pambungad ba. Hahaha."
"Ayy ang babaitang to akala ko pa naman ma uubos na ang naka tagong english ko sayo." Sabay tawa ni Beka at na tawa na lang din kaming lahat. Nakakahawa kasi tawa ni Layla at Beka.
Naka balik na kami sa training room at ginugol ang mga natitirang oras sa pag ttraining hanggang sa matapos kami sa araw na to. Masaya kami at simula pa lang ay panay na ang sabi ni mr. Cho sa amin na sa lahat nang batch na nag training ang among grupo ang mas madaling turuan di daw sya nahirapan.
Lahat kami ay may backround na sa factory kaya hindi na namin problema ang galawan at konting training lang sa pag assemble nang product ay pwede na.
Natapos ang dinner namin na masaya at nag kwentuhan lang habang kumakain. Nasa kwarto na ako ngayon at nag hahanda na para mag pahinga. Di naman ako pagod kaya nag scroll lang sa socmed at nang wala naman nakakainteres ay natulog na lang din ako at maaga ulit ang gising ko bukas.
YOU ARE READING
I FELL FIRST BUT SHE FELL HARDER
RomanceSi Maya, isang babaeng maraming pangarap sa buhay. Nag ibang bansa para maka tulong sa pamilya at maka pag ipon para sa pansariling pangangailangan. Isa din syang WOLPERS fan nang WOLF FLO dance crew. One of her dreams is makita sa personal ang kan...