PART 21

351 4 0
                                    

MAYA'S POV:

Nagising akong hindi na sa lapag naka higa. Wala na rin si Chocol. *Nilipat niya ba ako? Bat di ako na gising?* *Na buhat niya ako? Amazing* AHAHA



Tinignan ko muna ang aking relo kung anong oras na. Maaga pa naman. Sigurado akong tulog pa yung mga kasama ko lalo na ngayon na walang trabaho. Gustohin ko mang matulog ulit ay hindi ko na magawa kaya bumangon na lang ako at nag hilamos.



Lumabas ako nang kwarto at nag pa linga-linga. Tama nga ako at mga tulog pa silang lahat. Dumiretso ako sa labas na dala ang aking wallet at phone. Pupunta ako nang 7/11 para mag hanap nang makakain.



Habang namimili ay na isipan kong tumambay sa park na pinuntahan namin George kagabi. Dun na lang ako kakain din. Kape at tinapay lang naman ang binili ko. Matapos kong pina init ang tinapay ay lumabas na ako at nag lakad pa puntang park.


Ang ganda talaga dito kahit sa gantong oras. Payapa sa pakiramdam. May mangilan ngilan din namang mga batang nag lalaro sa loob nang park. At habang humuhigop nang kape ay may batang lumapit sa akin.


"Ate para po sayo." May binigay siyang bulakbulak. Tinanggap ko ito at tinanong siya kung kanino galing.


"May nag papabigay po ate. Kasing ganda mo po daw kasi ang flowers na yan." Sabi niya sabay ngiti sa akin.

Matapos niyang sabihin yun ay tumakbo na siya at bumalik sa mga kalaro. Tinignan ko ang mga bulakbulak. Ang ganda. Orchids yung binigay niyang bulaklak. Color violet iyon. Fav color ko pa nga.


Pinicturan ko ito at nag post ako sa IG ko with caption na "LONG ASSOCIATED WITH ROMANCE AND PASSION. THANK YOU FOR GIVING THIS BEAUTIFUL FLOWER WHO EVER YOU ARE."


Madaming nag like. May iba pang nag comment. Nakita ko ding nag comment si Haechi at Yeni. Napa tawa na lanv ako sa mga comment nila.


Yeni Cho😎
HOYY ASAN KA? ALAM KONG BROKEN HEARTED KA PERO HINDI IBIG SABIHIN NUN AY PWEDE KANANG MAG PALIGAW ULIT. 🙄



Haechi Wang👀
UMUWI KANA. ANG AGA AGA KUMIKERENGKENG KA AT SA PARK PA TALAGA. UWI NA KUNG AYAW MONG MA PALO SA PWET.😤



Nag reply naman ako sa dalawa. Pero tawa pa din ako nang tawa habang naka upo lang sa isang kiosk malapit sa mga batang nag lalaro sa slide.

Reply to YENI CHO😎

HOY! ANONG NAG PAPALIGAW ULIT. BAKIT MAY NANLIGAW NA BA SA AKIN? BUNGANGA NETO😒

Reply to HAECHI WANG👀

OPO NAY! NAG PAPALIPAS LANG NAMAN PO NANG ORAS DAHIL ANTAGAL NIYONG GUMISING. MGA LASENGA AMP.



Matapos ko silang replyan ay tumayo na ako at nag lakad pabalik sa bahay. Pag dating ko ay nasa kubo na sina Chi at Yeni. Tinignan lang nila ako habang papalapit ako sa kanila pero di nag tagal ay nag tanong din.



"Saan ka galing?" Tanong ni Yeni


"Jan lang sa may park. Pumunta kasi akong 7/11 bumili nang kape at tinapay na isipan ko lang na dum kumain" sagot ko sa kanya


"Oh sino nag bigay ng mga bulaklak na yan?" Si Chi


"Binay nung isang batang lalaro duon. May nag papabigay daw. Kasing ganda ko daw ang bulaklak. Tss" ako


Napansin kong nag ka tinginan si Yeni at Chi saka nag ka tangoan. Parang may alam tong dalawang to pero pinag walang bahala ko na lang.


"Nakita mo ba si Chocol putoMaya?"


"Hindi. Nagising akong wala na siya sa kwarto."

"Tabi kayong natulog?" Biglang tanong ni Chi na bukang buka ang mata sa gulat.

"Hindi. Sa lapag ako natulog. Pero nang nagising ako nasa kama na ako. Mukhang binuhat ata ako ni Chocol para ilipat sa kama saka siya umalis. Di ko alam."


"Ahh. Okay. Kala ko tabi kayo. " Si Chi


Hindi na ako naka sagot pa nang dumating na sina Beka sa kubo at mag ayang mag 7/11 ulit. Hindi na sana ako sasama dahil dun na din nman ako galing kaso mapilit talaga sila kaya wala akong no choice. Wala naman ding ganap nung araw na yun. Nag pahinga lang din kaming lahat at pawang mga pagod.


Lumipas ang mga araw, linggo naging buwan at ilang buwan pa ang nag daan ay wala na talaga akong narinig mula kay Chocol. Huli na noong araw na hinanap siya nina Yeni at Chi sa akin. *Kumusta na kaya siya? Chat ko ba si Chi or Yeni para itanong? Nakakahiya naman ang ganun. Wag na nga lang. Tsk* naki pag talo pa nga sa sarili.



Wala nmang ganap ngayon. Day off ko kaya nasa kwarto lang ako. Kakatapos ko lang din mag tupi nang mga bagong labang damit. Nag linis na din ako nang kwarto ko at naka pamalengke na din. Oo may sarili akong ref dito sa kwarto ko kaya malaya akong maka pag imbak nang pagkaen. Sini share ko din naman sa mga kasama ko yung foods na mailuluto minsan din ay kanya kanya kaming luto tapos pag pakainan na ay share-share na kami nang ulam.



Naka higa lang ako sa higaan ko nang mag bukas ako nang social media ko. Unang bungad talaga mukha ni Chocol. Akala ko post niya pero nung tinignan ko si Amy pala. Akalain mo nga naman oh dati ni hindi nga pinapansin ni Chocol to dahil ang reason niya ay pag ang babae ang na unang mag paramdam sa kanya eh na t-turn off siya. Pero tignan mo ngayon. Mag ka sama pa nga.


Mapait akong napa ngiti. *Okay lang self. Di natin sila kailangan. AHAHAHA* Tang ina gaslight pa nga. Ni like ko ang post ni Amy. Bago lumipat nang twitterX. Pag bukas ko ay ayun na naman ang pambungad. Nananadya ata to eh!




Binuksan ko ang Dump account ko at dun ko ni repost ang picture nila.


__PutoMayangPipit__
@ Ayaw__sha

Ansakit mong mahalin Choc. Paborito ko ang chocolate dahil matamis kaso mukhang ayoko na ngayon. Ampait na kasi.

*PHOTO*

__PutoMayangPipit__
@ Ayaw__sha

Masaya na akong makita kang masaya sa kanya. :))

*PHOTO*

Matapos kong mag re-tweet ay nag log out ako at pinatay ang phone ko. Akala ko okay na ako. Ilang buwan na din ang lumipas pero hanggang ngayon siya pa din pala. Pinikit ko ang mga mata ko at ipinatong ang mga braso sa noo nang tumulo ang mga luhang kanina pa nag babadyang malaglag.

*Ang sagana namang mga luha to. Di tumitigil. Tsk*

I FELL FIRST BUT SHE FELL HARDERWhere stories live. Discover now