PART 38 - WELCOME BACK

304 5 0
                                    

MAYA'S POV:


"Oh Mico tulongan mo dito si papa ha. Wag na wag mong iiwan at madaming customers. Next week pa ang balik ko kaya umayos ka talaga at wala kang bagong sapatos sa akin pag uwi." Mahabang pa alala ko sa kapatid ko.



"Oo na ate. Kelan ba kasi ako tumakas sa trabaho sayang din yung sahod no. Tsaka wag kang mag alala alam naman ni papa yung trabaho eh." Sagot niya sa akin



"Oo alam kong alam ni papa pina paalalahan lang kita." Sabi ko sa kanya at bumaling naman kay papa. "Pa wag masyado mag pagod hayaan mo sina Mico ang gumalaw ha. Tsaka yung kikitain ay dalhin niyo na lang sa bahay pa." Dagdag ko na namang pa alala sa kanya.



"Oo nak wag kang mag alala. Mag enjoy ka doon mag relax ka. Sa limang buwan mo dito ay puro ka trabaho kaya relax relax din pag may time." Siya naman ang nag bigay pa alala ngayon.



"Okay pa. Salamat. Oh paano alis na po kami at baka ma iwan nang eroplano. HEHE." Paalam ko sa kanila. Na una na din sina Yeni at Chi sa loob nang airport at pina check in na yung mga dala namin. Wala naman akong dala masyado puro pasalubong lang. Pam palubag loob sa mga kaibigan ko. HEHE *SANA TANGGAPIN EH NO?*




Pagka pasok ay nakita ko kaagad si Yeni at Chi sa di kalayuan. Agad naman akong nag punta kung saan sila naka upo. Nasa gate number na sila at nag aantay nang time na pwede nang pumasok sa eroplano. Umupo lang ako sa tabi ni Chi at inabot niya naman kaagad sa akin ang kape at bag ko.




"Thanks" sabi ko.



"You're welcome. Are you excited?" Tanong niya sa akin




"Yes. Makikita ko ulit ang ganda nang Korea." Sagot ko sabay ngiti sa kanya.



Hindi naman nag tagal ay pinapasok na kami sa eroplano. Tabi kaming tatlo sa upuan at ako ang sa may bintana. Nag unahan pa nga kami ni Yeni kaya lang nasa akin talaga ang huling halakhak. AHAHAHA




Ilang minuto pa ay papalipad na ang eroplanong sinasakyan namin. Mas lalo ata akong kinakabahan. For the past five months na hindi nag paramdam sa kahit kanino sa mga kaibigan ko ay alam ko naman na ang magiging reaction nila. Pero sana lang ay kung ano man ang reaction nina Chinat Yeni ay ganun din sana ang matanggap ko galing sa kanila.




Kakalapag lang nang eroplanong sinasakyan namin. I waited for our turn to go. Kinuha ko na yung hand carry things ko ganun din ang dalawa. Pagka labas naman ay agad din kaming pumunta sa kuhanan nang mga maleta. Hindi naman nag tagal ay nakuha na din namin.



We're heading sa exit na. Akala ko mag aantay pa kami nang taxi but to my surprise ay naka abang na pala sa labas ang taong huli kong iniisip na makikita ko. Siya pa talaga ang na una. Tsk.



Tumingin ako sa likod to look for Haechi. Hindi na ako na gulat nung pagtingin ko sa kanya ay naka tingin din siya sa akin. I asked her through our eyes. She did just smile. Umiling ako sa kanya.



"Paaaaards i miss you." Sigaw ni Yeni kay Chocol na nakanguso pa habang tumatakbo palapit dito.



"HAHAHAHA. Halata nga. Pero hindi kita na miss." Sagot niya kay Yeni



"Chi." Tawag niya



"Pards" tawag pabalik ni Chi sa kanya




"Hi Maya. Welcome to Korea.......Again and long time no see. How have you been?" Baling niya sa akin


"I'm good Chocol. How bout you?" Sagot ko sa kanya


Ngumiti muna siya bago sumagot. "I've been doing good but i missed you big time."



Natahimik naman ako sa sagot niya. Buti na lang at nag interupt si Yeni. Pina sakay niya na kami sa sasakyan at agad namin kaming tumalima.



Magka tabi kami ni Chi. Hinawakan niya ang kamay ko dahil alam niyang kinakabahan ako. Nang tumingin ako sa kanya ay ngumiti siya sa akin. Assurance na magiging okay din ang lahat.




Habang nasa biyahe ay tumingin ako sa labas nang bintana. Ngumiti ako sa nakita ko. Pag alis ko ay kasagsagan iyon nang Winter ngayong pag balik ko ay nasa kalagitnaan na nang Spring. Gayun pa man ay na pa kaganda pa rin nang mga puno sa paligid. Mga makukulay na dahon nang mga puno at mga bulaklak.




"Hey. Tulog ka muna mahaba pa ang biyahe natin. I know you're tired." Sita ni Chi sa akin




"Kanina ay pagod ako pero nung makita ko yung mga puno at bulaklak ay nawala na yung pagod ko." Sabi ko sa kanya.




"Just sleep for a while Maya. Gagala naman tayo bukas. Balik tayo nang Nami Island. I know you love Nami." Namilog ang mga mata ko sa sinabi niya at biglang na tuwa naman ako.





"Sabi mo yan ah. Bukas na bukas. Sama natin yung iba." Excited kong sabi sa kanya. Tumango naman siya at tinapik yung hita niya. Umusog pa siya pa atras para maka higa ako.



Chi and I became closer since they stayed in the Philippines. Naka limutan kong so Chocol pala ang nag ddrive nang sasakyan. I opened my eyes at tinignan si Chocol. Nagulat ako nung naka tingin siya sa akin at kay Chi.



Dati naman nang iba maka titig ang mga mata niya. But you will know kung galit siya o masaya. Pero sa mga mata niya ngayon ay alam kong galit ito at nag seselos. Pikinit ko na lang ulit ang mga mata ko hanggang sa maka tulog ako.

--------

Andito na kami sa bahay nang mga magulang ni Yeni. Ginising lang ako ni Chi kaya bumangon na din ako. Kaka dating lang namin alam ko dahil binababa pa lang ni Yeni at Chocol ang mga gamit namin.



May mga bagong trainie na pala si Mr. Cho ngayon. Pano ko na laman? Nasa labas sila eh nasa kubo na dati naming tambayan. HEHEHE. Medjo madilim na din ang paligid kaya sila nasa kubo at tumatambay.



Hindi lahat nang gamit naming dala ay binaba nina Chocol. Iniwan nila yung dalawang maleta ko. Kay Chi at kanya lang ang binaba nila. Duon ako tutuloy sa factory mamaya para matulog.




Nag lakad na kami pa puntang bahay. Naka sunod lang ako kela Yeni at Chocol kasabay ko naman si Chi.




"Omo Maya! Anaaak miss na miss kita bakit ngayon ka lang? Halika pasok pasok. Tamang tama ang dating niyo at kakain na tayo." Masayang sabi ni Mrs. Cho




"Woow mama andito po ako. Ako po yung anak niyo. Hello?" Reklamo ni Yeni na ikina tawa naming lahat.




"Ayy. Sorry nak na excite naman kasi ako makita ulit si Maya eh." Hinging paumanhin neto sa anak




"Na miss din po kita Mama. Okay naman po ako. Kayo po kumusta?" Sabi ko sa kanya




"Eto okay naman kami nang Papa mo. Mabuti naman at nahanap ka nina Chi at Yeni. Hindi kana kasi namin ma contact kaya nag alala kami sayo." Sabi niya ulit




"Ayy nako ma kung hindi pa ako kumain sa korean resto doon ay hindi ko siya mahahanap." Sabat ni Yeni.




"Bakit? Doon ka ba nag t-trabaho nak?" Tanong niya.




"Magiging proud ka kapag nalaman mo mama." Sabat ulit ni Yeni.

I FELL FIRST BUT SHE FELL HARDERWhere stories live. Discover now